Raven Pov "Tulala ka dyan Ven.? May problema ba.?" Nag-aalalang tanong ni Killian na ikinalingon ko sa pwesto nya. Nandito ako ngayon sa office sa loob ng restaurant na pagmamay-ari namin. Gusto ko muna kasing makapag'isip ng maayos tungkol sa mga nangyayari nitong mga nakaraang araw at kahapon, lalong-lalo na sa nararamdaman ko kapag malapit sa akin si Avery. Naguguluhan din ako sa ikinikilos nya. I don't want to assume na may gusto sya sa akin dahil baka ganon lang talaga sya ka'clingy especially sa mga kaibigan nya. Hindi ko tuloy maiwasang di mapangiti kapag naaalala ko ang nangyari kanina sa condo nya bago ako pumunta dito. Kagagaling ko lang maligo ng mapansin kong may tumatawag sa cellphone ko. Kinuha ko ito sa may bedside table ko at sinagot ang tawag. "Hello.?" "Hi Raven. S

