Avery Pov Mas lalo ko lang inilapit ang aking katawan kay Raven habang nakahawak sa kanyang batok at sya naman ay nakahawak sa aking baywang. Wala akong paki-alam kong mayroon mang makakakita sa amin dito sa parking lot na naghahalikan. I kissed her more like my life depends on it. Matagal ko ng hinintay ang pagkakataong ito at hindi ko palalampasin ang araw na ito na hindi sya mahalikan. I kissed her to assure that the feelings are mutual and also, I want her to feel how much I love her. Parehas kaming naghahabol ng hininga ng maghiwalay ang aming labi pero nanatili pa rin akong nakayakap sa kanya. Nakasandal ang aking ulo sa kanyang dibdib since mataas sya ng ilang inches sa akin. Ang isa nyang kamay ay nasa baywang ko at ang isa ay masuyong hinahagod ang likuran ko. Rinig ko pa ang

