bc

PRINCE ZION'S MATE (Completed)

book_age16+
4.8K
FOLLOW
15.7K
READ
spy/agent
mate
brave
sweet
office/work place
pack
like
intro-logo
Blurb

Andrew Zion Donovan story.

#Second Generation.

She helped him because he needs help. He's dying at that night. She didn't expect na mahuhulog ang loob niya sa binata. Lumipas ang mga araw na magkasama silang dalawa pero ang hindi niya inaasahan ay ang biglaan nitong pag-alis ng walang paalam. Pero nag-iwan naman ito ng isang mahalagang bagay sa kanya. At maghihintay siya sa pagbabalik nito kahit walang kasiguraduhan kung babalik ito o hindi na.

chap-preview
Free preview
Prologue
                            Maingat na inilapag ni Lovely ang bulaklak na dala niya sa puntod ng kanyang ama. Saglit niyang hinawakan ang lapida. Napabuntong-hininga siya. Her father died saving her that night. Nabaril ito sa puso na ikinasawi nito. Nahuli naman agad ang pumatay sa kanyang ama. Namatay ang ama niya nang labin-limang taong gulang pa lamang siya. Pagkatapos ng libing ng kanyang ama ay kinuha siya ng matalik nitong kaibigan na nagmamay-ari ng isang Secret Organization at pinag-aral hanggang sa nag-training siya para maging secret agent. Lumaki siyang walang ina. Ang sabi ng kanyang ama ay iniwan sila nito at sumama sa ibang lalaki. Napabuga siya ng hangin at tumingala sa kalangitan. "Alam kong lagi kang nasa tabi ko, Tay." Bulong niya sa hangin. Namulsa siya sa suot niyang jacket at lumabas ng memorial park. Tinungo niya ang kinaparadahan ng kanyang big bike. Regalo ito ng Boss niya nang graduation niya noong college. Isinuot niya ang helmet at sumakay sa kanyang big bike. Nang makatanggap siya nang mensahe mula sa kanyang Boss. From: Boss Subject: Congressman Vicente Alvaro. Spy him. At may ipinadala itong picture ng isang disenteng lalaki. And she guess,this man is nearing sixty. Tinawagan niya kaagad ang boss niya. "Boss, I'm not a computer para malaman kung nasaan siya." Tumawa naman ang boss niya sa kabilang linya. "I know." She rolled her eyes. "Bakit ko siya iispyehan?" Tanong niya. "Well nothing serious. Aalamin mo lang kung sino ang babae niya. Gustong malaman ni Mrs. Alvaro kung sino ang babaeng kinababaliwan ng asawa niya." Tumaas ang kilay niya. "That's it?" Akala naman niya kung mag-eespiya siya ng isang sindikato. "Yeah, that's it." "Geez ... men." Naiiling niyang saad. Tumawa ang boss niya. "Bye, Agent Love." "Bye, Boss." She said in sing sang voice and ended the call. She looked at her wristwatch. Malapit na ang pag-alis ng Congressman sa opisina nito. Mabilis niyang pinatakbo ang big bike niya. Pagdating niya sa labas ng gusali na pinagtatrabahuan ni Mr. Alvaro ay agad niyang nakita ang mga tauhan nito sa labas. Napailing siya at inihinto ang big bike hindi kalayuan sa mga ito. Ilang minuto lang ang lumipas  nang makitang lumabas ang Congressman sa gusali. Agad na pinagbuksan ito ng pinto ng kotse. Umalis na ang mga ito at sinundan niya ang mga ito. She kept her distance para hindi siya mahalata ng mga ito. Kumunot ang nuo niya nang makita niyang huminto ang kotse nito sa harapan ng isang restaurant. Nang pumasok ang Congressman sa restaurant ay sumunod siya. Naiwan sa labas ng restaurant ang tauhan ng Congressman. Nakita niyang nilapitan nito ang isang magandang babae at hinalikan sa labi. Umupo siya hindi kalayuan sa mga ito. Iilan lang ang tao sa restaurant at hindi niya maiwasang hindi magduda. Iba kasi ang naramdaman niya sa mga lalaking kumakain. Walang kasama ang mga ito at panay ang tingin sa Congressman. "...just water." Aniya sa waiter nang lumapit ito sa kanya. Tumango ang waiter. Nakatuon ang atensiyon niya sa Congressman at sa katabi nitong babae. Pasimple niyang kinunan ang mga ito ng larawan at ipinadala sa Boss niya. Bahala na itong magpadala kay Mrs. Alvaro. Tumayo na siya pero agad siyang  natigilan nang makitang nakahandusay sa semento ang mga tauhan ng Congressman. Tumingin siya sa mga lalaking kumakain. Parang may binubunot ang mga ito sa kanilang bewang. Her eyes widen when she saw they pulled out a guns at itinutok sa Congressman na walang kamalay-malay habang nakikipaghalikan sa babae nito. She tsked. Mga lalaki talaga. "Congressman!" Mabilis niya tinakbo ang kinaroroonan nito at itinulak. She quickly pulled out her gun and shoot the guy who was aiming his gun at the Congressman. Sunod niya binaril ang nasa magkabilang gilid at malakas na sinipa ang mesa papunta sa isa pang lalaki na babaril na sana sa kanya. Mabilis siyang umilag ng barilin siya ng lalaki na nanggaling sa labas. She dropped her body on the pavement and quickly shoot her opponent. Sunod-sunod niyang binaril ang mga ito hanggang sa bumagsak ang mga ito sa sahig. She smirk. Tumayo siya pero natigilan nang may naramdaman siyang dumikit sa ulo niya. "You killed my men!" Mabilis siyang pumihit paharap at hinampas ang babae sa mukha gamit ang baril niya. Nawalan ito ng malay at napaupo sa upuan. Napailing siya at tinulungang makatayo ang Congressman. "Ayos lang po ba kayo, Congressman?" Tanong niya. "What was that?!" Bulalas nito. Ngumiti siya at pinainom ito ng tubig. "Sa susunod po, huwag na kayong magtiwala sa mga magagandang babae." Sabay sulyap niya sa babae nito. "Sige, Congressman. Alis na ako. Darating na ang mga pulis mamaya." Tinalikuran na niya ito at lumabas ng restaurant. Nilapitan niya ang kanyang big bike at agad na sumakay. Pero bago siya umalis ay nagpadal siyang ng mensahe sa Boss niya. To: Boss Please, clear the footage,Boss. Mabilis niya itong pinatakbo palayo sa lugar na 'yun at umuwi. Pagdating niya sa condominium na tinitirhan niya ay ipinarada niya ang big bike sa parking lot. Nang mapatingin siya sa isang bahagi ng parking lot. Kumunot ang nuo niya nang may nakita siyang anino. Hindi na lang niya ito pinansin at pumasok sa condo. Tinungo niya ang elevator at pinindot ang fifth floor kung nasaan ang room niya. When she entered her room. Kaagad niyang hinubad ang leather jacket at itinapon sa sofa. Tinungo niya ang kusina at kumuha ng isang cup ng  instant noodles. Nilagyan niya ito ng mainit na tubig at ang seasoning. At habang naghihintay ay binunot niya ang baril na nasa kanyang thigh holster. Inilapag niya ito sa mesa. Nang makitang luto na ang noodles ay kinuha niya ito at pumunta sa sala. Inabot niya ang remote at i-on ang TV. Pero wala namang magandang palabas kaya i-off niya rin ito. Pagkatapos niyang kumain ay nagtungo siya sa kanyang kwarto. Tumingin siya sa orasan na nakasabit sa dingding. It's already 7:05. Naghubad siya ng damit at pumasok sa banyo. Naglinis siya ng katawan at nang matapos ay lumabas siya ng banyo habang nagpapatuyo ng buhok. Nang matapos ay hindi na siya nag-abalang nagsuot ng damit at humiga siya sa kama na naka-underwear lang. She used to it. Nakatingin lang siya sa kisame at hindi na naman siya makatulog. Nang mag-vibrate ang cellphone niya na nasa gilid ng kanyang unan. From: Boss Get ready for  a new serious case tomorrow, Agent Love. To: Boss Yes, Boss. Serious case, meaning involve dito ang mga syndicate. Ipinikit niya ang mata hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Isang lalaki ang biglang lumitaw sa loob ng kuwarto ni Lovely. Kinuha ng lalaki ang kumot at kinumutan ang dalaga. Tinitigan muna ng lalaki ang dalaga ng ilang minuto bago ito naglaho. Nagmulat naman ng tingin si Lovely nang may naramdaman siya. Malakas ang pakiramdam niya kaya naramdaman niya na may kasama siya kanina dahilan para magising siya. But she inhaled a unique scent na siyang muling humila sa kanya ng antok.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
199.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.9K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.9K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.2K
bc

SILENCE

read
381.2K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.2K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook