Masayang nagpaalam si Ashley kay Miguel, kahit paano ay nabawasan ang stress niya sa trabaho. Ngpalitan sila ng kanya-kanyang contact numbers at social media accounts bago tuluyang naghiwalay. Hinatid pa siya nito sa mismong kotse niya.
Kinabukasan naging abala si Ashley sa opisina niya.
"I would like to know all the ins and outs of my company. Gusto kong malaman paano nakapaglabas ng ganyan kalaking pera si Emman at kung sinu-sino ang mga kasabwat niya sa kumpanyang ito." kausap ni Ashley ang abogado at private investigator niya. Kailangang magawan na niya agad ng paraan para mawala ang koneksyon ng negosyo nila sa Emman na yun.
"Yes mam, gagawin ko po ang lahat ng paraan para makakuha tayo ng mas matibay pa na ebidensya laban sa kanya." anito.
Nang magpaalam ang mga ito ay pilit na pinag-aralan ni Ashley ang lahat ng nawawalang assets ng kumpanya. Inisa-isa niya ang mga bank account kung saan inilipat ang malaking halaga na galing sa kumpanya. Nag-ring ang kanyang cellphone.
Speaking of the devil. Pumapalatak sa sarili si Ashley. Emmanuel, ang nakalagay sa screen ng cellphone niya, tumatawag ito, isang buwan itong out of the country para makipag meeting sa possible clients kuno ng kumpanya nila. Wala itong alam na alam na niya ang panloloko nito sa kanya dahil hindi niya ito kinompronta mula ng mahuli niya ito sa kwarto kasama si Jasmin na bestfriend niya.Huminga muna siya ng malalim bago iyon sinagot.
"Yes?" walang gana ang boses niya, pakiramdam niya masusuka siya kapag naririnig niya boses nito.
"Pwede ba tayong mag-usap? Care for a cup of coffee?" Pag-aaya nito. Oo nga pala wala pa kaming formal breakup dahil pagkatapos ng panloloko nito umakyat na lang ako ura-urada ng bundok sa sobrang sama ng loob. Ni hindi man lang siya nito hinanap.
"Sige." pagpayag niya.
"Cedrick! Hindi ba si Ashley yun?" inginuso ni Adrian ang isang table sa gilid. Nasa dulong bahagi sila nakapwesto at medyo tago kaya hindi sila mapapansin ng mga ito. Kumunot ang noo ni Cedrick. Sino kaya kasama ng babaeng ito? Tumingin siya sa paligid kung may nakasunod na bodyguard dito pero wala siyang napansing kasama nito. Wala parin ba siyang bodyguard? O nasunod talaga ang gusto niya laban sa daddy niya na ayaw niya ng may bantay? Tanong niya sa sarili. Base sa itsura ng dalawa ay parang may pinag-uusapang seryoso ang dalawa.
"Ashley, i just wanna know kung ano bang naging problema nating dalawa? Bigla ka na lang umalis ng walang paalam. Sa daddy mo ko pa nalaman na bumalik na pala ang alaala mo." Hinawakan pa ni Emman ang kamay ni Ashley pero mabilis iyong binawi ng dalaga.
"No. I lied to dad. Sinabi ko lang na bumalik na ang alaala ko para hindi na siya mag-alala pa sa akin." pagsisinungaling niya.
"You know it's been years. At kung ano man yung hindi ko maalala hindi ko na aalalahanin pa. Ok naman na ako eh." sagot ko pa.
"What do you mean?" biglang naging seryoso ang mukha ni Emman sa nais ipunto ng dalaga.
"I'm breaking up with you Emman. Hindi mo deserve yung katulad ko. Hindi ko na kayang suklian o pantayan pa yung binibigay mong pagmamahal sa akin. Look, ilang taon na akong walang maalala at baka hindi na nga bumalik pa ang alaala ko." palusot ko.
"You can't do this to me Ash." may galit sa boses ni Emman.
"Hindi mo pwedeng itapon ng ganun ganun na lang ang ilang taon nating pinagsamahan!” may galit sa mukha nito pero saglit ding napalitan ng pagiging maamo.
“Please Ash. We can work it out, kaya mong maalala ang lahat. Maghihintay ako hanggang sa kung kailan mo maalala ang lahat.” Pagmamakaawa pa nito.
“I’m sorry Emman, but it’s the best that I can do for the both of us. I just wanna be fair.” Pagkatapos nun ay tumayo na si Ashley at akmang aalis. Pero maagap si Emman at pinigilan siya, hawak nito ang braso niya ng madiin.
“Emman, nasasaktan ako.” halos pabulong kong sabi. Inikot ko ang mata ko sa paligid at pinagtitinginan na kami ng ilang mga customer na andoon. Pumiglas ako sa pagkakahawak niya pero ayaw niya paring bumitaw.
“Pag-usapan natin ‘to. I won’t let you go.” matigas na wika ni Emman. Dumidiin ang hawak niya sa braso ko at nararamdaman ko ang hapdi sa balat ko sa higpit ng pagkakahawak nito.
Bigla na lang may humawak sa braso ni Emman at dahasang hinablot ang kanyang kamay sanhi para makabitaw siya kay Ashley.
“Pre, igalang naman natin ang mga babae. Kapag ayaw na sa atin huwag na nating pilitin.” Matalim ang tingin ni Cedrick na hindi na mapigilang lumapit sa dalawa.
“Bakit?! Sino ka ba?!” tiningnan ni Emman mula ulo hanggang paa si Cedrick. Ngayon niya lang ito nakita kaya napataas ang kilay niya sa pakikialam nito.
“Hindi ko siya—-” bago pa man matapos sa pagsasalita si Cedrick ay sumabat na si Ashley.
“Manliligaw ko siya!.” pabiglang sagot nito.
“Ah ano kasi ah habang out of town ka nakilala ko siya at nanligaw siya sa akin. Siya ang dahilan kung bakit ayokong maging unfair sayo. Ah kasi gusto kong malaman kung totoo ba yung nararamdaman ko para sayo, kung may mararamdaman din ba ako sa ibang lalaki na tulad ng sayo. You know, wala kasi akong maalala kung ano ba ang pakiramdam ng isang taong nagmamahal. I want to try it with somebody.” Mahaba at pautal utal kong litanya. Hindi ko alam kung tama pa ba mga pinagsasabi ko. Wala na akong ibang maisip na sabihin para lang tumigil na si Emman.
Nagulat man si Cedrick sa idinahilan ni Ashley ay hindi na lang siya umimik. Tiim ang mga bagang na umalis si Emman lalo na at may lumapit na sa kanilang security.
“Ok na po kami Sir.” wika ni Adrian sa lumapit na security.
“Sorry po, sorry po.” paghingi ng paumanhin nito sa mga taong nakatingin sa kanila sa lugar na iyon dahil sa nagawang eksena.
Nakahinga ng malalim si Ashley nang makitang papaalis ang sasakyan ni Emman.
“Ah, Cedrick thank you sa —--” hindi na siya halos pinatapos sa pagsasalita nito, bigla na lang itong tumalikod kasama si Adrian at umalis.
“Buwisit ka talaga!” singhal ni Ashley sa isip. Para siyang napahiya sa ginawa nito. Mas nakakahiya pa ang ginawa nito kesa sa nangyari sa kanilang eksena ni Cedrick. May ilang nagbulungan sa kabilang lamesa nang makita na bigla na lang siyang iniwan ng mga ito. Sa sobrang hiya ay hindi na niya halos nainom ang kakaserve lang na kape, nagwalk-out na siya sa lugar na iyon.
“Bakit mo naman tinalikuran si Ashley, di mo man lang ako pinakilala?” sita ni Adrian habang naglalakad sila sa parking lot.
“Sapat na yung niligtas ko siya sa kahihiyan sa lalaking yun. Kung hindi ko ginawa yun baka kung saan na lang siya kaladkarin nung mayabang na yun.” sagot nito.
“Niligtas mo nga pinahiya mo naman. Iba ka talaga.” Pumapalatak si Adrian sa pinsan.
“Tutal lagi mo naman siyang nililigtas bakit hindi ka na lang pumayag na offer ng ama niya na magtrabaho para sa kanya. Mas mapapadali pa mga plano natin plus may sahod ka pang malaki.” sulsol nito. Hindi umimik si Cedrick, pinag-iisipan muna niya kung maaatim niyang araw araw makita ang taong pumatay sa kanyang ama.
Mula sa malayo ay mabilis na pinaharurot ni Ashley ang kotse, binalak na banggain ang dalawang naglalakad sa parking na walang iba kundi si Cedrick at ang kasama nito. Naiinis talaga siya sa kaarogantehan nito. Agad naman itong nakita ng dalawa at mabilis na umiwas, muntik pang mahagip ang mga ito sa bilis ng sasakyan. Agad naman nagkatinginan sa side mirror si Ashley at Cedrick at kapwa nagpalitan ng matalim na tingin. Isang ngiti ng tagumpay ang iniwan ni Ashley habang sinusundan ng tingin ni Cedrick ang sasakyan niya.
“Wooooah! Muntik na tayo dun ah! Si Ashley ba yun? Tsk! Kakaiba nga siya.” Napangiti si Adrian.
“Kailangan mo nga talagang pag-isipan kung magagawa mong tanggapin ang alok sa iyo. Isang tigre na nagtatago sa maamong mukha ng isang babae ang babantayan mo.” natatawang tukso nito sa pinsan. Binalingan niya ng matalim na tingin ang nanunuksong pinsan. Itinaas naman nito ang mga kamay tanda ng pagsuko nang makita ang paraan ng tingin ni Cedrick .