13

1760 Words

NAKAILANG shot na ng brandy si Clinton ngunit tila walang talab iyon sa kanya. Nais na sana niyang matulog ngunit hindi maalis sa isip niya ang magandang mukha ni Charlotte. She looked pretty at the wedding. She was radiant. Sa mga mata niya ay natalbugan nito ang ganda ni Maki. Tinatamad na binuksan niya ang kanyang laptop. Nagtungo siya sa Web site ng kanilang banda at sinagot ang ilang fan mails. Nang maubusan ng gagawin doon ay naisip niyang buksan ang e-mail ni Scott. Talagang e-mail address ni Scott iyon na ginagamit nito noon pa man. Naisip niyang gamitin iyon nang hindi niya malaman kung paano niya aaluin si Charlotte nang mabigo ito nang matindi sa pag-ibig. Kung hindi nga siya pinigilan noon ng mga magulang niya, baka naipabugbog na niya ang lalaking iyon. May bagong mensahe

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD