Nasamid ako ng sopas ng batukan ako ni Brianne. Pati tuloy si Maxine ay mahinang natawa. Ang sopas na isusubo ko pa lamang sana ay natapon na sa lamesa.
Busangot ang aking mukha ng tapunan ko ng tingin si Brianne. Sya naman ay nginunguso ang likuran ko. Lalong nangunot ang noo ko kaya't nilingon ko kung ano ang nginunguso-nguso nya.
Nakita ko si Seb. My first love and heartbreak. Nakakatawa kasi sya ang "first love" ko kuno pero hindi naman nagkaroon ng label ang kung anong mayroon sa amin noon.
Grade 8 lamang ako nang mga panahon na yun at puro crush lamang. Until naging crush ko sya at naging close kami. Hindi naman ako ganon kainosente kaya't alam ko na ang closeness namin noon ay higit sa magkaibigan lang. One year and 3 months kaming ganoon. August in grade 8 'till November in 9th grade. Ghinost nya ko at yun na ang pinakamasakit na heartbreak na naranasan ko. Well, pinaka kasi wala naman akong mapagkukumparahan. Nakakatawa kasi hindi ko na alam kung gaano ako katagal nagmove-on. Basta ang alam ko lang, okay na ako bago pa nag-start ang pasukan sa 10th grade ko.
Natatawa na lang ako ngayon kasi nagmove-on ako kahit wala naman talaga kaming label. But that thing between us, I considered it as love.
He may not be my first boyfriend but he's the first person who made me feel what love is and how to be love. Pero wala na sa akin yun ngayon. Natatawa na lang talaga ako.
Nagkibit balikat ako at napairap. Hindi kasi sila naniniwala na okay na ako. Matapos ang sobrang breakdown ko dahil sa kanya, inakala pa nilang hindi na ko makakamove-on at tatanda na lang na dalaga. Inakala ko rin naman yun, pero ganon ata talaga. Lahat ay nagbabago, hindi dapat natin pagsalitaan ng tapos ang bagay na nagaganap pa lamang dahil wala naman sa ating mga kamay ang desisyon ng tadhana.
"Tumigil nga kayo, nasa paligid lang kaya si Noah. Mamaya akalain non na may crush akong senior e. Edi sira na ang image ko, pano na ang love story namin? Unrecruited na lang ba, ganon?" madrama kong saad. Sinulyapan ko si Noah na nakikipagtawanan sa mga kaibigan nya sa kabilang lamesa.
"Hoi! Joey! Dapat kasali ako sa first-five ha! Sapak ka talaga sa 'kin pag hindi," nag-echo pa ang boses ni Rowan sa buong cafeteria ng dumaan ang grupo nila patungong gymnasium. Nakita ko pa ang ilang estudyanteng namula sa pagkakakita sa kanya. Matangkad sya kaya't angat ang presensya nya sa cafeteria ng JHS. Mas matangkad kay Noah, pero hindi ko alam kung ano ang height nya. Why would I know anyway?
Lumingon ito sa gawi ko at nahuling nakatangin ako sa kanya. "Hi miss sungit," nakangiting kaway nya sa akin. Ngumiti ako nang malaki at pinigilang matawa. Kumaway ako pabalik. Natameme sya at sumabay na sa mga kaibigan nya patungong gym.
"P.E siguro ng Grade 11," kumento ni Max. Nagkibit na lamang ako ng balikat.
"Close pala kayo ni Rowan? Apo ni former governor Renato Galleno yun diba?" tanong naman ni Brianne. Binuksan niya ang water bottle at uminom. Umiling ako at pinagpatuloy ang pag-ubos sa sopas na kinakain.
"Hindi kami close. Hindi ko sigurado pero parang apo nga yan ni Mr. Renato Galleno," sabi ko at kumuha ng pera sa bulsa ng skirt ko. "Bili mo naman akong lumpia Owen oh," pakiusap ko sa kaibigan naming bakla.
"Ewan ko sayo, antakaw takaw mo. Saan mo ba pinaglalalagay ang kinakain mo," sabat nya ngunit tumayo rin naman para bilhan ako ng hinihingi ko.
"Kanina pa tayo time, andito pa rin tayo sa canteen. Kanina pa nga nasa taas sina Sheryl," paalala ni Max. Tumango ako at isinubo ang pinabiling lumpia.
"Wala naman tayong teacher ngayong period. Mamaya na tayo umakyat," sagot ko. Dabest talaga ang lumpia dito sa canteen.
"Ayan pala sila e, mukhang may gagawin," turo ni Max sa mga paparating. Nilingon ko ito at nakitang yun nga ang klase namin. Tumakbo palapit sa amin si Blessy.
"Anong meron Blessy?" tanong ko at pinasadahan nakabun nyang kulot na buhok. It's so fluppy and pretty. Mine's naturally straight, hanggang kili-kili ko ang haba at nangingintab sa itim ang kulay.
"Wala, mago-audience lang sa P.E ng senior. Nagpaalam sila e, kasi wala naman tayo klase 1 hr," kibit balikat nya sa akin.
Tumango ako at tumayo na. Tapos na rin naman ako sa aking kinakain. Bumili muna ako ng water bottle bago kami sumunod sa buong klase.
Sakto lamang ang dating naming lima sa gym at nag-uupuan pa lang ang klase namin. Masarap tumambay sa gym ng school dahil presko ang hangin. Open-air kasi ito hindi gaya ng ibang gym na kwadrado. Pinili nila ang pinakataas na bleachers na nasa ikatlong palapag na mukhang hagdanan.
"Dapat ay sa baba na lamang tayo para kita ang buong court. Nakaharang naman itong malaking bilog na semento sa panonood natin e, hindi kita ang buong court," suhestiyon ko. Hindi ko kasi alam ang tawag, yun yung pinakaposte na sumusuporta sa bubong ng gym.
Naroon din si Sir Paul na nagbabantay sa Grade 11. Nagsimula ang palaro at nakita ang mga manlalarong pamilyar sa akin ngunit ang ilan ay hindi ko alam ang pangalan. Ang kabilang team ay sina Seb, Thione, Jules, Dave, at isa pang hindi ko alam ang pangalan ngunit alam kong kaibigan nila. Sa kabilang team naman ay sina Rowan, Joey, Kielv, at ilang hindi ko kilala.
Bumaba ako sa unang palapag ng bleacher. Sa totoo lang, wala naman akong gana manood dahil wala naman akong sinusuportahang team sa kanila. Mas may thrill lang naman kung meron. Sana ay hindi na lang sila humiling na manood dito at natulog na lang kami sa room. Ayoko namang matawag na KJ kaya't sumama ako rito.
Nagkalat sa iba't ibang bleachers ang mga kaklase ko, nay ilan pa na hindi naman nanonood at may dalang chess board. Naglalaro sa isang bleacher.
Para hindi maboring ay pumili na lang ako ng team na susuportahan. Team nina Rowan ang pinili ko dahil ayaw kong maissue. Lagi kasi ako inaasar nila Bryle kay Seb kahit na wala naman na. Ayaw ko lang ng ganoon, respeto na lang sa buhay na mayroon sya ngayon.
Mainit ang labanan kahit na P.E lamang naman ito, for subject pero makikita ang tensyon sa dalawang grupo. Nang maagaw ni Rowan ang bola ay agad nya itong drinible papunta sa kabilang court.
"Go Rowan!!!" sigaw ko sa labis na excitement ngunit agad na napapadyak ng sumala ito. Napatingin sya sa akin. Nagthumbs-up lamang ako para ipakitang okay lang yun.
Nang matapos ang laro ay talo ang grupo nina Rowan. Nag-aalisan na rin ang klase namin. Tumayo na rin ako para sana umalis na rin ngunit nagulat ako ng sumulpot si Rowan sa harap ko. Hingal na hingal ay nagawa pa rin nitong ngumiti. Ang moreno nyang kulay ay nanginang dahil sa pawis. Natahimik naman ako dahil sa presensya nya, maging ang mga kaibigan ko ay natahimik din.
"Uhh, ano sana..." pahapyaw nyang tanong. Naguguluhan ako at gulat pa rin sa presensya nya kaya hindi ko magawang umimik. Hinihintay ko lamang ang sunod nyang sasabihin.
"Pwede bang mahingi ang tubig mo? Hindi kasi ako nakapagdala," tanong nya. Hindi ako makangiti at blangkong ibinigay sa kanya ang water bottle na binili ko kanina. Hindi ko pa napangangalahatian iyon.
"Salamat," sambit nya bago mabilis na umalis sa harapan ko.
Natulala pa ako, kung hindi lang ako ibinalik nina Blessy sa reyalidad ay baka mapahiya pa ako sa pagkakatunganga. Umalis na rin kami sa gymnasium at hindi ko na ito nilingon pa dahil nawalan na ako ng lakas ng loob.
Ano yun? Gusto nya ba ko? Ano ba to. Wag assuming Cathy baka naman talagang uhaw na uhaw na lang talaga sya.