“NAALALA kong sinabi sa akin ni Papa na may magandang kuwento ang bandang Stray Puppies,” ani Charlotte kay Clinton bago niya kinagatan ang Popsicle niya. Nasa isang twenty-four hour convenient store sila at kumakain ng Popsicle. Sila lamang ang naroon bukod sa guard at cashier. Nang matapos silang kumain sa grill house ay nagyaya itong mag-ice cream. Dahil ayaw pa niyang umuwi kahit late na late na, nagpaunlak siya. Ayaw pa niyang mahiwalay rito. Nais pa niyang makasama at makakuwentuhan ito. Napakarami pa niyang bagay na nais malaman tungkol dito. Tumango ito. “Mga dati kaming palaboy. Totoo `yon at hindi lang gimik para makabenta kami ng album. We really came from the streets. Mayroon lang taong nagmagandang-loob na patuluyin kami gabi-gabi sa talyer na pinagtatrabahuhan niya. We

