Chapter 2 - Throwback of pain

1280 Words
Pagdating sa camp site ay naging abala na ang lahat sa pagtayo sa kanya-kanya nilang tent. Napabilang ako sa grupo nila Venus at dahil sa injury ko ay nakaupo lang ako habang abala ang lahat. Nahihiya ako sa kanila kaya pipilitin ko sanang tumayo para makatulong pero pinigilan ako ni Cedrick. “Umupo ka lang diyan at papalitan ko ng benda ang sugat mo. Kapag lumala pa yan mas lalo ka lang magiging pabigat sa amin!”. Singhal nito sa akin. Nagpanting ang tenga ko at malakas ko siyang itinulak. “Kung labag rin lang sa kalooban mo ang tulungan ako eh mas mabuti pang huwag na lang. Leave me alone! Hindi kita kailangan”. Masama ang loob kong tumalikod sa kanya para itago ang nagbabadya kong luha. Padabog itong tumayo at iniwan ang sugat kong nakatiwangwang. Ibabato ko sana sa kanya yung dala niyang gamot para akin pero naisip kong kakailanganin ko iyon para sa sugat ko. Mahirap na kung lalala ang kalagayan ko. Nagsisimula na kasing mamaga ang paa ko. Maya-maya pa ay may lumapit sa aking lalaki. Maputi ito at matangkad. Halatang may lahi ito pero mukhang dito sa Pilipinas lumaki dahil magaling itong magtagalog. “Miss ok ka lang ba? Tulungan na kita.” anito sabay upo sa harap ko at pinakialaman na ang paglilinis sa sugat ko. Marahan niya itong ginamot at binendahan. Ilang saglit pa ay lumapit na si Venus sa akin dahil natapos na nila ang pagtatayo ng tent namin. “Miguel nga pala.” pagpapakilala nito sa akin bago tuluyang umalis. “Thank you.” at marahan akong tumango dito. Kinagabihan pagkatapos kumain ay nagkanya-kanya ng pwesto ang bawat isa habang nasa gitna ang isang camp fire na ginawa nila bago magdilim. May naggigitara habang may kumakanta. May nagkukwentuhan at meron ding nakahiga sa lupa na may sapin habang nakatingala sa langit minamasdan ang ganda ng mga bituin na naglabasan pagkatapos ng malakas na ulan ng araw na iyon. Mas pinili kong maupo sa nakausling malaking ugat ng puno sa tapat ng isang ilog medyo malayo ng kaunti sa ilan kong mga kasama. Nakatulong ang isang sanga na ginawang improvised saklay ni Miguel para sa akin para makarating ako kung saan ako nakapwesto ngayon. Nakatalikod ako sa kanila at nakaharap ako sa ilog kung saan kitang-kita rin ang mga bituin. Nagbalik sa alaala ko kung bakit ako nagdecide na maghike mag-isa ng walang kasamang kaibigan o kakilala man lang. Nagawa ko pang takasan ang personal bodyguard ko para lang magawa ang gusto ko. Lumamlam ang aking mga mata sa alaalang parang kahapon lang nangyari. “I’m sorry Sir, she had a partial memory loss ayon sa result ng kanyang ct-scan.” wika ng isang doktor sa aking ama. “Hindi natin alam kung alin-alin ang maaalala niya at hindi niya maaalala. It depends on her brain capacity to cope up.” dagdag pa nito. Ito ay noong pagkatapos ng nangyari sa aking car accident. Nakapikit ako pero naririnig ako ang pag-uusap ng nurse sa paligid ko. Alam kong ang aking ama ang kausap ng nurse, alam kong naaksidente ako. Alam ko ang pangalan ko at kilala ko ang bawat litrato ng pamilya ko na pinakita sakin ng daddy ko maliban sa ilang pinsan na pamilyar lang sa akin pero hindi ko masabi ang pangalan nila. Ilang linggo ako sa ospital noon at isang araw bago ako lumabas ay may isang lalaking nagpapakilala na boyfriend ko daw. Si Emman. Nagbigay ng senyales ang aking daddy na totoo ang sinasabi ni Emman nang makita ko itong tumango sa akin pagkatapos magpakilala ng lalaki. Hindi ko talaga siya maalala kahit anong gawin ko. Lahat ng pictures at events na pinapakita niya sa akin na nasa social media ay hindi ko maalala. Sumasakit lang ang ulo ko everytime pipilitin kong alalahanin ang lahat. Hanggang sa lumabas ako ng ospital ay si Emman ang nag-asikaso sa akin kasama ng daddy ko. Wala na akong mommy dahil matagal na siyang nabawian ng buhay maliit pa lang ako noon. Araw-araw nasa bahay si Emman para ipaalala ang lahat sa aming dalawa. Lumipas ang ilang taon na wala parin akong maalala. Naramdaman kong nanlalamig na sa akin si Emman pero lagi parin niya akong pinupuntahan sa bahay at sinasamahan sa ilang mga lakad ko. Businessman si Emman, namana niya sa magulang nila ang negosyo niya. Tatlong taon ang tanda niya sa akin at sa murang edad ay natuto na siyang patakbuhin ang negosyo ng kanilang pamilya. Isa rin sila sa may pinakamalaking shares sa aming kumpanya. Lumipas ang limang taon bago unti-unting bumalik ang alaala ko. Sa sobrang tuwa ko ay hindi ko sinabi kay Emman ang pagbabalik ng memorya ko balak ko siyang sorpresahin. Umalis ako kinabukasan at nagsuot ng pinaka maganda kong damit. Habang nagbibihis pa nga ay nasanggi ko ang picture frame naming dalawa ng bestfriend ko si Jasmin at nabasag ko iyon. Nagtaka ako kung bakit sa buong panahon ng aksidente ko ay hindi man lang niya ako nagawang kumustahin man lamang. Pero natabunan din ng pagtatampo ko ang excitement ko na makita si Emman. Pagdating ko sa bahay nila ay diri-diretso akong pumasok dahil may sarili akong susi nito. At dahil bumalik na ang alaala ko alam kong wala siyang schedule ngayon sa opisina napagkasunduan na namin noon na tuwing biyernes ay kailangan buong araw kaming magkasama. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay hinanap ko siya agad, wala siya sa paligid kaya naisipan kong puntahan ang kwarto niya. Baka tulog pa isip-isip ko ala sais pa lang kasi ng umaga nun. Sa pintuan pa lang ng kwarto niya ay dinig ko ng may ibang tao sa loob niyon. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto at nagkataon naman na hindi yun nakalock. Sa paunti-unti kong hakbang ay naabutan kong hubo’t hubad sa ibabaw ng kama si Emman at si Jasmin. Natulala ako sa nakita ko nagtago ako sa hallway ng kwarto niya malapit sa pinto. Wari ba’y hindi nila napansin na may ibang nakapasok sa kwarto at patuloy parin sila sa ginagawa nila. Ang bestfriend ko at ang boyfriend ko, matagal na pala akong pinagtataksilan. Pinigilan kong magwala at umiyak. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at umuwi ng bahay. Pagdating sa kwarto ko ay saka ko binuhos ang lahat ng luha at sakit na nararamdaman ko. Kaya pala hindi ako dinadalaw ng bestfriend ko abala na pala sa pakikipaglampungan sa boyfriend ko. Pinaimbestigahan ko ang boyfriend ko at bestfriend ko malakas ang pakiramdam ko na may ginagawa pa silang mali sa likuran ko. Ilang linggo pa ang lumipas nalaman kong madaming nawawalang asset ang aming kumpanya. At malaki ang kinalaman ni Emman doon dahil unti-unti na palang nababankcrupt ang kanilang negosyo dahil sa pagsasara ng ilang illegal na negosyo ng kanyang ama na pasugalan. At gumagawa siya ng mga ghost employee para makapagnakaw sa aming kumpanya at bilang business partner ng aking daddy ay malaki ang tiwala sa kanya ng board kaya ipinaubaya sa kanya ng ilang pamamalakad sa opisina. Ilang araw din akong iyak ng iyak at nakakulong lang sa kwarto ko. Pinagkatiwalaan namin siya ng pamilya ko mula mga bata pa kami. Kailan pa nila ako niloloko? Gaano katagal? Limang taong nawala ang memorya ko. Sa mga panahon ba na yun ay nagawa na akong lokohin ng bestfriend at ng boyfriend ko? Parang sasabog ang damdamin ko nung mga panahon na iyon kaya ng may mabasa ako sa socmed na naghahanap sila ng joiners para sa hiking activities ay agad kong tinakasan ang mga bodyguard ko at umalis. Alam kong magagalit ang ama ko sa tuwing tumatakas ako pero masyado na akong matanda para laging buntutan ng mga bodyguards niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD