Maxine Lyanne's POV "Sorry talaga!" natatawang saad ni Fastia sa akin. "Gusto ko lang naman makita ang magiging reaksyon mo kapag sinabi ko na umalis na si Kuya." Napakibit balikat na lang ako at kinuha ang baso ko na may laman na green tea. Dahan-dahan akong napasimsim sa tsaa ko habang nagkwe-kwento sa akin si Fastia ngayong umaga. "Gusto ko sanang bawiin ang sinabi ko pero hindi ka na makausap ng maayos. Iyak ka na nang iyak," natatawa pa rin na saad niya. "Pero mabuti na rin 'yon kasi lumabas na mahal mo nga ang Kuya ko." Napatingin ako sa orasan na nasa loob ng kwarto ni Fastia. Alas-otcho na ng umaga pero hindi pa pumupunta sa kwarto si Gamble. Matatapos na rin ang pag tsaa namin ni Fastia rito sa veranda. Napatingin ako sa pinto ng kwarto mula sa inuupuan ko. Nagbabakasakali na

