Maxine Lyanne's POV Mula sa VIP lounge na may clear glass na pader at kitang-kita ko ang buong stage habang nakaupo ako sa sofa. Ilang oras na ang lumipas at natapos na ang pageant. Nag announce na rin ng mga nanalo at Ms. Escajeda. Inaantay na lang din namin si Gamble na balikan kami rito. "Let's go." Napatingin ako kay Fastia na nakatayo na pala sa gilid ng inuupuan ko. Nakatingala ako sa kanya at nagtataka. Sinabi na sa kanya ng Kuya na hindi kami pwedeng lumabas hangga't hindi dumadating si Gamble. Huwag niyang sabihin sa akin na susuwayin na naman niya ang Kuya niya. "Hey," tawag niya sa akin. Napatayo ako at hinarap siya para hindi na ako mahirapan na tumingala sa kanya. "Antayin na natin si Gamble—" "Matagal pa si Kuya sa baba dahil for sure maraming kakausap sa kanya. Sa

