11

2109 Words

BUONG pagkamanghang inilibot ni Charlotte ang kanyang paningin sa paligid ng tanyag na events place kung saan siya naroroon. Hindi siya makapaniwalang nakikita niya nang personal ang mga tanyag na personalidad sa larangan ng musika. Nasa reception siya ng kasal nina Rob at Maki kung saan siya ang date ni Clinton. Ayon kay Clinton, isang simpleng kasalan lamang ang nais ng bride at groom at mga piling tao lang ang imbitado. Ngunit dahil parehong malaking personalidad ang dalawa sa music industry ay hindi iyon nangyari. Maraming imbitado, kabilang na ang maraming sikat na mang-aawit at musikero. Alam niyang nagmumukha na siyang jologs habang namamanghang nakamasid sa mga sikat. Minsan ay talagang hindi na niya maitago ang kanyang pagkamangha kapag ipinapakilala siya ni Clinton sa mga bis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD