Chapter 5 - Chasing After Him

1329 Words
Ilang buwan pa ang lumipas at tuluyan na ngang namaalam ang kapatid ni Ashley na si Rico. Kahit na may nakuha na silang donor ay hindi na kinaya pa ng kanyang kapatid ang operasyon dahil masyado ng humina ang katawan nito. At ayon na rin sa kahilingan ng kanyang kapatid ay ipinapreserve nito ang lahat ng organs niya para ma-idonate sa charity. Hindi na ito nakakapagtaka dahil member ang kanyang kapatid sa iba’t-ibang charity organizations at active sa mga charity works. Masakit man sa loob na ganun kabilis nagpaalam ang kanyang kapatid ay wala naman siyang magagawa. Iyon ang kalooban ng Diyos. Isa si Rico sa mga taong hinihingahan niya ng sama ng loob, bukod sa pagiging kapatid ay naging bestfriend niya ito, iyakan sa mga oras na down na down na siya. Muling nag-ulap ang kanyang paningin, nagbabadya na naman ang mga luha niya. “Anak, may meeting ako at 5pm.” Bungad ng ama sa pintuan ng kwarto niya. “Sabay na tayo mag-dinner? Nagpareserve ako sa isang seafoods restaurant.” Dagdag pa nito. Nakadapa ang anak sa ibabaw ng kama nito at panaka-nakang tumitipa sa laptop nito. “My friends and i has a plan for tonight dad, we’re having a drink.” Sagot ko na hindi halos tumitingin sa aking ama. Iniiwasan kong mabasa niya ang lungkot sa mga mata ko. I’m missing my brother so much. At sinasadya kong lumabas palagi kasama ang iba’t-iba kong friends para hindi maramdaman ang pangungulila. Napahinga ng malalim ang haligi ng mga Madrigal. Lumapit ito sa anak at hinimas ang ulo nito na parang bata. “Anak, don’t you think it’s too much?” “Lagi ka na lang umaalis, hindi ko naman sinabing itigil mo ang social life mo pero pag-uwi mo lagi ka na lang lasing.” May halong panenermon ang boses ng ama. “Ilang bodyguards na ang kinuha ko, lahat sila sumusuko sayo.” wari’y nauubusan na ng pasensiya ang ama. “Dad, naiilang ako sa mga bodyguards ko. I’m not a kid anymore.” Nakakunot ang noong reklamo ko. “You’re not a kid, but your a CEO and one and only daughter of a politician. Alam mong madami akong kalaban sa pulitika.” Paliwanag ng ama. “Hindi ako titigil na maghire ng mga bodyguard for you. Ayokong i-risk ang kaligtasan mo.” Madiing sabi ng ama. “Please anak, para naman matahimik ang loob ko whenever i’m out of town or i’m not with you. I want you to be safe.” Halos magmakaawa na ang ama. “Ok!” Nakataas pa ang kamay ko tanda ng pagsuko. “Basta make sure na nasa malayo sila yung hindi mahahalatang mga bodyguards ko sila. ‘Coz i’m getting sick pag nararamdaman kong may mga bantay ako.” Reklamo ko. Ngumiti ang ama sa pagsuko ng anak. Hinalikan niya na si Ashley sa noo tanda ng pamamaalam. “I’ll go ahead. Ingat ka mamaya.” At tuluyan ng lumabas ang kanyang ama. “Cheers!” sigawan ng grupo nila Ashley habang masayang nag-iinuman sa isang bar sa makati. Medyo tipsy na si Ashley at paminsan-minsan ng sumasabay sa maharot na tugtugin ng lugar na iyon. Sa di kalayuan ay may mga matang kanina pa nagmamatyag sa kilos ng grupo ng dalaga. Nakakuyom ang kamao nito na halatang galit na galit. Ilang saglit pa at nakarinig na ng putukan sa lugar, nagkagulo ang lahat. Kanya-kanyang takbo ang mga tao sa lugar. Hindi na malaman kung saan nanggagaling ang mga putok. Isang bala ang pumuntirya kay Ashley. Bago pa man ito tumama sa mismong dibdib ng dalaga ay may isang lalaking naka facemask at nakasuot ng puting hoodie jacket ang humarang sa bala at itinulak si Ashley. Padapa silang natumba sa sahig. Nakapatong siya sa ibabaw ng lalaki nang matumba sila, dama niya ang malagkit na likidong umagos sa dibdib niyon katibayan na dito tumama ang balang dapat ay sa kanya pero bago pa niya makita ang mukha nun ay hinila na siya ng isa sa mga bodyguard niya at patakbong itinakas sa lugar. Paglingon niya ay balot na ng usok ang loob ng bar at hindi na nakita pa ang mukha ng lalaking nagligtas sa kanya. Bukod sa tama ng bala sa dibdib ay naramdaman ng lalaki na tinamaan ng mga nagliparang bubog ang dalawang mata niya nang iharang niya ang katawan niya kay Ashley. Ramdam niya ang katawan ng dalaga bago siya panawan ng ulirat. Alalang-alala ang ama nang mabalitaan ang nangyari. Bukod sa ilang gasgas sa braso gawa ng tumamang mga basag na salamin ay wala ng iba pang sugat ang dalaga. Hanggang pag-uwi ng bahay ay nag-aalala si Ashley sa lalaking nagligtas sa buhay niya, alam niyang sugatan ito. Pagbukas niya ng telebisyon ay laman na ng balita ang naganap sa bar na iyon. Nakahinga siya ng maluwag nang makita na isa sa nirescue ng mga ambulance ang isang lalaki na pamilyar ang suot. Alam niyang ito ang lalaking iyon. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto. Aalis sana siya para puntahan ito sa ospital ay hinarang naman siya ng isa sa mga tauhan ng kanyang ama. “Mam Ashley, pakiusap po. Hindi pa po magaling ang mga sugat niyo at mainit pa po ang pangyayari. Nagbilin ang ama niyo na huwag na huwag po kayong palalabasin. Kung hindi kami naman po ang malilintikan.” Pakiusap nito. Walang imik na bumalik si Ashley sa loob ng kwarto at matiim na nag-isip ng paraan paano makakatakas. Dahan-dahang pumuslit si Cedrick sa kwarto niya at mabilis na isinuot ang isang damit na ninakaw nya sa isang pasyente na nandoon para mapalitan ang hospital gown na suot niya katulong ang kaibigan niyang si Adrian na agad na nagpunta sa ospital kung saan siya naroon nang mapanood nito ang nangyari sa tv. Hirap man sa pagkilos dahil nakabenda ang kanyang mga mata dagdag pa ang tama niya sa dibdib ay nagawa nilang lumabas ng ospital ng hindi sila nahahalata. Hindi siya pwedeng magtagal doon. “Sir ito po ang rese-” napamaang ang isang nurse nang makitang wala ng tao sa kwarto kung saan dinala ang isang lalaking may tama ng baril sa dibdib gawa ng nangyaring gulo sa isang bar. Nakuha na ang bala sa dibdib niyon pero wala pa halos siyang nareresetang gamot. Naiiling na inireport na lang niya iyon sa doktor. Walang nakalagay na pangalan sa record nito dahil wala itong malay nang ginagamot ito ng ospital. “Aray!” Napadaing sa sakit si Ashley nang bumagsak sa bermuda na nasa likod ng kwarto niya. Tumalon siya mula sa beranda para makalabas ng bahay. Naguguilty siya dahil hindi man lang niya natulungan yung taong nagligtas sa kanya. Alam niyang may tama ito at base sa balitang napanood niya malapit lang ang ospital na pinagdalhan dito. Paika-ikang lumabas ng malaking gate ng bahay si Ashley at mabilis na nakahanap ng taxi. “Ah miss? May isinugod po ba dito na lalaki na may tama ng bala sa dibdib? Puting hoodie ang suot niya. Yung naibalita kanina lang sa tv.” tanong niya agad sa information desk. “Kaano-ano niyo po ang pasyente?” tanong nito sa kanya. “Uhm ano kasi ah kwan” Hindi makahanap ng tamang sagot si Ashley. Ano nga ba ang sasabihin niya? “Kapatid niya po ako.” Wala sa isip na naisagot niya. “Yung pasyenteng lalaki po ba nabaril sa Whisky Bar sa makati? Yung nakasuot na jacket na puti?” singit ng isang nurse na kadarating lang. “Oo siya nga.” agad niyang sagot. “Umalis na po siya kanina pa. Tumakas po siya dito sa ospital. Hindi pa nga namin siya nareresetahan ng gamot eh. Tsk!” sagot nito. Nanghihinang napaupo na lang sa waiting area si Ashley. Bakit ba ganun na lang yung kagustuhan kong makapagpasalamat sa kanya? Bakit parang iba yung nararamdaman ko? Bakit parang pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala? At bakit siya tumakas? May kinalaman ba siya sa barilang naganap?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD