Ramdam kong nakasunod si Luther sa likuran namin habang abala si Marsing sa pamimili. Kapansin-pansin ang presensya niya kahit wala siyang sinasabi, kalmado pero matatag, at tila ba laging alerto. Si Marsing naman ay walang kapagurang tumatawad, kumakausap sa mga tindera, at pinipili ang mga pinakamahusay na sangkap. Tumutulong din si Luther sa pagbubuhat ng mga binili namin. Kahit ilang beses na siyang pinagsabihan ni Marsing na huwag na dahil "amo" siya nito, ayaw pa rin niyang tumigil. “Hindi naman po mabigat,” tanging tugon niya habang karga ang iilang plastic na may lamang sari-saring gulay, prutas, at mga seafoods kanina. Sa gilid ng mata ko, ramdam ko ang mga kilos niya, kung paano niya maingat na sinisigurado na hindi kami nababangga ng ibang tao, kung paanong paminsan-minsan a

