Maxine Lyanne's POV "Matulog ka pa." Napatingin ako kay Gamble na naramdaman pala na gising na ako. Umiling na lang ako sa kanya dahil nawala na ang antok ko. Napatingin ako sa madilim na kalyeng tinatahak ng sasakan niya pauwi. Ang pag babanggan ng mga d**o dahil sa malakas na simoy ng hangin at rinig na rinig ko dahil sa konting awang ng bintana ng kotse. Madilim na ng maisipan namin na bumalik na sa hacienda. Nawala ang bigat sa dibdib ko na baka masaktan si Gamble kapag nakita ako ni Daddy dahil sa pagpasok ng sasakyan ni Gamble sa hacienda nila. Nangangamba talaga ako kapag nasa labas kami ni Gamble dahil alam ko kung gaano ka delikadong tao si Daddy. Kaya kahit kailan hindi ko isusugal ang buhay ko para bumalik doon. Hindi na talagaa. "Iniisip mo pa rin ang a

