“HEY!” Muntik nang mapatalon si Charlotte sa labis na pagkagulat nang biglang may magsalita sa likuran niya. Paglingon niya ay ang nakangiting mukha ni Clinton ang bumungad sa kanya. “Hey,” nakangiting bati rin niya. Kaagad na napuno ng kaligayahan ang puso niya dahil nasilayan ito ng mga mata niya. Kalalabas lamang niya ng ospital. Medyo napagod siya dahil sa dami ng trabaho ngunit ayos lang dahil nakita na niya si Clinton. Tila inilipad ng hangin ang lahat ng pagod niya. “Ano ang ginagawa mo rito?” tanong niya. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa. He looked gorgeous in his tribal print black shirt and faded jeans. Isang pares ng sneakers lamang ang suot nito sa mga paa. Magulo ang buhok nito. Ang totoo, hindi niya gusto dati ang mga lalaking katulad nito. Dati ay nadudumihan

