Nagising ako sa isang malakas na yugyog. Mumukat mukat kong binuksan ang aking mga mata at inayos ang pagkakasuot ng aking salamin.
Hindi ako nerd, mababa lang ang grado ng aking salamin. Nakasanayan ko lang din ang magsuot nito dahil sa atake ng migraine nung bata pa ako.
"Cathy, andiyan na si Sir Axxelson," mahinang bulong nya sa akin. Bumangon ako at humikab.
Ako si Cathrice Ignacio De Fuentabelo. Mas kilala sa tawag na Cathy. Laki ako sa mayamang pamilya ngunit simple lamang. Magastos pero mapagpakumbaba, yun ang sabi nila.
"Okay class, we'll have a short announcement so everyone is asked to go to the gymnasium. You may now PLEASE fall in line," antok at walang ganang tumayo ang lahat matapos itong sabihin ni sir.
Kami lang ata ng mga kaibigan ko ang natutuwa sa pagpila sa gymnasium. Ang iba rin naman sa aming kaklase ay gusto iyon. Pero ang mga kaibigan ko ay talagang gusto nila. May minamatahan kasi sila sa ibang mga rooms. Aba ewan, ako rin e.
Buong-buo ang araw ko nang makatabi ang section ng crush ko. Same grade level lang kami ngunit hindi ko sya madalas makita dahil dulo ang classroom namin kaya hindi niya madalas madaanan. Kahit na sa paglabas ng section namin ay hindi ko na sya naaabutan dahil nauuna silang lumabas kaysa sa amin. May extended 1 hr kasi kami tuwing hapon dahil sa Special Science Class, samantala pag tanghali naman ay madalang ko syang maabutan.
Nasa huling-huli ako ng pila dahil 5'4 ang height ko. May mas mataas pa naman sa akin ngunit hindi na iyon importante.
"Ano ba yan, mali naman ang linyada ng section natin. Dapat nasa kanan ang girls at kaliwa ang boys," reklamo ko sa pila hindi gaanong malakas. Kunwari lamang akong concern pero ang purpose ko talaga ay ang makatabi ang boys section ng kabilang linya. Napapaggitnaan kasi kami ng Stem 11 at 10 Arnold.
"Hindi mali ang linya nyo." Napapitlag ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa aking gilid. Nilingos ko ito at nakita ang estudyante ng 11 Stem. I know him, kilala sya sa school. Kaibigan nya rin ang ilan sa aking mga kaklase.
I eyed him from head to toe. "Wala namang nagtatanong," mataray kong saad.
"Well, sinabi ko lang naman," nagkakamot sa ulo nitong saad. Nahiya tuloy ako bigla. Bakit ba kasi ang taray ko, wala namang ginagawang masama yung tao. "See," dugtong pa nya at nginuso ang pagpapalit ng linya ng lalaki at babae ng section ng aking crush. Lalo tuloy nalayo ang crush ko sakin, dalawang line na ang pagitan namin.
"Umuna-una ka, Cathy. Para pantay tayo," saad ni Bryle, isa sa mga kaklase ko. Tiningnan ko ang pwesto kong ayos naman. Siya ang masyadong madikit sa linya nila dahil masyado silang dikit-dikit sa pila. Pagkukulitan at asaran.
"Ikaw ang umurong," sagot ko na sinunod naman niya.
Nagsimula ang pang-umagang gawain. Lunes kaya marapat lamang na may paunang gawain kami bago ang pag-aanunsyo ng pang-umagang gawain.
"In the name of the father..." paunang dasal ng lider na isa sa mga myembro ng SSG. Tahimik na nakikiisa ang lahat kaya't nakatungo lamang ako para makiisa rin sa pang-umagang gawain.
"Rowan, hindi ba't may quiz sa ReEd mamaya? Nakapagreview ka na ba," rinig na rinig ko ang bulungan ng nasa tabi ko. Bahagya akong napalingon at nakitang iyon ang senior na kumausap sa akin kanina. Nakakunot ang noo nya at tila inis sa katabing nagtanong. Mukhang naistorbo sa kung ano man ang ginagawa.
"Hindi pa, maaga akong natulog kagabi," maikling sagot ni Rowan. Pinanlakihan pa nito ng mata ang nagtanong. Iniiwas ko na lamang ang aking tingin at binalewala ang pag-uusap nila kahit rinig na rinig ko dahil sa sobrang lapit nila sa akin.
Naalala ko na ang pangalan nya. Rowan Galleno, galing sa isa sa mga mayayamang pamilya rito sa Oriental Mindoro. Kilala ko lamang sya ngunit hindi naman ako updated sa buhay na mayroon sya. Wala nama akong interes e.
Isinuksok ko ang aking mga kamay sa bulsa ng hoodie jacket na suot ko nang may kumalabit sa akin. Nilingon ko ito at nakitang si kuya Earl ito, SSG president ng shs na naka-assign na magbantay sa aming klase.
Tapos na rin ang pagdarasal bago niya iniabot ang isang papel. Yumuko sya para marinig ko ang kaniyang sasabihin. Hindi kasi pwedeng mag-ingay at mapapagalitan kami. "Pakiabot na lang kay Sir Axxelson, may pupuntahan kasi ako e," nagkakamot sa ulong pakiusap niya. Tumango ako at ngumiti.
"Sige iaabot ko, patatapusin ko lang ang morning ceremony," saad ko. Ngumiti naman sya at nagpasalamat bago sya tuluyang umalis.
"Ano yan?" tanong ni Rowan. Nilingon ko sya at nginitian.
"Class attendace." sagot ko
Kita sa gilid ng mga mata ko ang pagtango-tango nya na para bang naunawaan nya ang napakahirap na paliwanag. "Class officer ka?" tanong niya.
Umiling ako. Hindi naman kasi ako class officer. Dagdag isipin lamang iyon para sa akin.
"Kung hindi, bakit sa iyo niya iniabot iyan?" tanong niya. Namulsa pa siya at itinagilid ang ulo. Tiningnan ko sya gamit ang walang buhay kong mga mata.
"Kasi ako ang pinakamalapit na pwede nyang pakisuyuan. Chismoso ka pala," sagot ko. Hindi ko naman kasi inexpect na ganito sya ka mausisa. Extrovert naman sya base sa obserbasyon ko sa dami nyang kaibigan at kakilala, ngunit hindi ko naman inakalang ganito kalala ang kadaldalan nya.
Mahina syang humalakhak sa malalim at nakakatindig-balahibong boses. Para kong nakarinig ng megaphone sa loob ng lalamunan nya.
"Nope, depende." -Rowan.
Natapos ang pang umagang gawain at nagsimulang magbahagi ng anunsyo ang paaralan patungkol sa nalalapit na school event.
"Good morning student of Holy Trinity Academy. Let me borrow some of your time to make a short announcement regarding to our upcoming Intracad. We, the school action, have been planning this for months now. The date of Intracad will be given to you within this week by your class adviser. We are encouraging you to join and play your best sport."
Marami pang naging anunsyo ang paaralan ukol sa nalalapit na Intracad. Gusto ko mangsumali ay wala akong lakas ng loob, mas gusto ko rin kasi ang walang larong sasalihan at manood na lamang ng mga palaro.
Iniabot ko ang attendance kay sir bago bumalik sa pila ko. Sumulyap ako sa kabilang pila. There he is. Athletic guy, academic achiever, 5'7 tall, maputi at mabango. Noah, ang crush ko since 7th grade.
I like him but he never knows, I just like admiring him this way. He has a lot of admirers, especially sa lower grade level and seniors. Pero sa same grade level? Wala ako masyadong kilala. Pero kahit sino atang tanungin ko, a-agree na gwapo nga sya.
Agad akong nag-iwas ng tingin nang ibaling niya ang atensyon sa gawi ko. Lahat yata ng dugo ay umakyat sa mukha ko. Natahimik ako sa kabang naramdaman. Napatingin ako sa mga kaibigan kong nasa kalagitnaan ng pila. Pare-pareho lang naman kami ng height pero pinili ko talaga ang pumwesto sa dulo. Tumahimik ako na parang walang nangyari.
"Are you... Okay?" tanong ni Bryle sa akin. I smiled and nodded at him. Tinanggal ko ang hood ng jacket ko sa aking ulo at nag-inat-inat.
Good start of my day. Sana hanggang hapon na.