Chapter 19 Aizen's pov: Kanina pa ako palingun-lingon sa pinto ngunit wala pa rin siya. Bakit ba hindi pa rin bumabalik ang babaeng ‘yon? Ano bang ginagawa niya? Pinairal na naman ba niya ang katangahan niya? Haayyy! Ano naman kayang ginawa nya ngayon? Naligaw ba siya o nalunod sa gripo? Ano ba kasing pumasok sa isip niya at tinadtad nya ng husto ‘yong katawan ng pusa tapos susuka-suka sya pagkatapos? Inatake na naman ata ng kabaliwan! Natigilan kami sa aming ginagawa nang marinig ang matining na tunog na nagmula sa speaker. Sumenyas naman si Leviticus na h’wag kaming magingay at makinig dito. “THE BATTLE BETWEEN RANK #219 VS. RANK #447 IS OFFICIALLY BEING RECORDED! THE RULES FOR YOUR MATCH IS.... STAY ON THE CIRCLE!" the vo

