Chapter 11 - Revelations

1433 Words
“Buwisit na babaeng yan!” padabog na hinagis ni Emman ang attache case sa sofa ng bahay nila sa sala. Maya-maya pa ay lumabas mula sa kwarto niya ang naka-spaghetti strap at sexy short lang na si Jasmin. “Bakit? Anong problema?” tanong nito. Lumapit ito kay Emman na kasalukuyang nakaupo. Hinilot hilot niya ang ulo nito. “Nakikipagbreak si Ashley.” napahawak ito sa sariling mukha at napasabunot sa ulo niya. “But why?! May natuklasan ba siya? Nalaman niya na ba ang tungkol sa atin? Nakahalata na ba siya?” sunod-sunod ang tanong ni Jasmin. “I think wala pa siyang alam, wala parin siyang maalala.” “It’s just that ayaw lang daw niyang maging unfair sa akin. At may isang nakikisawsaw sa aming dalawa. Ngayon ko lang siya nakita.” Napapaisip si Emman sa biglaang naging desisyon ni Ashley. “Palamigin mo muna ang ulo ni Ashley at saka mo siya ulit suyuin. Hindi pwedeng hindi mo siya mapakasalan.” ani Jasmin. Balak talaga nila na makapagpropose na siya kay Ashley at mapakasalan niya ito. Kung magkakaganun ay magcocombine ang yaman ng dalawang angkan at maliligtas sa pagkakalugi ang kanilang kumpanya. Hindi sapat na magnakaw siya ng malaking halaga, kailangan niya ng sasalo sa tiyak nilang pagbagsak. Kung hindi sila magpapakasal ni Ashley, wala siyang ibang choice kundi ang gumawa ng isang hakbang na hindi nito magugustuhan. Ang mawala ito sa kumpanya, sa ganoong paraan siya na ang magiging shareholder at magagawa na niya ang lahat ng gusto niya ng walang nakakapuna. Lumapit si Jasmin sa kanya at umupo sa kandungan niya. “Need my help? Pwede akong lumapit kay Ashley para magmanman.” alok nito. “No need, baka lalo lang mapurnada ang mga plano ko kapag nakialam ka pa.” ani niya. Kahit medyo nasaktan ay pinili ni Jasmin na huwag na lang magsalita. Hinalikan na lang nito si Emman sa labi para mawala ang stress nito, isang halik na nauwi sa isang pagsasalo ng sandali sa loob ng kanyang kwarto. Dirediretsong pumasok sa loob ng bahay si Ashley tumuloy ito sa opisina ng ama. Mula sa labas ay dinig niya ang pakikipag-usap ng kanyang ama. May bisita si daddy? Sa loob-loob niya. Wari niya ay seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito, hindi niya alam kung ano na ang nagtulak sa kanya para pakinggan sa labas ng pinto ang pag-uusap ng dalawa. “Si Cedrick lang ang nakikita kong qualified para maging tagabantay ng anak ko.” dinig niyang wika ng ama. “Hindi mo mapipilit ang isang tao sa ayaw niyang gawin, hindi assurance na nasa kanya ang mga mata ni Rico para isaalang-alang niya na may utang na loob siya sa mga Madrigal.” sagot ng kausap nito. “Huwag nating kalimutan na nagsakripisyo ang ama niya para sa iyo at para sa ikabubuti ng kumpanya.” dagdag pa ng kausap nito. Napanganga si Ashley sa pakikinig. Anong ibig sabihin ng mga sinabi nito? Parang ayaw mag sink-in sa utak nito ang lahat lahat ng mga narinig. Anong koneksyon ni Cedrick sa pamilya namin? Totoo bang siya ang receiver ng mga mata ng kanyang kapatid? Mga tanong na naglalaro sa kanyang isip.At ano ang papel ng ama nito sa mga Madrigal? Anong sakripisyo ang binabanggit ng kausap ng kanyang ama? Tahimik na lumayo mula sa labas ng opisina si Ashley at tumuloy sa sariling kwarto. Hindi na niya narinig pa ang ibang tinuran ng kanyang ama. “Dumarami ang kaaway. Hindi malayong pati ang anak mo ay madamay sa lahat ng ito.” Ang kausap pala nito ay ang attorney nila na si Pablo. “Iyan ang dahilan kung bakit gusto kong si Cedrick mismo ang magbabantay sa anak ko, ilang beses na niyang niligtas ang anak ko sa tiyak na kapahamakan kaya nasisiguro ko na tadhana na mismo ang naglalapit sa amin.” “Wala na akong ibang mapagkakatiwalaan pa sa buhay ng anak ko.” Pagtatapos nito sa litanya niya. Nagkibit balikat na lang si Pablo at nagpaalam na. “I wish you luck, sana mapapayag mo na siya as soon as possible. Time is running.” sabi pa nito bago tuluyang umalis. Hindi makatulog si Ashley sa mga nalaman. Anong ibig sabihin ng kanyang ama na ilang beses na siyang iniligtas ni Cedrick sa tiyak na kapahamakan? Magdamag niyang inisip ang bagay na iyon. Kaya maaga pa lang ay umalis na siya para magpunta sa Milagrosa de Palacio paniguradong may alam si Sister Maribeth sa lahat. “Ashley!” Nagulat pa ang madre pagkakita sa dalaga. Wala itong pasabi na dadalaw dahil dumadalaw lang ito kada magdadala ng mga pagkain at pangangailangan ng charity na iyon. “Anong atin? Bakit biglaan yata ang pagpunta mo?” tanong ng madre pagkatapos siyang bigyan ng kape. Nasa garden sila ng nasabing lugar. “Sister, may itatanong lang po sana ako sa inyo. Sana hindi niyo masamain.” panimula ni Ashley. “Ano iyon?” Tanong nito bagamat sa isip niya ay parang nahuhulaan na niya ang itatanong ng dalaga. “Na-idonate na po pala ang eye organ ng kapatid ko. Gusto ko sanang malaman kung bakit wala po kayong naikukuwento sa akin?” Parang may halong pagtatampo sa boses niya.Huminga muna ng malalim ang madre bago nagsalita. “Kagustuhan ng ama mo na ilihim sa iyo ang lahat. Baka daw lalo ka lang malungkot kapag nakita mo ang mata ng kapatid mo sa ibang tao.” Umiwas ito ng tingin na para bang hindi ito nagsasabi ng totoo. “Maaari ko po bang malaman kung sino ang receiver ng aking kapatid?” muli niyang tanong. Tumango ang madre at saglit na umalis. Pagkabalik ay may dala na itong portfolio na naglalaman ng impormasyon ng receiver. Kahit alam na niya kung sino ay curious pa rin siya sa pagkatao ni Cedrick. Naalala niyang parang matagal na nitong kilala ang kanyang ama nang unang beses itong nagpunta sa bahay nila. Pagbuklat pa lang niya ay bumungad na agad sa kanya ang litrato nito. Cedrick Acosta. “Nalaman niyo ba kung bakit siya nabulag?” tanong niya. “Ang buong pagkakaalam ko ay sa isang aksidente, nasangkot siya sa isang gulo na naging sanhi ng pagkabulag nito.” sagot ng madre.Robert Acosta. Pamilyar ang pangalan ng kaniyang ama. Isip-isip ni Ashley. Wala na pala siyang mga magulang. Parang nalungkot si Ashley para kay Cedrick nang mabasa ang profile nito. Matagal din pala siyang nanirahan sa ibang bansa kasama ang isang kapatid na babae na kasalukuyang doon nag-aaral.Pero kung andoon sa ibang bansa ang nag-iisa niyang pamilya, anong ginagawa niya dito sa Pilipinas? Ayun sa profile nito ay may maganda itong trabaho sa ibang bansa. Nasa kasalukuyang pag-iisip si Ashley ng magsalita si Sister Maribeth. “Huwag na sanang makarating sa ama mo na nakilala mo ang receiver ng iyong kapatid.” pakiusap nito. Tumango siya bilang pagsang-ayon dito. Nagtataka parin siya kung bakit nililihim ng kanyang ama ang lahat. Anong mayroon? Pagkatapos niyang pumunta sa Milagrosa ay dumiretso siya sa puntod ng kapatid. Umupo siya sa tabi nun pagkatapos mailapag ang mga bulaklak at mag-alay ng kandila at dasal. Hinipo niya ang litrato nito. “Ano kayang mararamdaman ko kapag nakita ko ulit siya? Ngayong alam ko na ang lahat, na dala niya ang mga mata mo? Makikita ko ba ang pagkatao mo sa kanya?” Pakikipag-usap niya rito. Namuo ang luha sa mga mata ng dalaga. “Miss na miss na kita.” anas niya. Pakiramdam niya gusto niyang makita si Cedrick sa mga oras na iyon. Gusto niyang matitigan ang mga mata nito, sa paraang iyon lang mararamdaman niyang nasa tabi lang niya ang kapatid. Kinapa niya ang sarili. May nagbago nga ba sa nararamdaman niya para kay Cedrick dahil sa natuklasan? Ilang beses ng nag krus ang landas nila ng lalaking iyon pero ni minsan hindi niya nagawang titigan ito sa mga mata. Madalas ay umiiwas siya na matitigan ito. Bakit nga ba? Natatakot ba siya na mabasa nito ang totoong nararamdaman niya? Na hanggang ngayon hindi parin nawawala sa isip niya ang isang simpleng halik na namagitan sa kanilang dalawa. Pinunasan niya ang luhang dumaloy sa pisngi. Humiga siya sa malambot na bermuda katabi ang lapida ng kapatid. Malaya niyang tiningnan ang mga ulap sa langit. Hanggang sa unti-unti dalawin siya ng antok. Lingid sa kanyang kaalaman mula sa malayo ay may dalawang pares ng mata ang lihim na nagmamatyag sa kaniya. Itinutok nito ang hawak na baril sa dalagang nakahiga pero agad din namang nagdalawang isip na ituloy ang balak. Mabilis na umalis ang pigura at sumakay sa motor nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD