Chapter 3 - Unexpected Bloom of Feelings

1277 Words
“Ang lalim ng iniisip mo ah?” di ko namalayan lumapit na pala sa akin si Miguel. Bumalik sa reyalidad ang kamalayan ko nang marinig ko ang boses niya. Hindi ako sumagot patuloy lang akong nakatingin sa kawalan. “Umayos ba ang pakiramdam mo nung sumigaw ka kanina?” tanong nito hindi ko alam kung tinutudyo ba ako nito. Muli akong nakaramdam ng hiya nang maalala ko kung paano ako tratuhin ni Cedrick. Marami ang nakarinig nang sigawan niya ako. “Magaan na sana kung di lang kumontra si Cedrick.” sagot ko sabay buntong-hininga. “Ganun lang talaga si Cedrick pero mabait yun. Matagal ko na siyang nakakasama sa paghahike.” wika ni Miguel na para bang ipinagtatanggol si Cedrick. “Kung di niya ako gustong makasama. Di ko rin siya gustong makasama.” masama ang loob na sagot ko. Niyakap ko ang sarili ko lumalalim na ang gabi kaya nagsisimula ng lumamig. “Care for a coffee?” alok ni Miguel. “Sure, kung hindi nakakaabala sa iyo.” sagot ko. Tumayo na ito at bumalik sa tent para kumuha ng kape. Nanunuot sa balat ko ang lamig ng gabi. Naramdaman kong may nagpatong ng jacket sa balikat ko iniyakap niya iyon sa katawan ko. “Salamat Mig-” napahinto ako sa pagsasalita dahil hindi si Miguel ang nasa likuran ko kundi si Cedrick. Inabot nito sa akin ang isang tasa ng kape at naupo sa tabi ko habang sumisimsim sa sarili niya ring kape. “Pasensiya ka na sa inasal ko kanina.” paghingi nito ng paumanhin. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Si Cedrick humihingi ng sorry sakin?! What the! Hindi ako umiimik para itong isang maamong tupa sa paningin ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko kapag naaalala kong napahiya ako sa karamihan ay nag-iinit ang dugo ko. Tumayo ako bigla nakalimutan kong hindi pa nga pala ako nakakaapak ng maayos kaya bigla akong natumba at nadulas. Nagawa akong saluhin ni Cedrick pero parehas kaming bumulusok pababa ng ilog. Hindi naman kataasan ang binagsakan namin at dahil medyo putik dahil umulan ng umaga ay hindi kami gaanong nasaktan. Nakadagan ako sa ibabaw ni Cedrick at nakayakap naman siya sa bewang ko. Nagkatitigan kami. Hindi ko alam anong pumasok sa isip ko at unti-unti kong ibinaba ang mukha ko sa kanya. Para kasing nag-aanyaya ang mga labi niya sa pakiramdam ko. Naglapat ang aming mga labi, ilang segundo din ang itinagal na magkalapat lang ang aming mga labi. Maya-maya pa ay parang kapwa kami nabigla at itinulak ang kanya kanyang mga sarili. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at ni Cedrick ramdam na ramdam ko yun habang nakapatong sa kanya. “Ashley!” sigaw ni Miguel. Patakbo itong sumaklolo sa amin halos magkanda dulas dulas din ito pababa. “Ok ka lang ba? Anong nangyari?” bakas sa boses nito ang pag-aalala. Inalalayan niya akong tumayo habang si Cedrick ay tumayo na rin. “Nadulas lang kami.” sabay naming sagot. Nagkatinginan kami at kapwa nahiya. Naghugas kami sa gilid ng ilog at habang hinuhugasan ni Miguel ang mga braso ko ay nagtanong ito. “Kumusta sugat mo, hindi ba masama ang pagkakadulas mo?” “Kung hindi ka tatanga-tanga hindi ako madadamay sa pagkadulas mo!” biglang sagot ni Cedrick na nakakunot ang noo. Nabigla ako sa inasal nito. Kanina lang ay humihingi ito ng pasensiya ngayon naman nagsusungit na naman ito. “Pare dahan-dahan naman sa pagsasalita babae parin itong kausap mo.” awat ni Miguel. Nagpatiuna ng maglakad palayo si Cedrick habang siya ay inaalalayan ni Miguel para makalakad. Pagdating sa tent ay si Venus ang nag-asikaso sa sugat ko dahil puro putik ang benda nun. “Ano ba kasing nangyari? Bakit ka nadulas at ang isang malaking tanong bakit kasama mong nadulas si Cedrick?” tanong nito na para bang nanunukso. “Hay naku! Huwag mo ng tanungin. Grabe talaga ugali ng Cedrick na yan. Hindi ko maintindihan. May split personality ba siya?” tanong ko. Muli ko na namang naalala ang nangyaring halik sa pagitan naming dalawa. In fairness ang lambot ng labi niya isip-isip ko. Wait lang! Kinikilig ba ako?! Pilit kong kinalma ang sarili ko at hindi na nagkwento ng kahit na ano kay Venus. Kinabukasan, maaga kaming lahat na nagising para umakyat ng isang oras pa para makarating sa tuktok ng bundok at masilayan ang pagbubukang liwayway. Kanya-kanya silang ligpit ng mga gamit habang ako naman ay ipinasan ni Miguel sa likod niya. Nakita kong tumalim ang tingin ni Cedrick lalo na ng marinig niya kay Miguel na siya na lang ang magpapasan sa akin paakyat. Pero hindi ko na lang iyon pinansin at baka makarinig na naman ako sa kanya ng hindi maganda. Pagdating sa itaas ay namangha ang lahat. Napakaganda ng sunrise, core memory unlock sabi nga ng iba. Pumikit ako at dinama ang sikat ng araw sa balat ko na sinabayan ng masarap na simoy ng hangin. Ilang segundo din akong nakapikit nang maramdaman ko na para bang may nakatingin sa akin. Pagdilat ko nakita ko sa gilid ko si Cedrick na agad ding nagbaling ng tingin. Tinitingan niya ba ako? Tanong ko sa sarili ko. Ah baka nagkataon lang. At muli akong napatingin sa ganda ng paligid. Hindi nasayang ang hirap ko sa pag-akyat ng bundok. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko. Sasabihin ko ba sa kanya? Tanong sa sarili ni Cedrick habang nakatitig sa kaninang nakapikit na si Ashley. Ang amo ng mukha niya habang nakapikit. Sumagi sa alaala ko ang paghalik niya sa akin sa ilog. Hindi yun aksidente kusa niyang nilapat ang labi niya sa akin. Bigla kong binawi ang tingin ko ng makita kong nagmulat siya ng mata. Paano ko sasabihin sa kanya ang totoo? Muli kong tanong sa sarili ko. May kakaiba akong nararamdaman para sa kanya hindi ko iyon maikakaila pero hindi pwedeng mangyari yun. Hindi pwede! Awat niya sa sarili. Tiim ang bagang ni Cedrick sa pag-iisip kung itutuloy ang paghihiganti habang nakatitig kay Ashley. Bumalik sa alaala niya ang masakit na nakaraan. “Patay na ang papa mo!” palahaw ng nasa kabilang linya walang iba kundi ang kaniyang ina. Naabutan daw sa kanilang opisina na naliligo sa sariling dugo ang kanyang ama nagbaril daw ito sa sarili. Nakakapagtaka dahil wala man lang nairecord sa cctv ng mga oras na iyon, katwiran nila ay hindi raw nila napansin na hindi gumagana ang mga cctv dahil nakatulog ang nagbabantay wari ba’y sinadyang painumin ng pampatulog. Nagsarili siya ng pag-iimbestiga. Napag-alaman niya na tanging si Allian Madrigal, ang ama ni Ashley Madrigal lang ang nakaalitan ng kanyang ama bago ito pumanaw. At ang taong huling nakausap nito sa telepono minuto lang bago ito mamatay ayon sa call history ng cellphone nito. Mula noon inalam niya ang lahat ng kilos ni Allian, palihim niya itong minamatyagan sa pag-asang makakakita ng ebidensya na makakapaglinaw sa pagkamatay ng kanyang ama. Nang makakuha siya ng sapat na ebidensiya para idiin ito ay parang imposible na umusad ang kaso dahil sa kapangyarihan ng Allian na iyon. Malawak ang koneksyon nito sa lahat mapa-negosyo, pulitika o kahit ang batas ay nagagawa nitong hawakan sa leeg. Napagpasyahan niyang ilagay sa sarili niyang mga kamay ang batas. Mula noon araw-araw na siyang humahanap ng tiyempo para mapatay ito. Inaalam niya ang bawat schedule nito at mga lakad. Hanggang sa isang araw ay napag-alaman niyang dadalo sa isang event si Allian sa eskwelahan ng anak nitong si Ashley, naimbitahan ito bilang guest speaker sa programa ng eskwelahan. Ito na ang pagkakataon. Dala ang baril na ilang araw na niyang pinupunas punasan ay nagpasya na siyang gawin ang balak ng araw na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD