Maxine Lyanne's POV HIndi tumigil ang luha ko sa pagbagsak habang yakap-yakap ko ang isang unan at nakatalukbong ng kumot sa buong katawan ko. Umalis na siya ng hindi ko man lang nasasabi ang dapat kong sabihin. Kahit sana sa huling beses bago siya umalis, nasabi ko lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. Masyado na akong nahuli. Napapikit na lang ako at pinagdasal na sana huminto na ang pakirot sa puso ko. Narinig ko ang dahan-dahan na pagbukas ng pinto at alam kong si Fastia lang 'yon. Wala akong gana sa lahat. Nahihiya ako na lumabas ng kwarto na 'to na mukha akong kaawa-awa. "Kumain na tayo." Napadilat agad ako ng marinig ko ang pamilyar na boses ni Gamble. Inalis ko ang comforter sa ulo ko at napatingin sa kanya na nakatayo sa gilid ng kama. "G-Gamble!" Napatayo agad ako sa k

