Maxine Lyanne's POV "So, you know how to slap huh," Gamble said proudly with his smirk. Kahit ako nabigla sa ginawa ko. Gumalaw ang kamay ko dahil sa galit na naramdaman ko kanina. Hindi ko gusto ang pagsampal sa kanya. Pinanood ko siyang magsalin ng wine sa dalawang wine glass. Nakaupo ako sa sofa na mahaba at nasa tabi ko siya. Ang mga wine naman ay nasa center table. "Masama na ba ako sa paningin mo?" tanong ko sa kanya. Ngayon niya lang ako nakitang nakasakit at ngayon ko lang din naman nagawa. Matagal akong iwas sa mga tao. Hindi ako nakikipagkilala basta-basta. Pero kung alam ko na makakalaban ako, lalaban ako. Sana nga lang gano'n ako noong nasa bahay ako ng Daddy ko. Ang hirap kasing kalabanin ng mga tao roon. "Of course not. Gustong-gusto ko ang gina

