Chapter 13 - Almost Caught In The Act

1657 Words
Humahangos na napasugod sa ospital si Ashley. Nang tumawag si Attorney Pablo sinabi nito na habang palabas ng opisina ang kanyang ama ay may riding in tandem na kapwa mga nakasuot ng facemask ang bumaril sa kanyang ama. Mabuti na lamang at maagap ang mga bodyguards nito at agad siyang naiiwas bagamat dinaplisan siya ng bala sa bandang braso ay hindi naman ito ganun kalala. “Dad, kumusta ka na?” yumakap sa ama si Ashley sa sobrang pag-aalala. “I told you, iwanan mo na ang pulitika.” nakikiusap na wika niya. “Anak, hindi lang nasa pulitika ang mga kalaban ko. Madami din akong kalaban sa negosyo natin. We’re at the peak of our business that’s why marami ang gustong pabagsakin ako.” paliwanag nito sa anak habang hawak ang kamay nito. “Gusto ko na ng tahimik na buhay.” Naiiyak na wika ni Ashley. Ang ama na lang niya ang nag-iisang pamilya niya at ayaw niyang mawala pa ito. Habang nakahilig sa dibdib ng ama ay naisip niya ang sinabi nito na hindi lang sa pulitika ang kalaban nito kundi pati sa negosyo. Sino-sino kaya ang mga kakayahang magtangka sa buhay ng kanyang ama? Sino ang pwede naming hingian ng tulong? Kinabukasan ay ipinagpahinga muna niya ang kaniyang ama sa isa sa mga town houses nila sa Baguio. Pagkahatid sa ama ay agad din siyang bumaba ng Manila at dumiretso sa opisina ng sariling kumpanya nila Emman. Agad siyang pinapasok ng secretary nito sa mismong loob ng opisina dahil kilala na siya nito. Nasa isang meeting place daw si Emman kasama ang ilang investors. Pinili niyang maupo sa sa loob ng opisina nito habang naghihintay, nagpalinga-linga siya sa loob niyon. Isang ideya ang pumasok sa isip niya. Mabilis siyang naghalungkat sa mga gamit na andoon, umaasa na baka isa sa mga gamit na makikita niya ay makakuha siya ng ebidensiya na magpapatunay ng pagiging traydor ni Emman sa kumpanya. Isa-isa niyang binuksan ang mga drawer binasa ang mga folder na andoon. Bawat files ay inisa-isa niya. Walang cabinet ang pinalagpas niya hanggang sa makakita siya ng isang safe, nakalock ito. Sinubukan niyang hulaan ang password nun, lahat ng numbers na alam niyang konektado kay Emman ay sinubukan niya. Birthday nito, birthday niya, monthsary nila pero wala talaga, ayaw nitong bumukas. Inikot niya ang mga mata. Inisa-isa ang mga librong nakasiksik sa mini library nito. Hanggang sa nahulog ang isang usb drive na nakaipit sa isang libro, bumundol ang kaba sa dibdib nii Ashley. Maya-maya pa naririnig na niyang may papalapit na yabag ng mga tao na halatang papasok sa loob ng opisina. Nataranta siya hindi niya alam ang gagawin ibinulsa niya ang usb drive at nagtago siya sa likod ng mini library nito. Iniluwa ng pinto si Emman, inikot nito ang mga mata sa buong opisina. Maya-maya pa ay may kinausap ito sa telepono. “Wala siya dito. Baka umalis na.” sabi nya sa kabilang linya. Naglakad paunti-unti sa mini library si Emman ilang hakbang na lang at makikita na niya ang nagtatagong si Ashley nang may kumatok sa pinto ng opisina. “Your wine Sir.” ani ng isang waiter dala ang isang bote ng alak at isang baso. Tumalikod si Emman at nakahanap ng pagkakataon si Ashley para lumipat ng pwesto