Chapter 4 - Scars

1321 Words
Namataan ni Cedrick na lumabas na ng bahay ang mag-ama at sumakay sa sasakyan ng mga ito. Muli niyang hinimas ang baril na nakasuksok sa bewang niya, buo na ang loob niya na ilagay sa mga kamay niya ang batas. Sinundan niya ang sasakyan ng mga ito sa paraang hindi siya nahahalata. Ilang minuto pa ay nagulat na lamang siya sa mga sumunod na nangyari. May isang malaking truck ang biglang sumalubong at pasadyang binangga ang sasakyan ng mag-ama. Agad niyang minaniobra ang kanyang sasakyan para maiwasan ang aksidente. Sa bilis at lakas ng impact ng pagkakabangga ay umikot-ikot pa ang sasakyan ng mga Madrigal bago tuluyang huminto habang nakataob na bumagsak ang sasakyan habang ang truck naman ay nahulog sa kalapit na bangin. Makikitang may nagleleak na gas sa sasakyang ng mga ito. Agad niyang nilapitan ang sasakyan at nakita niya ang anak na babae ni Allian na sa tingin niya ay nasa disi-nuwebe o bente anyos lang na walang malay at naliligo sa dugo ang ulo, duguan din ang katabi nito na sa laking gulat niya ay hindi ang ama nito na si Allian kundi isa sa mga personal bodyguard nito. Duguan din ang driver nila at halos lahat ay walang malay. Tiningnan niya ang nagleleak na gas at sa tantiya niya ay ilang sandali na lang ay sasabog na ang sasakyan ng mga ito. Dali-dali niyang inalis ang dalaga sa sasakyan, pahirapan pa ang pag-alis dahil sa nagkayupi yuping parte ng sasakyan. Sa pag-angat niya sa katawan ng dalaga ay sumadsad ang balikat niya sa isang sirang parte ng sasakyan, ,atulis iyon na sumugat sa balikat niya hanggang sa likuran niya. “Ahhhhhh.. “ Daing niya sa natamong sugat. Pero hindi niya dapat iyon indahin mahalaga ang bawat segundo. Pinilit niyang muling buhatin ang dalaga at inilayo sa insidente. Nang makalayo na sila ay saktong sumabog na ang sasakyan ng mga Madrigal. Napuno ng apoy at usok ang pangyayari. Pakiramdam ni Cedrick ay mawawalan siya ng ulirat sa lalim ng sugat niya sa likod. Nagdurugo iyon. Maya-maya pa ay maririnig na ang sirena ng mga pulis at bombero. Pareho silang isinugod sa ospital ng dalaga pero sa magkaibang ward. Natural ay sa VIP ward idiniretso ang dalaga. Sinabi na lamang niya sa mga nag-iimbestigang pulis na padaan din siya sa naturang lugar ng mangyari ang aksidente at tinulungan lang ang dalaga na mailabas sa sasakyan nito. Yun ang una’t huling pagkikita nila ng dalaga. Napatingin siya sa itaas. Ahhhhh .. limang taon na rin mula ng mangyari ang lahat ng iyon. Nakabakas pa sa likod niya ang alaala ng mga sandaling iyon. “Hindi dapat madamay si Ashley sa paghihiganti ko sa ama niya.” Bulong ni Cedrick sa sarili. Bumalik ang pag-iisip niya sa reyalidad ng napatingin sa kanya si Ashley. Dali-dali naman siyang nag-iwas ng tingin dito. Pakiramdam niya gusto niyang hilingin sa lugar na iyon na mali ang hinala niya sa ama nito. Sana mali ako. Bulong niya sa isip. Maya-maya pa ay tumunog ang kanyang cellphone. “Hello, Cedrick. Nagsalita na si Raiden.” Wika ng nasa kabilang linya. Nang magsalita pa ito ay tumiim ang bagang ni Cedrick at napatingin kay Ashley sabay ikinuyom ang mga kamao. “Sige, salamat.” Sagot niya sabay baba ng kamay na may hawak ng cellphone. Pagbaba ng bundok ay buong araw na si Miguel ang umalalay at bumuhat kay Ashley. Tahimik lang si Cedrick sa malayo at halatang umiiwas na magkalapit ang grupo nila Ashley habang binabagtas ang pagbaba. “Ano kayang problema niya?” Di makatiis na sinabi ni Ashley kay Venus. Sinundan ng tingin ni Venus ang mga mata ni Ashley na nakatingin pala kay Cedrick na nasa di-kalayuan. “Oo nga, mula ng bumaba tayo naging tahimik na siya at halatang lumalayo sa atin. Ni hindi nga tumulong sa pag-alalay sayo.” Ani Venus. Napabuntung hininga ng malalim si Ashley. “Dinaramdam kaya niya yung pagkakahalik ko sa kanya sa ilog?” Wala sa sarili na nasabi ni Ashley. “What?! Hinalikan mo si Sungit?! As in mouth to mouth?!” Nakaawang pa ang bibig ni Venus sa pagkabigla. Awtomatikong tinakpan ni Ashley ang bibig ni Venus ng palad niya. “Shhh! Ano ka ba! Huwag kang maingay baka may makarinig!.” Natatarantang reaksiyon ni Ashley. Naramdam niyang nagvibrate ang cellphone niya palatandaan na may tumatawag, nakasilent mode kasi yun. “Hello Dad?” tanong Ashley sa kabilang linya. Lumipad ang matalim na tingin ni Cedrick nang marinig ang boses ni Ashley na kausap ang ama nito sa kabilang linya. “Ano?!” nabiglang wika ni Ashley. “Sige po, i’ll be right back as soon as makababa po kami. Please dad balitaan niyo po ako.” Nangingilid ang luha ni Ashley nang binaba ang cellphone. “Bakit anong nangyari?” Nag-aalalang tanong ni Miguel. Napayakap na lang si Ashley dito at hinintay na lang na makapagpatuloy ang kanilang paglalakad. Pagdating na pagdating sa hideout ng mga hikers ay may nakaabang na agad na sasakyan para kay Ashley. Sumakay siya agad doon, ni hindi niya na nakuhang magpaalam sa mga kasamahan sa pagmamadali. May pag-aalala man sa inasal ni ashley na para bang may nangyaring seryoso sa pamilya nito ay hindi na nagawang magtanong pa ni Cedrick. Kailangan niyang umiwas kay Ashley dahil kung hindi ay baka hindi niya magawa ang plano niya. Hilam na sa luha ang mga mata ni Ashley nang makarating sa ospital kung nasaan ang kanyang kapatid na lalaki. Nanginginig ang buong katawan niya. Napag-alaman niyang inatake sa puso ang kanyang kapatid. Palakad-lakad sa lobby ng ospital si Ashley nang dumating ang kanyang ama. Nagyakap sila at kapwa kinalma ang mga sarili, siya namang paglabas ng doktor. “Doc, kmusta po?” sabay pang tanong ng mag-ama. “Kritikal ang kondisyon ng anak niyo. Kakailanganin niya ng heart donor. Kung hihintayin natin ang supply na manggagaling overseas ay baka hindi na ito umabot pa sa anak niyo.” wika ng doktor. “I suggest na makahanap kayo agad ng donor locally para maisagawa kaagad ang operasyon. Time is running and we need it as soon as possible.” dagdag pa ng doktor at tinapik nito ang balikat ng aking ama at tumalikod na. Ilang araw na nakakalipas pero wala parin kaming makuhang donor. Kulang na lang ay maghanap kami sa black market pero iniiwasan namin iyong gawin dahil alam namin ang kalakaran ng mga organ for sale doon. Umaga nun at parehas kaming naghahanda mag-ama. Siya papunta sa possible donor at ako naman sa ospital. Sa di-kalayuan ay may mga matang nagmamatyag, ang isang daliri ay nakahandang kumalabit sa gatilyo ng baril na hawak nito. Nagpapalit palit ang mata nito sa dalawang palabas ng bahay at pasakay ng sasakyan. Nagpipigil ito ng emosyon ng galit ng makita si Allian Madrigal kakalabitin na sana nito ang gatilyo nang makita niyang inalalayan nito ang dalaga nitong anak. “Ashley..” wala sa sariling nabanggit nito sa kawalan. Agad nitong ibinaba ang hawak na baril at tumakas palayo. “Tsk! Tsk! Sabi ko na kasi sa iyo ako na ang gagawa.” Paninisi ni Adrian na hawak sa kabilang kamay ang vape, pinsan ito ni Cedrick. “Madami pa namang pagkakataon.” Habang nakaupo si Cedrick sa sala ng bahay nila at may hawak na kopita. Ininom niya iyon ng sunod-sunod ang paglagok. Makakaya ko ba na makita si Ashley na umiiyak kung sakaling mapatay ko ang kanyang ama? Tanong ni Cedrick sa isip niya. Hindi maalis sa balintataw niya ang maamong mukha ng dalaga at ang malambot na labi nun na minsan niyang natikman. Mula nang malaman niya sa isang kaibigan na kasama si Ashley sa mga joiners ay pinilit niya itong isingit siya sa slot at gawing team leader para lihim itong matyagan. At dahil isa sa mga organizer ang kaibigan niya ay mabilis siya nitong naipasok sa team at mula pa lang noon lihim na siyang humanga sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD