“HELLO?” Tumahip ang dibdib ni Charlotte nang marinig niya ang pamilyar na tinig ni Clinton sa kabilang linya nang tumawag ito sa kanya isang gabi. Ang totoo, kanina pa niya hinihintay ang tawag nito. Ang akala nga niya ay hindi na ito tatawag kaya sinukuan na niya ang paghihintay. “H-hi,” ganting bati niya. Umupo siya sa sofa. Hindi niya napigilang kiligin. Masayang-masaya siya dahil tumawag ito. Ayaw niyang matapos ang pagkakakilala nila sa isang date lamang. She wanted to know all about him. “How are you?” tanong nito. Hindi nakaligtas sa kanyang tainga ang pagsuyo sa tinig nito. “Great. Thank you for the flowers. They’re beautiful.” “Walang anuman. Kumusta naman ang buong araw mo?” “Okay naman. Umaga pa lang, kompleto na ang araw ko dahil nakatanggap ako ng dalawang bouquet ng b

