“Seraphine…” Marahang lumapat ang malamig at magaan na haplos sa aking pisngi, dahilan upang dahan-dahan akong mapamulat. Bumungad sa akin ang maamong mukha ni Luther, bahagyang nakakunot ang noo sa pag-aalala habang hawak ang isang maliit na basang bimpo na inilapat niya sa aking noo. “You should’ve told me that you’re not feeling well,” he murmured, the guilt in his voice evident. Ang lambot ng tinig niya, ngunit mas ramdam ko ang bigat na dala nito, parang ilang oras na siyang nagbabantay sa tabi ko. Kahit na masakit pa ang ulo ko at nanlalambot ang katawan, hindi ko napigilang sumagot, marahan ngunit may pait sa tinig, “Papaniwalaan mo ba ako?” Napakurap siya, halatang nasaktan sa sinabi ko. Pero hindi siya umiwas. Hindi siya tumalikod. Sa halip, mas lalo pa niyang hinawakan ang pi

