Chapter 7 - Unforeseen Debt and Offer

1265 Words
Kakauwi lang ng bahay ni Cedrick. Paroo’t parito siya sa loob ng kwarto niya. Ano ang gagawin niya? Anak ng taong paghihigantihan niya ang mismong donor ng mga mata niya. Alam kaya ito ni Ashley? I doubt it. Eh di sana kinontak na siya nito dahil nasa form din ang lahat ng information niya. Ang daming naglalaro sa isip niya ng mga sandaling iyon nang makarinig siya ng mahihinang mga katok sa pinto. Wala siyang iniiexpect na bisita kaya ganun na lang ang kanyang pagtataka. Sumilip siya sa peephole ng kanyang pinto. Kasalukuyan na siyang lumipat ng tirahan after ng operation nasa sariling condo na siya nakatira ngayon. Nakita niyang may tatlong lalaking pawang mga nakasuot ng pormal ang nakatayo sa labas ng kanyang pinto. Mabilis niyang kinuha ang nakatago niyang baril sa drawer ng kanyang kwarto. “Sino sila?” malakas niyang sagot. “Mr. Cedrick Acosta. Gusto po kayong makausap ni Mr. Allian Acosta.” sabi ng isa. Huminga siya ng malalim at dahan-dahang binuksan ang pintuan habang mahigpit na hawak ang baril na nakatago lang sa kanyang likuran. Pagkabukas ng pintuan ay bumungad sa kanya mula sa likod ng mga bodyguard nito si Allian, ang taong kinamumuhian niya. Pinigilan niya ang sariling barilin ito dahil alam niyang hindi rin siya bubuhayin ng mga bodyguard nito. “May dapat ba tayong pag-usapan? May atraso ba ang ama ko sa inyo?” “Ako na ba ang susunod mong ipapapatay?” sunod-sunod ang tanong niya rito. “Wala akong kinalaman sa pagkamatay ng ama mo Cedrick.” sagot nito. Gusto niya itong suntukin dahil sa pagsisinungaling nito. Lahat ng ebidensiya ay ito ang itinuturo. “Pwede bang sa loob na tayo mag-usap?” sabi nito sa mahinahong boses. Kalmado ito kaya mas lalo pa siyang naiirita. Para bang pinapamukha nito na kahit lumaban siya ay wala siyang magiging laban. “Sa isang kondisyon. Iwan mo dito sa labas lahat ng mga tuta mo.” madiin niyang sagot. Papalag sana ang isa sa mga bodyguard nito dahil sa term na ginamit niya “tuta” pero pinigilan siya ni Allian inimuwestra lang nito ang mga kamay na ang ibig sabihin ay pabayaan na lamang siya sa gusto niya. Tumango ito at binigyan niya ito ng daan para makapasok. Iniwan niya ng matalim na tingin ang mga bodyguard nito bago pabalagbag na isinarado ang pinto. Naging alerto naman ang mga tao nito at talagang halos idikit na ang tenga sa pinto para marinig at masigurado ang kaligtasan ng kanilang amo. “Get straight to the point. Anong kailangan mo sa akin?”. Isinuksok nito sa likod ng pantalon ang baril na hawak. Nanunukat ang tingin ni Cedrick sa kaharap na para sa kanya ay isang kriminal. Nakapagtatakang pumayag itong pumasok ng nag-iisa sa loob ng kanyang kwarto, kung tutuusin ay pwedeng pwede niya na itong patayin at pwede siyang tumakas mula sa likod ng balkonahe. “Matalik kong kaibigan ang ama mo, ipinangako ko sa kanya mula ng mawala siya na ako na ang tatayo mong ama.” Tumiim ang bagang ni Cedrick sa galit sa taong kaharap. Ang kapal naman ng mukha nitong akuin siya bilang anak samantalang ito mismo ang pumatay sa sarili niyang ama. Pero kinalmahan niya ang sarili. Mas gugustuhin niyang mas maging masakit ang pagkamatay nito kesa sa kanyang ama. Kailangan niyang sakyan ang lahat ng mga kasinungalingan nito. Nasa ibang bansa siya nang mabalitaan ang nangyari sa ama kasama ang kapatid niyang babae. Doon na sila nakatira dahil doon na nag-aaral ang kanyang nakababatang kapatid at andoon ang kanyang trabaho na isang IT sa isang kumpanya. Hinayaan niyang magpatuloy ito sa pagsasalita. “I know what happened. You saved my daughter’s life not once but twice. Una sa car accident pangalawa sa nangyaring shoot out sa bar.” Nanlaki ang mga mata ni Cedrick pagkarinig sa sinabi nito. “Paano mong nalaman?” Uminit ang ulo ni Cedrick at kinuwelyuhan si Allian. “Pinaiimbestigahan mo ba ako?!” sigaw nito. “Oo pero wala akong masamang intensiyon. Nasabi ko na sa iyo nangako ako sa ama mo.” kalmado parin ang kaharap niya. Patulak niya itong binitawan. “Pwede ba! Huwag mo ng gamitin ang pangalan ng aking ama! Ano ba talagang gusto mong mangyari?!” “Nung niligtas mo si Ashley sa car accident doon ko nalaman na anak ka ni Robert. Kahit hindi mo iniwan sa information desk ang pangalan mo, nakita ko sa cctv nila ang plate number ng sasakyan mo at ipina-trace kung sino ang nagmamay-ari nun. I owe you my daughter’s life. Then later i found out na anak ka pala ni Robert nang sa pangalawang pagkakataon iniligtas mo ulit ang aking anak.” paliwanag nito. “Ikaw rin ba ang gumawa ng paraan para ako ang maging receiver ng mata ng inyong anak na si Rico?” Hindi iyon imposible. Sa dami ng source nito ay magagawa nito iyon. At hindi nga siya nagkamali. “Oo, nalaman kong nadisgrasya ang mata mo dahil sa pagkakaligtas mo sa anak ko. Kaya naman gumawa ako ng paraan para makilala ang ina ni Adrian at sa kanya ko inoffer ang charity kung saan nakalagak ang eye organ ng anak kong si Rico. Alam kong magiging masaya si Rico sa kabilang buhay dahil sa deserving na tao napunta ang kanyang mga mata.” Mahabang kwento nito. Hindi alam ni Cedrick kung paniniwalaan ba niya ang mga sinasabi nito dahil hindi parin nagbabago ang katotohanang ito ang pumatay sa sarili niyang ama. Nanatili siyang kalmado at nag-iisip ng mabuti kung paano ito mapaghihigantihan. Natabunan na yata ng galit ang puso niya at wala ng nag sisink-in sa lahat ng mga sinasabi nito. Sigurado siyang sinasadya nito na magkaroon siya ng utang na loob dito para hindi siya makatanggi sa kung ano man ang sadya nito sa kanya. “Anong gusto mong mangyari Mr. Madrigal? Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito?” Huminga muna ng malalim ang kausap bago sumagot. “I would like you to be my daughter’s personal bodyguard. Triple the price sa kung magkano ang sinasahod mo sa dati mong trabaho sa ibang bansa.” Sinisigurado talaga nito na papayag si Cedrick. Maawtoridad ang boses nito na para bang nag-uutos sa kanya sa gusto nitong mangyari. Umawang ang bibig ni Cedrick pagkatapos marinig ang offer nito. Wala sa plano niya o ni hindi man lang pumasok sa isip niya ang gusto nitong mangyari. Para bang inilalapit sa agila ang isang pain at naghihintay kung kakagatin ba niya. Ipinapain ba nito ang sariling anak? Ganoon na ba talaga ito kasama? Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Hindi nya alam ang isasagot niya dito. “Get out.” Pigil ang galit ni Cedrick sa kaharap. Gusto niyang murahin ang kaharap. Pagkatapos niyang patayin ang aking ama ay uutusan niya akong maging tagapag bantay ng spoiled brat nitong anak? Pinili niyang maging kalmado sa kaharap hindi siya pwedeng magpadalos dalos. “Get out!” Pagalit na niyang sigaw. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya mapipigilan ang saril na huwag itong saktan. “In case you change your mind.” pormal ang mukha nito habang inilalapag sa lamesita niya ang isang calling card. At tuluyan na itong lumabas. Napaupo si Cedrick habang nag-iisip ng malalim. Sinusubukan ba siya nito o pinapapasok siya nito sa isang patibong? Nakatitig siya sa calling card ng matanda. Hindi ka mananalo sakin Allian Madrigal. Pagbabayaran mo ang lahat ng kasalanan mo sa ama ko. Sa isip-isip niya. Kinuha niya ang cellphone at nagdial ng numero. “Magkita tayo.” aniya sa kausap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD