“Ced, what happened? Bakit all of a sudden naman ay nakipagkita ka?” tanong ni Adrian habang sumisimsim ng alak. Nasa isang private room sila para hindi marinig ang ingay ng tugtugan sa labas ng bar pero nakikita nila ang mga babaeng sumasayaw sa stage. Tinted ang salamin ng kwarto.
“Pinuntahan ako ni Allian Madrigal sa Condo ko.” Straight na ininom ni Cedrick ang isang baso ng alak. Muntik ng mabilaukan si Adrian sa narinig. Biglang naging seryoso ang anyo.
“Anong sinabi niya sa iyo?” tanong nito.
“Nag-offer siya sa akin ng trabaho. Ang maging personal tuta ng anak niyang babae.” sagot nito. Natawa pa si Adrian sa ginamit niyang term na “tuta”.
“Eh di maganda. Ito na ang pinakahihintay mong pagkakataon. Perfect time para maiplano mo ang paghihiganti.” sulsol nito.
“Look, pag naging bodyguard ka ng anak nito. Mapapalapit ka sa target at mas makakapagplano ka ng maayos dahil nalalaman mo ang bawat kilos at galaw nila.” dagdag pa nito.
“Umaayon sa iyo ang pagkakataon.” Malawak ang ngiti nito. Minsan ay para bang nagtataka siya sa ikinikilos nito dahil parang may personal din itong galit sa mga Madrigal pero inisip na lang niya ang sinabi nito na itinuring na nitong sariling ama ang namayapa niyang ama.
Napatingin siya mula sa salamin s loob ng kwarto sa mga bagong papasok na customer na karamihan ay babae. At namataan niya na isa sa mga iyon si Ashley. Ah! Ilang buwan na ba mula ng magkita sila nito? Ramdam parin niya ang malambot nitong katawan ng dumagan ito sa kanya nung nasa shoot out sila sa bar at ang malambot nitong labi nang halikan siya nito sa hiking nila. Pero agad iyong napalitan ng inis.
Napakatigas talaga ng ulo ng babaeng ito. Ang hilig pumunta sa mga bar kasama ang mga kaibigan na para bang walang pakialam sa maaaring mangyari sa buhay nito. Inis na sabi ni Cedrick sa isip niya.
Sinundan naman ng tingin ni Adrian ang tinitingnan nito at nagulat nang makita si Ashley sa isang grupo na nakaupo sa di-kalayuan. Hindi sila nito nakikita dahil tinted nga ang salamin ng kwarto nila.
“Magpakita ka na para matuwa naman siya na makita ang knight in shining armor niya dito.” Tukso ni Adrian at kinindatan pa si Cedrick.
“Hindi niya alam na ako ang nagligtas sa kanya mula pa nung una hanggang sa pangalawa.” seryosong sagot nito. Seryoso paring nakatingin sa grupo nila Ashley.
“At ayokong malaman niya.”
“Bakit naman?”
“Mas mapapalapit ka sa kanya kapag nalaman niya ang totoo.”
“Ayokong mapalapit sa kanya o kahit magkaroon man lang ng kahit na anong ugnayan sa pamilya niya.” Pinal na sagot ni Cedrick dito. Pero sa buong oras na nag-iinuman sila ni Adrian ay maya’t maya ang tingin ni Cedrick kay Ashley at sa paligid nito, alerto siya sa maaaring mangyari anumang oras. Tumagal pa ng ilang oras at tipsy na si Ashley.
“Go Ashley!” Sigaw ng mga kaibigan nito nang tumayo ang dalaga at umakyat sa stage para magsayaw sa malamyos na tugtog ng musika. Malikot naman ang mata ni Cedrick mula sa kwartong kinauupuan nila. Wala ba talagang bodyguard ang babaeng ito? Last time na nagkita kami ay may bumuhat ditong bodyguard para ilayo sa shoot out. Isip-isip nito.
“Woohhhhh!” Sigaw ng mga nasa paligid. Malambot ang katawan ng dalaga habang nagsasayaw kaya halos magwala ang mga kalalakihan sa lugar na iyon. Lasing na lasing na ang dalaga.
“Ah Cedrick, I have to go. Magmemeet kami ng iba nating ka-batch, sama ka ba? It’s an overnight stay sa tagaytay.” Aya nito sa kanya. Nanatili parin siyang nakatingin sa nangyayari sa paligid ng dalaga ng sumagot.
“Mauna ka na.” Simple niyang sagot.
“Ikaw huh! Kunwari ka pa. Parang nag-eenjoy ka na yata sa kakapanood sa babaeng yan eh kaya ayaw mong umalis.” Nakanguso nitong itinuro si Ashley.
“Wala akong pakialam sa kanya. Gusto ko lang talagang magtagal pa para makapag-isip.” sagot nito. Nanunudyo parin ang tingin nito nang lumabas ng kwarto. Nakisali pa ito saglit sa hiyawan ng mga lalaki sa baba ng stage at pasimpleng kumindat sa kanya bago tuluyang umalis sa lugar.
Halos mapatayo siya sa kinatatayuan nang makita na hinahawak hawakan na ito ng ibang kalalakihan na sinaluhan na siya sa pagsasayaw sa stage. Naikuyom niya ang mga kamao bago tuluyang lumabas ng kwarto at pumunta sa pwesto ni Ashley. Mabilis niyang binuhat ito na parang sako ng basura. Isinampay niya ito sa balikat niya at mabilis na iniwas sa mga tao. Panigurado niya na wala itong bantay dahil kung meron man kanina pa sana may sumusuntok sa kanya habang buhat ito. Inilabas niya ito sa loob ng bar.
“Ano ba! Ibaba mo ako!” Pinagsusuntok ni Ashley ang likod niya.
Binuksan niya ang front seat ng kotse at padabog itong binagsak sa sasakyan.
“Aray ko!” Sigaw nito. Mabilis siyang umikot sa driver’s seat at pinaandar ang makina ng kotse. Mahirap na baka may mga lihim na nakamatyag sa dalaga sa lugar. Pinaharurot niya ito paalis sa lugar at huminto ng makalayo na. Hawak-hawak naman ng dalaga ang dibdib sa sobrang takot dahil sa bilis ng pagpapaandar nito, ni hindi niya makuhang magsalita o tumingin man lang dito. Nang makahinto ay bumalik na sa huwisyo si Ashley. Mabilis niyang sinuntok si Cedrick sa dibdib, sunod-sunod halos gulo-gulo na ang buhok niya pero wala siyang pakialam. Gusto niyang saktan kung sino man ang lalaking ito na pilit na binuhat siya at halos patayin siya sa nerbiyos.
“Walanghiya ka! Walanghiya ka!” Walang tigil sa kakasuntok si Ashley.
“Tumigil ka na!” Sa wakas ay narinig niya ang galit na boses ng kaharap. Hindi parin siya humhinto kaya hinawakan na nito ang dalawang braso niya.
“Ipapakulong kita!” Galit na galit si Ashley. Feeling niya napahiya siya sa sarili niya.
Nang hindi parin siya tumigil sa kakasigaw ay bigla na lamang siya nitong sinibasib ng halik. Sa una ay marahas para lang tumigil siya hanggang sa naging marahan na para bang sumusunod sa saliw ng isang musika. Para namang naging maamong tupa ang kilos ni Ashley at sumunod na lamang sa mga nangyayari. Napakalambot ng labi ng dalaga. Nakakabaliw! Sigaw ni Cedrick sa isip niya.
Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay para bang napahiya si Ashley at sinampal ng malakas si Cedrick. Nasapo niya ang pisngi at nagseryoso ang mukha.
“Ang lakas naman ng loob mong —.” Bigla niyang naputol ang lahat ng sasabihin ng makita ang mukha nito. Sino bang makakalimot sa mukha nito? Hanggang ngayon naaalala ko pa ang lahat ng nangyari sa camping site. Nakaawang pa ang bibig niya habang nakaharap dito. Cedrick. Sigaw ng utak niya. Pagkatapos himasin ang mukha na nakatanggap ng sampal ay dumukot ito sa bulsa, inilabas ang isang calling card at nag-dial sa cellphone nito. Seryoso ang mukha nito.
“Mamaya lang darating na ang iyong ama.” Iyon ang una at huling beses na narinig niya ang boses nito sa pagkakataong iyon. Hindi rin siya nakapagsalita. Hindi niya alam ang sasabihin niya dito. Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit kilala nito ang kanyang ama? Marami siyang katanungan sa isip na hindi na masabi dito. Gusto niyang magalit sa ginawa nito kanina pero walang lumalabas sa labi niya. Ramdam parin niya ang halik na kanina lang ay pinagsasaluhan nila.