Maxine Lyanne's POV "So, kayo na nga ng kuya ko?!" Tuwang-tuwang sigaw ni Fastia sa akin. Napakagat ako sa labi ko at todo pagpipigil sa ngiti ko. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil doon. Nahihiya ako na tanungin kay Gamble tapos nang sinabi niya 'yon sa akin kahapon, hindi na mawala sa isip ko. Girlfriend ako ng isang Aceves. "Oo," sagot ko. "Oh my God! I'm so happy! Gustong-gusto pa naman kita kay Kuya!" Sinenyasan ko siya na huwag siyang mag-ingay dahil baka may makarinig sa amin. Idinampi niya ang brush pang blush on sa pisngi ko. "Mabuti talaga may relationship na talaga kayo ni Kuya," nakangising saad niya habang mina-make-up-an ako. Kaming dalawa lang ni Fastia ngayon sa hotel room dahil kailangan si Gamble sa venue. Magkausap din kasi