sa isang divider malapit sa pinto ng opisina. Kinuha ng waiter ang alak at sinalian ng laman di sinasadya ay bigla na lamang nito nabitawan ang basong hawak at nabasag iyon sa sahig. “Tanga tanga ka talaga!” Sigaw ni Emman dito habang pinapagpag ang nabasang polo. Nakita ni Ashley na tila nagmuwestra ang kamay ng waiter sa likuran nito na para bang alam nito na andoon siya na para bang binigyan siya nito ng pagkakataong makalabas ng pinto habang nakatalikod si Emman. Nakasuot ng facemask ang waiter kaya di niya maaninag ang mukha nito. Tumango siya dito at agad lumabas ng opsina. Ngunit agad siyang napansin ni Emman na pumuslit agad itong humabol sa kanya. Hindi niya ako dapat makilala. Help me Lord! Dasal na lang ni Ashley. Itinaas niya ang hood ng suot na jacket at dire-diretso na tumakbo. Napadpad siya sa likurang bahagi ng building kung saan may malaking swimming pool, covered iyon at mataas ang bubong walang tao sa part na iyon dahil working hours pa. Usually hapon nagkakaroon ng tao doon o gabi para sa empleyado iyon na gustong magswimming. Nag-iisip siya kung saan pwedeng magtago pansamantala. “Halughugin niyo ang lahat ng lugar. Hindi pa nakakalayo ang taong iyon!” narinig niyang sigaw ni Emman sa mga tauhan nito. Patay! Palapit na sila s lugar! Napaantada ng krus si Ashley bago napagpasyahang tumalon sa pool. Inilubog niya ang katawan sa gilid nun para hindi siya makita. Hindi niya alam kung hanggang kailan tatagal ang hininga niya sa ilalim pero wala na siyang ibang choice. Pasinghap-singhap na sa ilalim si Ashley. Ilang minuto pa at naramdaman niyang may tumalon sa tubig. Namataan niya si Cedrick, inilagay nito ang daliri sa labi at nagmuwestra na naghahanap pa ang mga kalaban sa taas buti nasundan siya nito kaagad at nahalata na nasa ilalim siya ng pool at nakapuslit ito ng talon. Parang nauubusan na siya ng hininga, nahalata iyon ni Cedrick kaya walang atubiling hinalikan siya nito para hindi siya mawalan ng hangin. Nagulat man ay hindi na nagawang pumiglas pa ni Ashley. Ilang minuto ring magkalapat ang mga labi nila bago sila umahon sa tubig nang masiguro na wala na ang mga naghahanap. Nagtago muna sila sa comfort room ng building at nagsuot ng facemask bago tuluyang lumabas at patakbong nagtungo sa parking lot. Palinga-linga sila papunta sa sasakyan.Sumenyas si Cedrick na huwag maingay, inakay siya nito sa loob ng sarili nitong sasakyan. Pagpasok sa loob ay madilim na mukha ang ipinalit nito. “Alam mo ba na delikado ang ginawa mo?!” Sigaw nito. Nagulat si Ashley sa reaksiyon nito. Paano nito nalaman ang lahat? Nahulaan ni Cedrick ang nagtatanong na isipan ni Ashley. “So, ngayon ka pa masesermon habang basa ang damit nating dalawa?” “Hindi muna ba tayo magpapalit?” galit na rin si Ashley. “Ako yung nagpanggap na waiter kanina. Hinanap kita at nalaman kong dito ka papunta. Sinundan kita rito.” Pag-amin nito sa dalaga. “Oh eh di salamat.” Nakanguso si Ashley dito. “Bakit mo ako sinundan, anong kailangan mo?” tanong niya. “Isasauli ko sana ito.” Mula sa backseat ay iniabot nito ang naiwan niyang clutch bag. Mahinahon na ang pagsasalita nito lalo na nang makita na nanginginig na siya sa ginaw. “Thank you sa ginawa mo kanina, just in time you save me.” Mahinahon na rin magsalita si Ashley. “Bakit mo ba ginagawa ito Ashley? Para saan?” Habang nakatingin ito sa harap ng sasakyan at tila malayo ang tinatanaw. “Maraming death threats sa buhay naming mag-ama, noong una wala lang sakin ang lahat pero unti-unti ko nararamdaman at narerealize na it’s not just a threat kumikilos na sila.” “Ayokong umupo lang at hintayin kung kailan mapupuruhan ang aking ama.” dagdag pa ni Ashley.Blangko ang mukha ni Cedrick habang nagpapaliwanag si Ashley malalim ang iniisip nito. Kinapa niya ang nararamdaman. Bakit parang may pag-aalala na siya sa dalaga? “Ito, gusto kong malaman kung ano man ang nilalaman nito.” Iniabot ni Ashley ang usb kay Cedrick. “Malakas ang kutob ko na may malalaman ako sa bagay na yan.” dagdag pa nito. Maya-maya pa ay nakita nilang lumabas ng building si Emman. Nagpalinga-linga ito. Agad naman nilang iniyuko ang mga ulo nila para sila hindi nito makita sa front mirror. Halos magkauntugan pa ang mga ulo nilang dalawa sa pagkakayuko. Nang masigurado na sumakay na ito ng sariling sasakyan at umalis ay pinaandar na rin nila ang sasakyan. “Sa Baguio tayo, sa townhouse namin. Andoon si daddy ngayon at nagpapahinga kalalabas lang namin ng ospital. May nagtangkang bumaril sa kanya, mabuti at daplis lang.” Utos ni Ashley na para bang sigurado na siya sa sarili niya na susunod sa kanya si Cedrick. Pero imbes na sumunod ay nag-iba ng daan si Cedrick na lubos na ikinabahala ng dalaga. “Cedrick anong ginagawa mo?! Saan mo ako dadalhin?! Huwag mong sabihing isa ka rin sa mga kalaban ni daddy?!” histerikal nitong sigaw. “Manahimik ka muna, hindi tayo pwedeng dumiretso sa kung saan nagtatago ang iyong ama. Hindi tayo nakakasigurado na hindi ka niya nakita kanina sa dami ng cctv sa building na yun. Baka hindi natin mamalayan may nakasunod na pala sa atin at lalo lang mapahamak ang iyong ama.” paliwanag nito.Lumuwag ang damdamin ni Ashley pero hindi parin nawawala sa isip niya ang isiping baka isa nga ito sa mga kalaban ng kaniyang ama. Bakit ba napakadali niyang magtiwala dito? Parang gusto niyang magsisi na sumama siya dito at ibinigay niya ang usb. Kumapa siya sa loob ng bag, lagi niyang dala ang pepper spray at at suklay na kapag pinindot mo ay may lalabas na maliit na patalim sa hawakan nito. Ilang oras pa ang kanilang ibiniyahe at nakarating na sila sa isang bahay na simple lang tingnan sa labas pero magara naman tingnan sa loob. Nagtataka man ay sumunod parin si Ashley sa lalaki hawak niya sa bulsa niya ang pepper spray na kinuha niya sa bag niya. “Safe house ko ‘to.” paliwanag ni Cedrick sa namamanghang mukha ni Ashley. Safe house? Ano bang trabaho niya? Sniper ba siya? Gunman? Masamang tao ba siya at mayroon siyang safe house? Napaatras si Ashley sa mga naiisip pakiramdam niya gusto niyang tumakbo. Napansin naman siya ni Cedrick. “Hey! Safe house ko ‘to as in safe place. Dito ako pumupunta kapag naistress sa trabaho ko noon nung dito pa ako sa Pilipinas nagtatrabaho. Dito ako nag-a-unwind.” mahabang paliwanag nito na halos natatawa na sa reaksiyon ng dalaga sa harap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD