Simula
“Ahhh…” Hindi ko mapigilang mapaungol nang maramdaman ko ang mainit niyang halik sa aking leeg, paakyat sa pisngi, mula sa likuran. Napapikit ako, nanginginig ang labi, pilit nilalabanan ang init na unti-unting lumalamon sa akin. “Hindi… hindi ‘to puwede, Luther…” mahina kong pagtutol, halos pabulong, sabay hawak sa kanyang braso.
God knows I tried everything to stop him. Pinigilan ko ang sarili ko. Sinaway ko ang damdamin ko. Sinabi ko sa sarili kong maling-mali ito. Pero bakit ganito? Bakit parang buong katawan ko ang nagtatraydor sa akin?
Mariin ang pagkakahawak niya sa aking bewang, at ramdam kong dahan dahan iyong gumapang pataas sa aking tiyan. Hindi agresibo, kundi mariin, kontrolado, may paninigurado. Hanggang sa hinila niya ako paharap sa kanya. Sa isang iglap ay nakatingin na ako sa kanyang mga mata, at doon na ako tuluyang nalunod.
Mapupungay ang mata ko, dilat pero parang wala sa sarili. At siya, siya ang pinaka-perpektong nilalang na nasulyapan ko sa ganitong lapit. Ang hulma ng kanyang panga, ang lalim ng tingin, ang paraan ng paggalaw ng kanyang labi…
Diyos ko. Walang sinumang babae ang kayang hindi mapaluhod sa harap niya.
Kilala si Luther Voss sa kanyang kagwapuhan, katalinuhan, at sa bangis niya sa mundo ng negosyo. Pero sa likod ng lahat ng iyon, may kung anong mas madilim… mas mapanganib… at ngayon, iyon mismo ang kinakaharap ko.
And I hated it.
Because I liked it.
No women can resist his harm. At mukhang isa na ata ako doon dahil pakiramdam ko nahulog ako sa bitag niya.
“Really? Trying to stop me while moaning?” dagdag pa niya, ang boses niya ay mababa, buo, at nakakayanig ng kaluluwa. “You think I’ll believe that, hmm?”
Napasinghap ako. Napapikit. Hindi ko na alam kung alin ang totoo, ang sinasabi kong ayaw ko o ang damdaming tila sinisigaw ng katawan kong gusto ko siya. Ang bawat haplos niya ay apoy. Ang bawat titig niya ay parang utos na mahirap suwayin.
And then he kissed me.
Wala na akong nagawa. Sa sandaling naglapat ang labi niya sa labi ko, para akong nawalan ng lakas. Nahulog ako sa isang halik na hindi ko inakalang darating. Na hindi ko naman pinangarap. At kung pinangarap ko man, ay sa panahong hindi ko pa alam kung gaano siya mapanganib.
Luther Voss.
Ang kapatid ng kaibigan ko. Isang lalaking hindi ko dapat hinangaan, at lalong hindi ko dapat pagnasaan. Pero bakit ganito? Bakit kahit nakatingin lang ako sa kanya mula sa malayo, sapat na para masabi kong siya ang dahilan ng pagbilis ng t***k ng puso ko?
Ngayon, hindi na lang ako basta nakatingin sa kanya. Nasa mga bisig na niya ako at hindi ko alam kung paano lalaban sa kanya… o kung gusto ko pang lumaban.
“Kapag natagpuan ako at malaman ni—”
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Pinigil niya ako sa pamamagitan ng isang agresibong halik, isang halik na puno ng pag-aangkin, galit, at isang damdaming pilit niyang kinokontrol. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi ko, at sa sakit na may halong sarap, napasinghap ako.
“Don’t say his name,” bulong niya sa pagitan ng aming mga labi, ang boses niya'y mababa, punong-puno ng tensyon at banta. “Don’t even try. I swear, Seraphine… I might kill him without mercy.”
“Pero, Luther—”
Hindi niya ako pinatapos. Isa na namang halik, mas madiin, mas mapusok. Napaatras ako hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader sa aking likod. Habang ang labi niya ay bumaba papunta sa aking leeg, marahan niyang dinadama ang bawat pulgada ng aking balat na tila isang pagmamarka.
His kisses, wet, warm, and possessive, left trails of fire down my neck. My body trembled under his touch, and despite every warning in my head, I couldn’t stop the heat building inside me.
Napakapit ako sa kanyang braso, higpit na halos parang ako ang kumakapit para sa buhay ko. Dikit na dikit na siya sa akin. Ramdam ko ang kabuuan niya, ang init, ang tigas, at ang pagnanasa niyang hindi na niya kayang itago. Ang kamay niya ay naglakbay sa aking tagiliran, banayad ang haplos pero matatag, tila may layunin at ang bawat dampi ay parang kuryenteng gumagapang sa aking laman.
“Luther…” Mahina kong ungol habang napapikit ako sa matinding sensasyong nararamdaman. Wala nang pumipigil sa kanya, pati ako, hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko.
Inangat niya ako nang para bang magaan lang ako sa kanyang mga bisig, at marahang inilapag sa malambot niyang kama. Sa bawat kilos niya ay ramdam ko ang pangangalaga ngunit kasabay rin nito ang matinding pag-angkin. Parang sinasabi ng bawat haplos niyang akin ka.
Muling naglapat ang aming mga labi. Mas malalim, mas mapusok. His hand slid along my waist, brushing against the most sensitive part of me, making me arch against him. My breathing became erratic, my mind completely clouded with sensation.
“Luther…” bulong ko habang ang bawat pintig ng puso ko ay unti-unting nauubos sa init ng kanyang presensya. Nawala na ang lahat ng ingay sa paligid. Sa sandaling iyon, siya lang, siya lang ang natitirang katotohanan sa mundo ko.
Ang balat niya ay dumadampi sa akin, mainit, maalab. Ramdam ko ang bigat ng katawan niya sa ibabaw ko at ang mga titig niyang tila binabasa ang kaluluwa ko. Ang bawat halik niya ay parang panata, at bawat haplos ay tila sinasambit ang pangakong hindi na niya akong hahayaang masaktan muli.
“Masakit ba?” tanong niya, mababa ang boses, may halong pag-aalala at pagnanasa. Ramdam ko na siya’y ganap nang nasa akin, kahit wala man siyang sinabi o pahintulot na hiningi. Ngunit sa kabila ng biglaan, may bahagi sa akin na tila matagal nang naghintay sa sandaling ito.
Tumango lamang ako, bahagyang nanginginig sa pinaghalong kirot at ligayang hindi ko kayang ipaliwanag.
Hinalikan niya ako sa noo, sa pisngi, sa labi, mga halik na pilit inaaliw ang bawat bahaging nasasaktan. Sa bawat dampi ng kanyang labi, unti-unti kong nakakalimutang nasaktan ako noon, na may lalaking minsang nagwasak sa akin.
Ang kanyang paggalaw ay banayad, tila inaawit ang himig ng pag-aalaga at pag-angkin. Napapikit ako sa sarap at sensasyong dumarampi sa bawat hibla ng pagkatao ko. All I could say was his name, again and again, like a prayer I never knew I needed.
At akala ko’y tapos na, ngunit nagulat ako nang marahan niya akong baliktarin, ang mga kamay niya’y maingat ngunit mariin. Hindi pa ako tuluyang nakakabawi, ngunit muling isinagad niya ang sarili niya sa akin mula sa likod, sabay bulong sa aking tainga…
“Damn him... for turning your life into hell,” bulong niya, ang boses niya’y puno ng galit at pangakong hustisya. “I swear, Seraphine, I’ll make him suffer for everything he did. But you… you’ll only know heaven with me. No more pain, only me, loving you, protecting you, making you whole again.”
Napaluha ako, hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa damdaming matagal ko nang inilihim: ang kagustuhang may taong makakaramdam sa akin na hindi ako sirang babae… na kaya pa akong mahalin.