Maxine Lyanne's POV Ang malambot na suklay ay tumatama sa buhok ko. Tahimik lang ako habang inaayos ni Gamble ang buhok ko. Nakaupo ako sa dulo ng kama at nasa likod ko naman siya at napapagitnaas ako ng hita niya. "Masakit pa ba?" tanong niya sa akin. Umiling lang ako biglang pagsagot ko. Naibsan na ang sakit kahit pa paano dahil sa isang oras naming pagkakababad sa mainit na tubig sa bathtub. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil naalalal ko na naman kung paano ako sarap na sarap kanina. Nakakahiya dahil ilang ulit pa akong nakiusap sa kanya na huwag siyang tumigil sa paghihilot sa p********e ko. Hindi ko alam kung tama bang sabihin na paghihilot lang 'yon. Ala-sais na rin ng umaga. Hindi na talaga ako nakatulog ulit simula ng dumalaw ang bangungot na 'yon s

