Avery Pov
It's been three weeks. Tatlong linggo ko ng kasa-kasama si Raven pero hanggang ngayon malamig pa rin syang makisama. Though minsan nakikipag-usap naman sya sa akin pero madalas talaga ang tahimik nya at parang ang lalim lagi ng iniisip.
Sa tatlong linggo ding iyon ay unti-unti ko na ring nakikita ang soft side nya. Katulad na lamang nong napaso ang kamay ko ng mainit na tubig dahil sa katangahan ko. Napasigaw ako dahil sa hapdi. Nagulat na lamang ako ng bigla syang sumulpot sa likuran ko.
"Anong nangyari sayo.?" Agarang tanong nito
"Na--napaso ang kamay ko." Naiiyak kong sagot sa kanya.
Sino ba naman kasi ang hindi maiiyak kung bagong kulo pa lang ang tubig na iyon.!
Nagulat na lamang ako ng bigla nyang kinuha ang kamay ko at tiningnan ng mabuti.
"Hindi naman malala. Wait lang. Hintayin mo ako dito." Sabi nito at nagmamadaling pumunta sa kanyang kwarto. I mean, sa may guest room.
Pagbalik nya ay may dala-dala na syang ointment at kinuha nya ulit ang kamay ko na napaso at masuyong nilagyan non habang hinihipan ito.
Namula tuloy ang mukha ko dahil sa ginawa nya. Buti na lang busy sya sa paglalagay ng ointment sa kamay ko kaya hindi nya nakita ang nangangamatis ko na ngayong mukha.
"Hayan, tapos na. Mag-iingat ka sa susunod ok.?" Mahinahong sabi nito.
Napatango na lamang ako.
"Salamat." Nahihiya kong sabi. Ngumiti naman ito sa akin na ikinatigil ko.
Bigla ata akong natulala at bumilis ang heartbeat ko nang makita ang ngiting niyang iyon.
I looked away before she noticed my reaction. Hindi din naman kasi ako makatingin sa kanya ng diretso.
"Hi Avery, can I invite you for dinner.?" Biglang tanong ni Peter na nagpabalik sa akin sa realidad. Isa ito sa mga co-model ko.
Nandito pa ako sa loob ng tent ko at hindi ko nagugustuhan ang bigla nyang pagpasok ng walang paalam. Pati tuloy si Karen na P.A ko ay nakakunot na ang noo ngayon.
"Lalabas po muna ako ma'am Avery." Paalam ni Karen na tinanguan ko lamang before I answer this man's question.
"I'm sorry, pero may kailangan pa akong puntahan." Tipid kong sagot at tipid ding ngumiti sa kanya.
"C'mon.! Pumayag kana. Hindi naman tayo magtatagal eh. Pagbigyan mo na ako." Pagpupumilit nito na mas lalong hindi ko nagustuhan.
"I'm sorry Mr. Hudson, pero hindi pwede."
Seryoso ko ng sabi sakanya pero mukhang hindi naman natinag ang huli dahil mas lumapit pa ito sa pwesto ko at hinahaplos na ngayon ang aking braso.
"Hindi ako sanay na inaayawan Miss Monroe, and I know gusto mo rin naman kaya huwag kanang magpakipot pa." Mahanging sabi nito habang nakangisi dahilan para masampal ko sya ng wala sa oras.
"What the.?!" Gulat nitong sambit at galit na tumingin sa akin.
Pansin kong tumaas ang kanang kamay nito at akma akong sasampalin kaya napapikit na lamang ako ng mata. Pero ilang segundo na ang nakakalipas ng hindi dumapo ang kamay nya sa maganda kong mukha. So, I decided to open my eyes only to see Raven in front of me.
Hawak-hawak nya ang kamay ng lalaking ito. Nakatingin lang sya sa akin and as usual, hindi ko na naman mabasa ang expression ng mukha nya.
"Bitch.! Bitawan mo ako.!" Galit na sigaw ni Peter kaya padabog syang binitawan ni Raven na muntikan na nyang ikatumba.
Buti nga sa kanya.
"Ayos ka lang.?"
Raven seriously ask but with a glint of concerned on her cold voice na kumiliti sa kabuuan ko.
"Yeah. Thanks." Sagot ko na nanginginig pa. Maybe dahil sa nangyari sa amin between this guy.
"Who the hell do you think you are.?!" Nagsisigaw nang sabi ni Peter pero hindi sya pinansin ni Raven, bagkus ay inalalayan ako nitong maglakad palabas ng tent ko.
Halos lahat ng staff at co-model ko ay nakatingin sa amin. Marahil ay nagtataka sila kung ano ang nangyayari.
"You bitch.! Huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita. Hindi mo ba ako kilala huh.?!" Sigaw na naman ni Peter at biglang hinablot ang braso ng bodyguard ko.
Pero agad din naman syang natumba ng suntukin sya ni Raven sa mukha.
Napasinghap pa ang mga tao sa paligid namin dahil sa kanilang nasaksihan.
"Wala akong paki'alam kung sino kapa. Pero ito ang tandaan mo. Sa susunod na lumapit kapa kay Miss Monroe at may gawin kang katarantaduhan, hindi lang iyan ang aabutin mo. Tandaan mo 'yan." Malamig na sabi ni Raven at inakay na ako papunta sa parking lot.
Pagkapasok namin sa loob ng kotse ay hindi pa rin nya ito pinapaandar. Pero pansin ko ang mahigpit nyang paghawak sa manibela ng kotse at ang malalim nyang paghinga habang nakayuko.
Kaya kahit na kinakabahan ay maingat kong hinawakan ang kamay nya na nakahawak sa manibela. Ramdam kong nagulat ito sa ginawa ko pero hindi naman ito kumibo.
"Are you ok.?" I hesitantly asked to state the obvious.
"I'm ok. I'm sorry sa nangyari kanina." Apologetic na sabi nito bago huminga ng malalim.
"Ano ka ba, wala yun. He deserved it." Nakangiti kong sabi sakanya na ikina'iling nya.
"So, sana pala binugbog ko na sya." Bored lang na sabi nito habang pinapaandar na ang kotse. Natawa naman ako sa sinabi nya.
"Hayaan mo na. Hindi na naman nya siguro uulitin yun. Nakatikim na ng suntok mo eh. Hahaha. Ang lakas mo palang sumuntok." Pagbibiro ko sakanya para naman gumaan ng kunti ang aura na nakapalibot dito.
"Hmm. Hindi naman." Tipid lang na sagot nito habang nakangiti ng alanganin.
Pansin ko lang this past few days medyo ngumingiti na sya. Pero syempre hindi mawawala yung pagiging cold niya lalo na sa mga taong nakapaligid sa akin na hindi nya kilala.
"Sus, pa'humble kapa dyan. Mukhang hindi nagkamali si Dad sa pagkuha sayo. Maling-mali ako sa sinabi ko sayo dati na hindi mo ako kayang iligtas." Natatawa kong sabi habang nakatingin sa harapan.
Bigla itong natahimik sa sinabi ko. Paglingon ko sa kanya ay seryoso lang ang mukha nito habang nagmamaneho. Nag-aalala tuloy ako kung may nasabi ba akong hindi maganda.
"May nasabi ba akong mali.?" I asked.
Umiling naman ito habang nasa daan pa rin ang atensyon.
"Wala. May naalala lang. Don't worry." Tipid na sagot nito.
Pansin ko ang pagdaan ng sakit at lungkot sa kanyang bilugang mata na agad din namang nawala. Lalo na ng mapansin nitong nakatingin ako sa kanya.
Pakiramdam ko may ipinagdadaanan sya ngayon. Sanay kasi ako na laging blangko ang expression ng mukha nya at ang mga mata nito na malamig kung tumingin. Pero ngayon, iba ang nakikita ko sa mga matang yun.
"Pull over." Nasabi ko bigla. Nagtataka itong tumingin sa akin pero sinunod din naman nya ang utos ko. Agad kong tinanggal ang seatbelt ko na lalong ikinakunot ng noo nya.
"May prob----" Simula nya pero agad ding napatigil ng bigla ko syang yakapin ng mahigpit.
Alam kong nabigla sya pero hindi ko kayang makita syang malungkot. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa gayong hindi naman kami masyadong malapit sa isa't-isa.
Kung tutuusin, may dahilan ako para hindi sya pansinin dahil isa lang naman syang bodyguard at lagi pang malamig kung magsalita.
Pero bakit ganon.? Hindi ko kayang baliwalain ang nakikita kong kalungkutan sa mga mata niya. Para akong sinaksak ng ilang beses.
Nakakainis.! Ngayon lang ako naging ganito ka'concerned sa isang tao na hindi parte ng pamilya ko. Kahit noong naghiwalay kami ni David ay hindi ganito ang nararamdaman ko.
Pakiramdam ko nga nakahinga pa ako ng maluwag dahil parang nakawala ako sa hawla.
Pero iba kay Raven, nasasaktan ako ng sobra nang makita ko ang lungkot sa mga mata niya knowing na ilang linggo pa lang kaming nagkakilala.
Bakit ganito.? Bakit pakiramdam ko matagal ko na syang nakita at nakasama.?
Lalayo na sana ako sa kanya dahil sa hiya nang maramdaman kong nasa magkabilang gilid lang ang kamay niya. Pero nagulat na lamang ako ng ilagay nito ang kanyang mga kamay sa aking likod at marahan akong niyakap.
Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti dahil sa response niyang iyon.
"I hope nakatulong ang yakap na iyon para gumaan ang loob mo. Masyado kasing malungkot ang aura mo." May katotohanang biro ko sakanya ng humiwalay kami sa isa't-isa.
Not until I realized na ang lapit lang pala ng mga mukha namin. Yung tipong mahahalikan ko na sya kapag may tumulak sa akin ng kunti.
Namula naman ako sa naisip ko kaya agad akong umayos ng upo at isinabit ulit ang seatbelt.
Gosh.! Nakakahiya.!
"Salamat." Rinig kong sabi nito na ikina'lingon ko sa kanya.
My face flushed when I saw her smile. A genuine smile.
Shit.! Lalo syang gumaganda sa paningin ko.
Gosh.! Mukhang kailangan kong makausap ang bestfriend ko ngayon. I'm starting to get confused.
Am I still straight.? Or I already bend by her.?
***
"Are you sure na ayaw mong samahan ko kayo ng kaibigan mo.? Trabaho ko naman 'to."
"You don't have to guard me 24/7. Don't worry, tinawagan ko na si Claire para may makasama kami ni Sophia and probably baka nandoon na sya sa loob ngayon." Pang'a'assure ko kay Raven habang nandito kami sa loob ng elevator papunta sa unit ni Sophia.
Habang papunta kasi kami dito kanina ay nag'text ako kay Claire. Pinapunta ko ito sa condo unit ni Sophia na hindi naman nito tinanggihan since may pinuntahan din naman daw sya malapit lang sa condominium building kung saan nakatira ang bestfriend ko.
"If you say so." Rinig ko pang sagot ni Raven.
Agad akong nag'doorbell pagkarating namin sa condo unit ni Sophia.
Nakaka'dalawang doorbell pa lamang ako ng magbukas ang pintuan at iniluwa ang bestfriend ko at si Claire na ang laki ng mga ngiti.
Anong nangyari sa mga ito.? Mukhang nakahithit ng droga eh.
"Hi Raven.!" Sabay pa talaga nilang sabi na ikina'ikot ng mata ko.
"Um. Hi." Tipid na sagot nitong katabi ko. "Uh, sige aalis na ako. Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka at kapag may napansin kang kahina-hinala." Bilin nito sa akin na tinanguan ko.
"Huwag kang mag-alala Raven. Nandito naman ako eh. Hindi ko pababayaan ang gf-- este ang amo mo." Nangingiting sabi ng bwiset na si Claire.
Ang sarap talagang kutusan ng babaeng 'to.
Pansin ko ang pagkunot ng noo ni Raven kaya palihim kong pinandilatan ng mata ang dalawa pero nginitian lang ako ng mga bruha.
"Uh, sige. Aasahan kita." Nasabi na lamang nito bago umalis sa harapan namin kaya agad na akong pumasok sa loob.
"So, now tell me kung ano ang sasabihin mo." Bungad agad ni Sophia pagka'upo namin sa sofa.
"Excited lang bes.? Hindi makapaghintay.?" Sarkastikong sagot ko na tinawanan lang nilang dalawa.
May saltik na ata sa utak ang dalawang ito.
"Ano na nga kasi." Pangungulit naman ni Claire.
I had no choice kundi ang e'kwento sa kanilang dalawa ang nangyari kanina mula sa shooting place namin at doon sa nangyari sa kotse. Pati na rin ang nararamdaman ko kapag malapit lang sa akin si Raven.
Akala ko mag he'hysterical ang dalawa pero nagulat na lamang ako ng bigla silang tumawa ng malakas.
Mga lokaret talaga.!
"Sabi sayo eh. Si Avery ang unang mahuhulog kaya ihanda mo na ang bayad mo sa akin." Masayang sabi ni Claire sa nakasimangot na ngayong si Sophia.
Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nila. Hanggang sa mapagtanto ko kung ano ang ibig sabihin ni Claire.
"Mga walanghiya kayo.! At talagang pinagpupustahan nyo pa akong dalawa huh." Naiinis kong sabi pero tawa lang sila ng tawa.
"Huwag ka nga.! Talo na nga ako dito eh." Nakasimangot na sabi ng animal kong kaibigan dahilan para tingnan ko sya ng masama.
"Hoy babaita.! Hindi ko sinabing makipag'pustahan ka noh. Sipain kita dyan eh."
"Oo na. Pero seryoso bestie. Hindi ko inaasahan na mahuhulog ka agad kay Raven."
"Oo nga. Akalain mong in love ka sa kanya." Sabat ni Claire na ikinataas ng kilay ko.
"In love agad.? Hindi pwedeng gusto muna.?" Pilosopo kong sagot sa kanila.
"Hindi naman iyon ang nakikita namin ah." Tumatawa pa ding sabi ng bruha.
"My gosh.! Hindi ko alam na ang dali kang na'bend ni Raven." Over'reacting na sabi ng bruhilda ko ding kaibigan. Pero ang sinabi nya ang syang nakapagpatigil sa akin.
"Bend.? Na'bend ako ni Raven.? I--ibig sabihin. Lesbian na ako, ganon.?" Nauutal na tanong ko sa dalawang ito.
"Frankly, you are still straight. Kay Raven ka lang naman nabaliw---I mean, bumaluktot which naiintindihan ko naman." Natatawang sabi ni Claire kaya agad ko syang sinamaan ng tingin.
"Saka bes, nalaman ko din na hindi pala straight si Raven. May humahabol pa nga sa kanyang babae eh. Sino nga ulit yun.? Hmm. Ah.! Tama.! Wendy ang pangalan ng babaeng yun. Sya yung naka'one night stand ni Raven na desperada makuha ang atensyon ng huli." Sabi ni Sophia na ikinanganga ko.
"At saan mo naman nakuha ang impormasyong iyan.?"
"Kay Kathleen. Hindi mo naman kasi sinabi na si Raven pala ang pinsan ng frenny natin. Mabuti na lang nakasalubong ko ang babaeng yun sa mall at yun nga, tinatanong niya kung okay ka lang. Kinakamusta din nya ang kanyang pinsan. Nagtaka pa ako noong una kung sino ang tinutukoy nyang pinsan. Pero nong malaman kong si Raven pala ay nagtanong na lamang ako tungkol sa love life niya. Hahaha." Tumatawang sabi nito na ikina'iling ko. Ang tsismosa talaga.
"Nalaman ko din na single pa pala ang bodyguard mo, though marami daw ang mga babaeng naghahabol rito lalo na ang Wendy na iyon." Pagtatapos nito.
"Ang chic magnet ng bodyguard mo Avery. Kung ako sayo gumawa kana ng hakbang. Baka maunahan kapa ng iba dyan. Sige ka." Pananakot ni Claire.
Natahimik ako ng ilang minuto dahil sa sinabi nila. Ang bilis lang kasi ng pangyayari. Ni minsan hindi sumagi sa isipan ko na magkakagusto o mahuhulog ako sa kapwa ko babae.
Pero sabi nga ng ibang tao; expect the unexpected.
So, am I really falling for her.? Or I already fall in love with her.?
----------