Chapter 9 - Torn Between Hatred And Guilt

1288 Words
Ilang saglit pa at nakatanggap ng message si Cedrick, isa itong shared location mula sa ama ni Ashley. Muli pa ay pinaharurot niya ang sasakyan, napapikit na lang si Ashley sa takot habang nasa biyahe. Pagkarating sa bahay nila Ashley na mala mansion ay agad na sinalubong ng ilang tauhan ang sasakyan. Bago pa makababa si Ashley ay nagsalita na ang isa sa mga ito. “Bumaba daw po muna kayo Mr. Acosta. Gusto po kayo makausap ni Sir.” anito. Alam niya kung sino ang tinutukoy nito. Napakunot na lang ang noo ni Ashley sa mga naririnig. Bumaba si Cedrick ng sasakyan, ni hindi man lang siya nito pinagbuksan ng pintuan, tauhan pa ng ama niya ang nagbukas para sa kanya. Umismid si Ashley habang sinusundan ng tingin si Cedrick habang pumapasok sa mansion. Mayabang. Bulong niya sa sarili. Sabihin kaya niya sa ama ang ginawa itong pagkaladkad sa kanya at paghalik? Makakauwi pa kaya ito ng buhay? Nagbabalak siya sa isip niya ng kapilyahan. Malamang kaya gusto itong kausapin ng ama niya ay dahil baka may nakakita ng ginawa nito sa kanya. Madaming tauhan ang kanyang ama malay ba niya kung nasundan siya ng isa sa mga iyon ng malaman na nakatakas na naman siya. Pagpasok nilang dalawa sa loob ay nakangiting sumalubong sa kanila ang kanyang ama. “So it’s a yes?” bungad nito kay Cedrick. “Coincidence lang na nasa iisang lugar kami ng anak mo at hindi ko ugali na pabayaan ang kahit na sinong babae ang binabastos sa harapan ko.” matigas ang pagkakasabi ni Cedrick sa bawat salita. Para namang napapahiya si Ashley sa sinabi nito. Nakaismid siyang sumabat sa usapan. “What’s going on Dad?” tanong niya. “Mayroon ba akong dapat malaman?” nakataas ang kilay niya habang nagtatanong. “I’m offering him a job. To be your personal bodyguard. I’m sure sa kanya hindi ka na makakatakas pa at mababantayan ka niya ng maayos.” paliwanag nito. “Ano?!” parang nabibingi si Ashley sa narinig mula sa ama. “No! Ayoko! Alam niyo ba kung anong ginawa niya sa akin kanina?!” nag-histerikal na si Ashley. Samantalang nanatiling kalmado lang si Cedrick sa isang tabi. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na para bang sinasabi nito na kapag sinabi niyang hinalikan siya nito ay pagtatawanan lamang siya ng kanyang ama. “Anak alam kong kung ano man ang ginawa niya yun ay para tumino ka. Alam kong galing ka na naman sa isang bar at nag-iinom ka na naman!” “Look at yourself!” galit na ang kanyang ama. Gulo ang kanyang mahabang kulot na buhok. Lukot ang damit at nangangamoy alak pa siya. “I hate him! Ayoko sa kanya!” parang maiiyak na si Ashley sa kahihiyan. “Huwag kang mag-alala, the feeling is mutual dahil ayoko rin sa katulad mong hard headed spoiled brat.” pagkasabi nito ay tumalikod na si Cedrick para umalis. Mabilis nitong pinaandar ang sasakyan. Ngayon alam na niya ang tirahan ng mga Madrigal. Lumipat kasi ang mga ito mula nung nasangkot si Ashley sa car accident dahil sa sunod-sunod na death threats sa pamilya nito. Mas madali na niyang malalaman ang bawat kilos ng pamilya nito hanggang sa malaman niya ang totoong naging sanhi ng kamatayan ng kaniyang ama. Hindi siya naniniwala na matalik na kaibigan ito ng kaniyang ama dahil wala itong nababanggit sa kanya sa tuwing tumatawag siya mula sa ibang bansa. Padabog na isinara ni Ashley ang pinto ng kwarto niya. Umiyak siya ng umiyak. “Nakakainis ka talaga Cedrick Acosta! I hate you! I really hate you.” Kausap niya sa hangin. Hindi niya alam kung saan siya magagalit. Dahil ba sa pinagpipilitan na naman ng ama niya na magkaroon siya ng bodyguard o dahil sa parang wala lang dito yung nangyaring halik sa pagitan nilang dalawa? Hindi siya nakatulog sa isiping iyon. Ilang buwan na nga siyang hindi makatulog dahil sa kakaisip sa lalaking sumagip ng buhay niya sa bar. Gusto niya itong mahanap para makapagpasalamat. Pero wala siyang maisip na paraan dahil kahit ang cctv sa bar na iyon hindi halos siya makilala dahil nga sa nakasuot ito ng hoodie jacket at naka-facemask pa. Kinabukasan, pagpasok niya sa opisina ay napilitan siyang magsuot ng shades dahil sa eyebags niya at mugto ang mata niya. “Anong palabas na naman yan?” tukso sa kanya ng sekretarya niyang si Natasha pagkakita sa kanya. Malapit niya rin itong kaibigan kaya kapag silang dalawa lang ay Tasya ang tawag niya dito. “Anong schedule ko ngayon Natasha Javier?” Seryosong tanong nito sa sekretarya. Alam nito na kapag tinatawag siya nito sa kompletong pangalan ay wala ito sa mood. Pomormal ito at nagsimula ng maglitanya ng mga schedule nito. Ang huling sinabi nito ang nakapagpataas ng kilay niya. “Business dinner with Mr.Emman Angeles at 8.” Pagtatapos nito. “Emman? At nagawa pa talagang makipagkita sa akin ng manloloko na iyon. Cancel that.” Madiin niyang utos. Sumunod ay naging seryoso na siya sa harap ng laptop niya. Matagal na rin niyang hindi nakikita ang bestfriend niyang manloloko na si Jasmin. Tinanggal niya ito sa kumpanya. Ang hindi niya lang maalis sa buhay niya ay si Emman. Magkikita at magkikita ang landas nila dahil isa ito sa mga malaki ang share of stocks sa kumpanya ng kaniyang ama. Matapos itong mabankcrupt ng ilang beses ay nagawa parin nitong isalba ang share nito na malamang ay kinuha niya rin sa mismong kita ng kanilang negosyo. Unti-unti na siyang nag-iipon ng mga ebidensiya para tuluyan na itong maipakulong, walang alam ang kanyang ama sa mga nangyari balak niyang sabihin ito kapag matibay na ang kaniyang ebidensiya at kaya na niyang isadlak sa kulungan si Emman. Alas-otso na ng gabi nang matapos ang mga nakaschedule niyang meeting sa ibat’ibang tao. Huling meeting niya ay sa Antipolo pa, vip client nila iyon kaya kahit malayo ay hindi na siya tumanggi pa dito.Sumasakit na ang batok niya, naisipan niyang maghanap ng isang coffee shop para marelax ang isip at katawan niya bago ulit bumiyahe pabalik ng manila. Actually pwede naman siya magspend ng gabi sa isa sa mga hotel na naroon sa lugar pero parang mas feel niya ang higaan sa sarili niyang kwarto. Inihinto niya ang sasakyan pansamantala sa isang tabi, saglit na nagsearch ng malapit na coffee shop. Nang makakita ng isang coffee shop na ayun sa review ay great ambiance daw, good for relaxation at five stars ang lahat ng rating nito ay ito na agad ang pinili niya. Pinaandar niya ang sasakyan at inopen ang waze apps. Ilang saglit pa ay nakarating na siya sa lugar. Nasa mataas na pwesto ito kaya mahangin at kitang-kita ang buong siyudad. Nakakarelax nga. Isip-isip niya. “Welcome to Coffee Tribe.” masayang bungad ng isang staff. Tumango siya at pumili ng upuan malayo sa karamihan. Madami din ang customer sa lugar na iyon pero tahimik lang sila na nagkukwentuhan. Karamihan busy sa mga gadgets nila. “One chocolate dream frappuccino.” order niya sa staff na lumapit sa kanya. Nakatalikod siya sa karamihan at nakaharap sa ilaw ng siyudad na kitang-kita sa pwesto niya. “Chocolate dream frapp for Miss Ashley Madrigal.” sabi ng nagdala ng order niya. Awtomatiko siyang napalingon. “Miguel!” Tumayo siya sa kinauupuan at nakipagbeso-beso dito. “It’s a small world.” Nakangiti nitong bati sa kanya. Sinenyasan ang isa sa mga staff na dalhan sila ng iba pang pagkain. Masaya silang nagkwentuhan. Panay ang tawa niya dahil nalaman niyang hindi pala ito nakakabored kasama. Naalala niyang kaibigan pala nito si Cedrick dahil nabanggit niya ito sa kanya noong nasa hike pa lang sila pero iniwasan niyang tanungin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD