Chapter 20 Ano ba ang tama? Ano ang mali? H’wag mo munang isipin anak, Ang mahalaga sa akin ay… buhay ka! Tinitiis kong hindi ka makasama… para mailayo kita sa kanila! Wala akong pakealam sa batas, ang mahalaga sa akin ay ikaw! Ngunit alam kong darating ang panahon… hahanapin ka nila, At kung isang araw ay mawala ako at hindi na makabalik pa, Uusbong ang liwanag at tiyak kong hahanapin ka nila! Hahanapin ka ng awit, ng tula at ng lakas na syang mangangalaga sayo. Kung sakaling makita mo sila ay h’wag kang magdadalawang isip na magtiwala Sapagkat sila ang magliligtas sa iyo sa kaguluhan! Umaasa akong hindi ka nila pababayaan. Tandaan mo anak, Mahal kita… Mahal na mahal kita. ----------------------------------------------------------

