UeY-9

2363 Words
Avery Pov Katatapos lang ng photo shoot namin pero hindi parin dumadating ang magaling kong bodyguard. Tsk.! Flashback Kasalukuyan akong nakatingin sa nakakunot-noong si Raven habang may kausap sa kanyang cellphone nang bigla itong lumingon sa pwesto ko. Agad naman akong nagbawi ng tingin at tumingin sa ibang direksyon. Oh gosh.! What's happening to me.? "Sabi mo ikaw ang dating bodyguard ni Ms. Monroe. Tama ba ako.?" Biglang tanong nya kay Claire na umiinom ng tubig. Muntik pang mabulunan ang huli dahil sa biglang pagsulpot nya. "O--oo. Bakit mo natanong be.?" Sagot nito habang nakangiti ng malaki kay Raven. Ano daw.?! Anong be.? "Gusto ko sanang ikaw muna ang magbantay sa kanya bukas." "Huh.? Paano si Tita Amanda.? Saka--" "I already informed Mr. Monroe about this at kumuha na rin sya ng pansamantalang kapalit mo sa pagbabantay kay Mrs. Monroe." Putol nito sa sasabihin pa ni Claire. Wala na ring nagawa ang huli kundi ang tumango na lamang. "Ok, sabi mo eh." Nasabi na lamang nito. Pumasok na rin ulit si Raven sa kanyang kwarto. "Anong nangyari doon.?" Tukoy ni Sophia sa bodyguard kong parang wala sa sarili. Sasagot pa sana ako ng lumabas bigla si Raven na nakasuot na ng leather jacket. "Aalis na ako. Ikaw na muna ang bahala dito Miss Ortaleza." Sabi nito na ikinakunot ng noo ko. "Saan ka pupunta.?" "May aasikasuhin lang." Tipid na sagot nito na ikina-inis ko. Ako ba ang amo o sya.? "And now what.? Iiwan mo ako dito.?" Inis kong sabi na halatang ikina-gulat niya. Pati rin ako nagulat sa inasta ko at sa mga salitang lumabas sa bibig ko. Habang ang dalawa ko namang kasama dito ay kita ko kung paano ngumiti ng nakakaloko. Geez.! Ano ba naman itong nangyayari sa akin.?! "Give me your phone." Bored na sabi nito na ipinagtaka ko. "A--anong gagawin mo.?" "Just give me your phone." Inis na nitong sabi kaya agad kong naibigay sakanya ang cellphone ko. "Inilagay ko na dyan ang number ko. Tawagan mo na lang ako kung saan kayo pupunta bukas. Ako na ang susundo sayo." Sabi nito matapos ibalik sa akin ang phone ko. Hindi na nito hinintay ang sagot ko at diretso nang lumabas ng unit ko. Bigla akong napahawak sa dibdib ko dahil sa lakas ng t***k nito. "Ehem.!!" Rinig kong tikhim ng mga katabi ko. Sabay pa talaga sila huh.! "Ano.?!" Inis kong tanong dahil hindi pa nawawala ang nakakaloko nilang ngiti. "May sinabi ba kami.? Wala naman ah.! Diba Claire.?" Natatawang sabi ni Sophia na sinang-ayunan naman ng huli. Psh.! Whatever.! End of flashback "May hinihintay ka ba.?" Nakangiting tanong ni Marco, co-model ko. Umalis na kasi si Claire ng masigurado nyang okay na ako dito dahil pinatawag sya ni Dad. Nag'text na din naman ako kay Raven kung saan ang shooting place namin pero yun nga lang, hindi parin ito nagre'reply. Hays. Wala naman sigurong masamang nangyari sa babaeng 'yun diba.? Saka bat ba ako nag-aalala sa babaeng yun eh kaya naman nya ang sarili nya.?! "Are you okay Avery.?" Tanong nitong kasama ko. "Huh.? Uh. Yeah, I'm okay." Sagot ko rito at ngumiti ng pilit. "Are you sure.? Kanina pa ako nagsasalita rito pero mukhang ang lalim ata ng iniisip mo." Sasagot na sana ako ng may tumikhim sa likuran namin dahilan para pareho kaming mapalingon rito. Bigla atang nagliwanag ang mukha ko ng makita sya. "Umuwi na tayo." Malamig na sabi nito. "Who are you.?" Takang tanong ni Marco sa kaharap namin. "She's my bodyguard Marco. Mauna na kami. Tara na." Hindi ko na hinintay ang sagot nito dahil hinila ko na si Raven palayo sa kanya. Makatingin kasi sya sa babaeng 'to para na nyang hinuhubaran. Manyak na lalaking yun.! "Bat ang tagal mong dumating.?" Kunway inis kong tanong sakanya pagkapasok namin sa loob ng kotse. "May pinuntahan lang ako saglit. Uh, I'm sorry." Sagot nito na ikina'lingon ko sa pwesto niya. Palihim akong napangiti nang hindi ito mapakali sa kinauupuan nya. --------- Raven Pov Hindi ako mapakali sa driver's seat lalo na't ramdam ko ang pagtitig sa akin ni Avery. Nate'tense ako at hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko gayong sanay naman akong tinititigan ng ibang tao. Tsk.! Ang weird. But damn.! Sumasakit ang ulo ko kapag sumasagi sa isipan ko ang nangyari kagabi. Flashback Kanina pa tumutunog ang phone ko kaya iniwan ko muna sina Avery sa kanilang pwesto at sinagot ang tawag ni Tito Marcus. "Bat napatawag ka Tito.?" Agad kong tanong sa kanya. "Pumunta ka dito sa lumang building, same place. ASAP." Sagot nito na ikina'kunot ng noo ko. "Bakit.?" "May ipapakilala ako sayo. Intruders." Sagot nito na agad kong nakuha. "Pero paano ang anak ni Mr. Monroe.?" "Si Claire na ang bahala dyan. Alam na ni Oscar." "Ok. I'll be there in 20 minutes." Sagot ko at agad na pinatay ang tawag. Pagkatapos ay agad kong sinabihan ang babaeng nagngangalang Claire at pumayag naman ang huli. Nagpa'alam na din ako sa kanila ng biglang magsalita si Avery. Aaminin kong nagulat ako sa sinabi nya at huli na ng mapagtanto ko ang ginawa ko. Giving my personal number is not my forte, especially if I'm not close with that person. *** Pagdating ko sa meeting place namin ni Tito Marcus ay agad kong napansin ang dalawang lalaki na nakatali sa upuan. Sakto namang nagising ang dalawang ito nang makalapit ako sa pwesto nila. "Buti naman at dumating kana." Walang ganang sabi ni Tito habang nakatingin sa dalawang lalaki na nagpupumilit na makawala sa pagkakatali sa kanila. "Sino naman ang mga ito.?" Tanong ko sakanya. "Mga agent na nagtatrabaho sa Black Stone." "Pakawalan nyo ako dito g*ago.!" Sigaw ng isang lalaki matapos kunin ni Tito ang panyong nakatali sa kanyang bibig. "Sino ang nag'utos sa inyo na ipapatay si Raven.?" Panimulang tanong ni Tito pero ngumisi lang ang taong ito. Tsk.! Akala nya ikina'gwapo nya yun eh mukha namang syang aso. "Kahit baguhin mo pa ang pangalan mo, hindi mo pa rin mababago ang krimeng ginawa mo.!" Sigaw nito sa akin kaya malakas ko syang sinuntok na muntikan na nyang ikina'buwal sa sahig. "Wala kang alam sa mga nangyayari." Cold kong sagot rito na tinawanan nya lang. "Uulitin ko ang tanong. Sino ang nag utos sa inyo na ipapatay sya.?" Seryosong tanong ni Tito pero tinawanan lang sya ulit ng lalaking ito. May saltik ata ang utak ng isang 'to, tumatawa ng walang dahilan. "f**k you.!" Sigaw nito kaya agad syang binaril ni Tito sa ulo na agad nyang ikina'matay. Pansin ko ang pagkabigla sa mukha ng kasama nya na ngayon ay galit na galit ng nakatingin sa amin habang pinipilit na makawala. Agad din namang kinuha ni Tito Marcus ang panyong nakalagay sa bibig nya kaya agad din itong nagsisisigaw katulad ng namatay na nyang kasama. "P*tang ina nyong dalawa.! Mga walang'hiya.! Papatayin ko kayo.!" "Sabihin mo na kasi sa amin kung sino ang nag-utos sa inyo. Baka magbago pa ang isip kong patayin ka kapag nagsalita ka." Nakangising sabi ni Tito Marcus. I admit, he's heartless when it comes to this issue. "G*go.! Kahit patayin nyo man ako wala kayong makukuhang impormasyon sa akin." Matigas na sabi nito. "Andami mong sinasabi. Bakit hindi mo na lang sabihin sa amin kung ano ang nalalaman mo." Nanggigigil nang sabi ni Tito Marcus. I'm getting impatient too. "Eh ikaw.? Bakit hindi mo na lang isuko ang babaeng 'yan.? Para hindi kana madamay sa gulong ginawa nya. Sinisigurado ko sa inyong dalawa na kahit mapatay nyo man ako ngayon, may susunod pa rin na katulad ko para hanapin at patayin kayo. Lalong-lalo kana Ghillian!" Sigaw nito kaya agad kung kinuha ang baril sa likuran ko. "Raven. Iyon na ang pangalan ko. At alam mo ba kung ano ang pinaka'ayaw ko sa lahat.? Yun ay ang mga madadaldal na tao." Malamig kong sabi bago sya barilin sa kanyang ulo. What a waste of time.! "Kailangan mo ng mag'doble ingat lalo na ngayon na hindi na lang isa ang ipinapadala nila." Paalala na sabi ni Tito. Oo nga pala. Sya ang laging tumutumba sa mga agent na gusto akong patayin noong hindi pa bumabalik ang alaala ko. Yeah, he is that someone. "Anyway, sa bahay kana matulog ngayon. Namimiss kana ng Tita Carla mo at ni Kathleen." Dagdag pa nito habang naglalakad palayo. "Yeah sure. Susunod ako." Sagot ko na lamang sakanya habang nakatingin sa dalawang bangkay sa harapan ko. End of flashback Bakit nga ba ako pinapa'hanap at gustong ipapatay ng agency na dating pinagtatrabahu'an ko.? Well, simple lang. Nalaman ko kay Tito Marcus na mayroon palang nag frame-up sa akin at ako ang tinuturo na pumatay sa dalawa kong kaibigan at doon sa dalawa pang agent na bumaril sa amin. Hindi ko alam kung sino ang taong mastermind sa lahat ng ito. Pero isa lang ang sigurado kami, sa Black Stone sya nabibilang. Ang Black Stone ay isang ahensya ng Royalty HeadHunters na humahawak sa mga magagaling na private army nila. Isang ahensya kung saan ako nabibilang. Want to know kung paano namin nalaman that they framed me up.? Simple lang din. May kumanta lang naman na agent nila noong nahuli ko itong sumusunod sa akin at halatang bagong tauhan ito ng Black Stone. Pero yun nga lang, bago pa nya masabi kung sino ang nag utos sa kanya eh may bumaril na sa kanya mula sa malayo. Sniper, yeah. Pero mga walanghiya talaga.! Pinatay na nga nila ang mga kaibigan ko tapos ngayon ako pa ang tinuturo nilang salarin.! P*ta.! Kapag nalaman ko lang talaga kung sino ang pasimuno sa lahat ng ito, sisiguraduhin kong ipapalasap ko sa kanya ang impyerno.! Pero sa ngayon ipapa'ubaya ko muna kina Tito Marcus ang lahat ng ito. At kapag natapos ko na ang trabahong ito, hahanapin ko at iisa-isahin ko ang mga walang pusong pumatay sa mga magulang at kaibigan ko.! "Are you ok.?" Tanong nitong kasama ko na nagpabalik sa ulirat ko. Himala atang hindi na sya nagsusungit sa akin ngayon. Parang kahapon lang eh kulang na lang nya akong ipagtabuyan palabas ng unit nya. "Yeah. May iniisip lang." Tipid kong sagot sa kanya habang nakatuon sa daan ang tingin ko, rinig ko pang napabuntong-hininga ito. Ano na naman kaya ang nangyari dito.? "Uh. I--I'm sorry nga pala sa pagsusungit ko sayo kahapon." Panimula nito. Nilingon ko muna sya saglit pero nagulat ako ng bigla itong sumigaw. "Ikaw kasi eh.! Nagtatanong ako ng maayos tapos ang lamig mong sumagot at ang tipid pa." Parang batang sabi nito habang nagpapadyak pa ng paa habang nakalabi. Hindi ko tuloy mapigilang matawa dahil sa ginawa nya ngayon. Para kasing bata na inagawan ng laruan. Ang cute nyang tingnan. Wait...what.?! Napalingon ulit ako sa pwesto nya ng hindi na ito kumikibo. Nahuli ko itong nakatitig sa akin habang namumula ang mukha. Anong meron.? "Okay ka lang.?" Nag-aalala kong tanong sakanya dahil hindi parin sya gumagalaw sa kanyang kinauupuan habang nakatitig pa rin sa akin. Geez. May dumi ba ako sa mukha.? Mukha naman itong natauhan at biglang umayos ng upo. "Uh. Yeah. O--Okay lang ako." Nauutal na sagot nito. "Sigurado ka.?" "Oo naman. Medyo nagulat lang ako kasi tumawa ka." Nahihiyang sabi nito habang nakayuko ang ulo na ikina'kunot ng noo ko. "Bakit.? Bawal na ba akong tumawa.?" "No.! I--I mean hindi naman sa ganon. Ano kasi, first time kong makita na ngumiti ka. Lagi lang kasing straight at blangko ang expression ng mukha mo kapag magkausap tayo." Utal-utal paring sagot nito na para bang kinakabahan. Napa'iling na lamang ako dahil sa kanyang inasta. "Cute." Nasabi ko na lamang sa aking sarili. "Ano.?!" Sigaw niya na ikina'laki ata ng mata ko. Fuck.! Did I say it loud.?! --------- Avery Pov "Cute." Mahinang sabi nito pero dinig ko naman. "Ano.?!" Gulat kong sigaw na ikina-taranta niya. "Huh.? Ang--ang ibig kong sabihin ay ang cute nong aso na nakita ko kanina bago ako pumunta dito. Oo yun nga." Sunod-sunod na sabi nya na ikina'bungisngis ko. Hays.! Naisip ko na naman tuloy ang sinabi nina Sophia kahapon. *** Flashback "May tanong ako bestie." Biglang sabi ni Sophia habang kumakain kami. "Ano yun.?" "May chance ba na magkagusto ka kay Raven.?" Tanong nya dahilan para masamid ako sa iniinom kong juice. Pero ang mga bruha, tawa lang ng tawa. "What the hell best.?! Like seriously.? Baliw ka ba.? Kita mo ngang babae yung tao eh. Saka, I'm straight as a pole.! Goodness.!" Hysterical kong sagot sa kanya. "I know you are. Pero what if lang naman yun. Saka what if kung magkagusto sya sayo.? Saka feeling ko, hindi straight si Raven." Sabi pa nito na parang wala lang iyon sa kanya. "Tama ka dyan Sophia. Nararamdaman ko din 'yan. Isa pa, ang hot kaya ni Raven kaya hindi imposibleng mabaluktot ka nya." Natatawang sang'ayon ni Claire. Yung totoo.? Nasobrahan ba sa hangin ang utak ng dalawang ito.? Kung ano-ano ang pinagsasabi eh. "Pwede ba.? Let's just drop the topic guys. Hindi iyon mangyayari okay.?  Kita nyo namang ang cold nyang makisama diba.? At hindi kami close for pete's sake.! Higit sa lahat. STRAIGHT ako.! Maliwanag ba.?" Naiirita kong sabi sa kanila. "Ok ok. Ang init naman ng ulo mo. Parang nagtatanong lang eh. Pero alam mo best. Kapag nangyari yun, na magkagusto ka sa kanya. Well, ok lang naman sa akin. Mukha naman syang matino and I like her for you." Nangingiting sabi ni Sophia. Kailan pa nagbago ang preference ng babaitang ito.? Paki'explain guys. Hays. Mga baliw talaga.! Pero what if nga noh.? Geez.! Erase.! erase.! erase.! It won't happened. Never.! End of flashback And now hearing her laugh makes my heart beat fast. It was like a music to my ear. Para akong tangang nakanganga kanina habang tumatawa sya. Buti na lang hindi nya iyon napansin. Shit.! Wala naman sigurong ibig'sabihin non diba.? Last week ko lang naman sya nakilala kaya imposibleng---oh no no no.! It can't be.! I'm straight and I'm sure of it. Right.! I am. Kumbinsi ko sa aking sarili. Yeah, you're straight....Sa ngayon. Singit ng mahadera kong utak. Oh shit.! I'm doomed. ---------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD