Chapter 12 - Deathreaths

1527 Words
“I’m sorry kuya kung naistorbo kita, alam kong inaasikaso mo ang kaso ni papa diyan. Kaso kasi wala na akong budget dito. Ang dami ng bayarin sa school.” Tila naglalambing ang boses ng bunsong kapatid ni Cedrick na si Cindy. “Huwag kang mag-alala magpapadala ako sayo pero tipirin mo pa at konting tiis pa. Maghahanap muna ako ng trabaho dito habang pinapaimbestigahan ang nangyari kay papa.” wika nito sa kapatid sa kabilang linya. “Kuya don’t you think na wala naman pala talagang foul play? Hindi kaya nastress talaga si papa sa work kaya xa nagpakamatay?” Ayaw man niyang sabihin yun pero ayaw naman niyang kapatid naman niya ang ma-depress sa kakaisip sa nangyari sa kanilang ama. Tumiim ang mga bagang ni Cedrick sa sinabi ng kapatid. “Don’t you ever say that again Cindy. Maayos ang naging huling pag-uusap namin ni papa. Alam ko kong may problema siya o wala. May nakikita akong katakataka sa mga nangyari kay papa at iyon ang aalamin ko.” matigas na wika ng kapatid. “Si– ge. But please! Be careful. Ikaw na lang ang mayroon ako.” Nauutal si Cindy dahil sa naramdamang galit ng kapatid sa kabilang linya. Naiiyak siya sa isiping manganganib ang buhay ng kapatid sa ginagawa nito. Napadilat si Ashley, hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa tabi ng puntod ng kapatid. Nagtaka siya dahil may nakatuping puting papel sa ibabaw nun. Binuksan niya ito out of curiosity. YOU’LL BE DEAD. Anang nakasulat sa papel. Nakaramdam siya ng takot at nagpalinga-linga sa paligid. Dali-dali siyang umalis at sumakay sa sasakyan niya. Kung sino man ang nag-iwan nun malamang isa sa mga kalaban ng kanyang ama sa pulitika o sa negosyo. Tumaas ang balahibo niya sa isiping habang natutulog siya kanina ay malayang nakalapit sa kanya kung sino man ang taong iyon. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan palayo sa lugar. Namalayan na lang ni Ashley na nasa tapat na siya ng townhouse ni Cedrick sa tagaytay. After niya dalawin ang kapatid sa sementeryo ay inalala niya ang address na nakalagay sa profile ni Cedrick na binigay ni Sister Maribeth. Nakatayo siya sa labas ng gate pero nagdadalawang-isip pa siya kung itutuloy ba o hindi. Ano ang sasabihin ko sa kanya kung bakit ako naririto? Tanong niya sa sarili. “Yes Miss? Anong kailangan nila?” Sabi ng boses sa likod niya. Pamilyar sa kanya ang mukha ng lalaki. Ito yung kasama ni Cedrick sa coffee shop nung nagkaroon sila ng eksena ni Emman. “Ah, ano kasi.. Ah..” Hindi siya makahanap ng tamang salita na sasabihin. “Hinahanap mo ba si Cedrick?” Ngumiti ito ng nakakaloko. “Ako nga pala si Adrian.” Pagpapakilala nito. Pagkatapos makipag kamay ay binuksan nito ang gate dahil may sarili pala itong susi. Naiisip tuloy niya kung kaano-ano ba talaga ito ni Cedrick.Hindi kaya magkarelasyon ang dalawa? Kabilang ba sa lgbt si Cedrick? Omg! Bigla siyang nailang sa isiping iyon. Aatras na sana siya pero iniluwa na ng pinto si Cedrick at nakita na siya, huli na para umalis pa siya. “Tara.” Nakangiting aya sa kanya ni Adrian. “Saktong-sakto madami akong dalang pagkain.” Masaya nitong sabi. “Anong ginagawa mo dito?” Seryoso ang mukha ni Cedrick. “Ano ka ba mamaya mo na siya tanungin, papasukin muna natin siya.” Tudyo ni Adrian. Hinila ni Adrian ang mga kamay ni Ashley at tuluyan na nga siyang nakapasok sa loob ng bahay nito.Pagdating sa loob ay muli siyang tinanong ni Cedrick. “Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman ang bahay ko?” Ang talim ng tingin ni Cedrick para bang sinusukat nito ang buong pagkatao niya. Lumunok muna ng sariling laway si Ashley, pakiramdam niya nanunuyo ang lalamunan niya. Ang sungit naman kasi ng taong ‘to. Isip-isip niya. Lumapit siya sa nakatayong si Cedrick, halos isang dangkal lang ang layo nilang dalawa. Napatitig siya kay Cedrick at doon niya napatunayan na nasa kaniya nga ang mata ng kanyang kapatid. Wala sa loob na hinawakan niya ang mukha nito, nakaramdam siya ng kirot sa dibdib. Umagos ang luhang kanina pa niya kinikimkim sa sementeryo. Natulala si Cedrick sa inasal ni Ashley. Hawak nito ngayon ang mukha niya, napakalambot ng palad nito na nakalapat sa pisngi niya. Ang mga mata nito ay puno ng luha katibayan ng dinadala nitong pighati. Pinunasan niya ang mga luha nito sa pamamagitan ng kanyang palad. Nakatitig parin si Ashley sa kanya. Dumapo ang daliri niya sa mga labi ni Ashley, malambot iyon at para bang nag-aanyaya ng isang masarap na halik. “Ehem! Ehem!” Malakas na sabi ni Adrian na galing sa kusina ng bahay. Kakatapos lang ihanda ang mga pagkaing dala. Bumalik sa ulirat si Ashley at nahihiyang nagbaba ng tingin. Pakiramdam niya nangangapal ang pisngi niya sa sobrang kahihiyan. Nahihiya din siya kay Adrian baka kung ano ang isipin nito sa kanya gayong halata naman na may relasyon ang dalawa baka isipin nito na nagpapapansin siya kay Cedrick. “Ah, sige aalis na ako, baka nakakaistorbo na ako sa inyo.” Akma na sana siyang aalis pero pinigilan siya ng huli. “Dito ka na kumain, sayang naman ang mga binili ko. Tara samahan mo akong dalhin sa beranda itong mga pagkain.” Pag-aanyaya ni Adrian. Hinila na siya nito papunta sa kusina. Bumalik na rin sa ulirat si Cedrick at pumasok sa banyo, naghilamos siya para mawala ang kung ano man ang nararamdaman niya kanina. Iba ang tingin sa kanya ni Ashley, alam na ba nito ang siya ang receiver ng kapatid nito? Matagal siyang naglagi sa banyo, kinatok na siya doon ni Adrian. “Ced, ano na? Tara na! Hindi kami kakain hanggat wala ka. Tagal mo naman diyan!” Sigaw nito. Bumukas ang pinto at iniluwa nun ang basang-basa na mukha ni Cedrick. Natawa naman si Adrian sa itsura nito. Parang nanunudyo ang mga tingin nito. “Feeling hot?” panunukso nito. “Iba ang tinginan niyo ng babaeng yun ah? May hindi ba ako nalalaman?” pang-aasar pa nito. “Sira ulo ka talaga! Anong ginagawa ng babaeng yan dito? Bakit mo siya dinala dito?” Sunod-sunod ang tanong niya. “Hep hep! Hindi ko siya dinala dito. Naabutan ko lang siya kanina sa labas ng gate nakatayo sa katirikan ng araw kaya pinapasok ko na. Obvious naman na dito siya pupunta dahil wala namang ibang bahay dito nu?” paliwanag ni Adrian. “Pauwiin mo na siya pagkatapos kumain.” Matigas na wika ni Cedrick. Nagkibit lang ng balikat si Adrian sa tinuran ng pinsan. Matagal na niya itong kilala hindi ito ganun kabastos sa mga babae. Masayang nagkukwentuhan sila Ashley at Adrian habang kumakain habang patingin-tingin lang si Cedrick sa kanila. Panaka-nakang sumusulyap si Ashley kay Cedrick para muling makita ang mata ng kapatid. Ah! Kung pwede lang na maghapon niya itong titigan. Namimiss niya na talaga ang kapatid. Hindi halatang bias tong si Cedrick, sino kaya sa kanila ang bading? Tanong nito sa isip. Nang tumayo si Cedrick para pumunta sa kusina ay nagkaroon ng pagkakataon si Ashley na tanungin si Adrian sa gumugulo sa isip niya. “Ahm, if you don’t mind anong relasyon niyo ni Cedrick. Kayo ba ay” isinenyas ni Ashley ang mga hintuturo pinagdikit niya ang mga ito. Na gets naman kaaagad ni Adrian ang gusto nitong sabihin. Napahagalpak ito ng tawa sa tinanong ni Ashley pinagkamalan pala silang magkarelasyon nito. “Malapit lang talaga kami sa isa’t-isa, sa gwapo naming ‘to napagkamalan mo pa talaga kaming bakla?” muling natawa si Adrian. Namumula namana ang pisngi ni Ashley sa pagkapahiya. Pamaya-maya pa ay nagring ang cellphone ni Ashley. Bumungad doon ang pangalan ng kanilang abogado. “Yes Attorney.” sagot niya sa kabilang linya. Nagulat si Ashley sa ibinalita nito kaya taranta na siyang nagpaalam sa dalawa. “I’m sorry I have to go. Salamat sa pagkain Adrian, Cedrick.” Paalam niya at dali-dali na siyang umalis. Sa pagmamadali ay naiwan pa nya ang clutch bag niya sa lamesa. Hahabulin na sana siya ni Adrian pero mabilis na niyang napaandar ang sasakyan. “Anong nangyari dun? Emergency?” tanong ni Adrian sa pinsan. Nagkibit lang ng balikat si Cedrick. Niligpit na ni Adrian ang mga kinainan nila at nagpaalam na magsisiesta sa kwarto. Tumango lang si Cedrick na nasa beranda parin at nakatingin sa malayo. Napansin nito ang naiwang clutch bag ni Ashley na ipinatong lang ni Adrian sa center table kinuha niya iyon at binuksan. Isang nakalamukos na papel ang tumawag ng pansin sa kanya bukod sa ilang mga personal nitong gamit. Nang buklatin niya iyon ay nanlaki ang mata niya sa nabasa. YOU’LL BE DEAD ang nakasulat sa papel.saan niya iyon nakuha?Hindi kaya at nakakatanggap na rin ng death threat ang dalaga katulad ng sa ama niya? Nang gabing iyon ay malalim ang naging pag-iisip ni Cedrick. Nag-aalala ba siya sa dalaga? Hindi maaari! Sigaw ng isip niya. Napatitig siya sa lamukos na papel na nasa isang kamay niya at sa calling card ng ama ni Ashley. Palipat-lipat ang tingin niya sa dalawang bagay na nasa kamay nya. Nakatulugan niya ang pag-iisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD