Nag-reply ito.
Kasi bored ka?
Me: tongek hahhaha
Nagpatuloy pa ang araw- gabi naming pag uusap, lahat ng nangyayari sa maghapon ay hindi maaaaring hindi namin maipapa-alam sa isa't isa. Yes, invested na ako ng time sa kaniya.
*****
Nag-enroll na siya sa LSPU. Dahil sa pagka hilig sa literature ay kinuha niya ang kursong Secondary Education Major in English. Isa pa sa rason ay ang pagka ayaw niya sa subject na math.
Isa sa kaniyang unang naging kaibigan ay si Harold, Ops, tigilan ang inyong iniisip. Si Harold ay beks. Opo! beks na mahilig sa anime na Fairy tail.
Section X.
Ang aming adviser ay si Ma'am June. Lumipas pa ang mga araw ay napagpasiyahan naming magkita ni Jrich.
Lunch time at canteen
Kasama ko ang aking kaibigang si Irene, kumain siya ng kaniyang binalot na kanin at pinritong kalamares. Sa aking harapan naman ay ang kanin at menudo. Mayroon ring sabaw ng nilaga na libreng ibinibigay sa bumibili sa kantina.
"Georgy, tingin nang tingin sa'yo yung grupo ng criminology students na 'yun oh!"
pabulong na wika ni Irene saka pasimpleng inginuso iyong mga lalaki at tomboy sa kanang lamesa hindi kalayuan sa amin.
Pasimple akong tumingin. Nahuli ko pang nagsisikuhan ang mga lalaking iyon at may napapatingin sa akin. " Ano bang problema nila?" tanong ko.
"Tange, nagagandahan sila sayo no!"
napatawa na lamang ako at umiling iling. Nag vibrate ang aking cellphone, napangiti ako nang makita kung sino ang tumatawag at agad ko iyong sinagot.
"Hello?"
"Nasaan ka?" tanong nito.
"Nandito kumakain sa likod ng gym" sagot niya. Hindi naman nito alam iyon,
"Kaya nga, ang sarap nga ng kain mo e" wika ng nasa kabilang linya. Napatigil siya sa pagsubo at luminga sa paligid.
"What do you mean?" nangunot noong tanong niya.
"Meet me after you eat, dun ako uupo sa may gym"
"Pero may klase pa `ko" sagot niyang hindi maikaila ang excitement na napansin naman ng kaniyang kasama.
"boyfriend mo?" usisa nito?
tinawanan na lang niya iyon at mabilis na tinapos ang kinakain.
Daig pa ang may humahabol sa kaniya nang nagmamadali siyang pumasok sa gym at doon nasipat niya na nakaupo si Jrich.
Lumapit siya rito.
Hindi naman mawala wala ang ngiti nilang dalawa. parehong nagbibilisan ang tib*k ng mga puso.
"Hi georgy"
"Hello there" tila naman mahihimatay ito ng sabihin niya iyon.
tumayo si Jrich at kinuha ang kamay niya.
"Let`s go"
"May class pa kami" sagot niya pero nagpahila na rin dito sa lakad takbong ginagawa niyon.
nakatawa lang itong tumingin sa kaniya. "Hanggang ngayon tutok ka parin sa paga aral, mag cutting class ka naman minsan"
inirapan niya ito.
"Bad influence ka din ano?" nakatawang sagot niya.
Inabutan siya nito ng helmet.
"Suutin mo, let`s go!"
wala na siyang nagawa at sumunod na lamang. Sumakay sa motorsiklo nito. Hindi niya alam na naka- motor pala itong nagtungo sa kaniyang school.
"Kapit ah" wika nito. Wala naman siyang choice dahil kung hindi siya kakapit ay matutumba sila.
yumakap siya sa tiyan nito. Unang beses na ganito sila kalapit. Nasasamyo niya ang pabango nito. Pumikit siya at inenjoy ang biyahe na iyon.
"Huy miss ganda, huwag ka naman matulog diyan. " sita nito sa kaniya na tinitingnan pala siya sa side mirror ng motorsiklo.
Kinurot niya ito. Hindi ako natutulog ano.
Nakarating sila sa lake.
Sampaloc lake, San Pablo City
2014
Naupo sila sa iilang benches na nanduon.
Nagpapakiramdaman.
Maya maya nagpaalam ito, maghahanap lang daw siya ng makakain nila. Nang tumayo ito papalayo ay pinanood lamang niya ang lalaking naglalakad. Hindi niya alam kung bakit may biglang kirot at lungkot siyang naramdaman. Napatingala siya sa langit, malamig ang simoy ng hangin sa lawa. Hindi parin nawawala ang kung anong kirot sa puso. Naglabas siya ng index card at ang nahagilap sa bag na pulang ballpen.
And if you leave, i know someday, somehow, you`ll come back for me.
I`ll wait for you
Come back soon
I love you
Amaranthine
Bumalik naman si Jrich at may dalang tuhog tuhog na kanilang pinagsaluhan. Masaya lamang silang nagkukuwentuhan nang bigla na lang itong sumeryoso at tumigil,
"Georgy may tanong ako" wika niyon na seryosong nakatitig sa kaniya ang malalantik nitong mga mata. Pigil hiningang tinanong niya kung ano iyon. Wala pa man ay tila kinukutuban na siya sa itatanong nito.
"Pwede ba kitang maging girlfriend" nahihiyang tanong nito.
Napamaang siya sa tanong nito.
Nagpakawala naman ang lalaki ng pagak na tawa. "Sabi na nga ba e, sino ba naman ako para patulan ng isang kagaya mo?"
bakas ang pait sa mga salitang pahayag nito saka kumuha ng bato at isinipat sa water lily na nasa lawa.
Bumuntong hininga siya.
Kung sakali, ito ang magiging first boyfriend niya.
Broken family. Bad boy. Tumigil sa pag-aaral.
Kabaligtaran lahat ng pagpapalaki sa kaniya ng kaniyang mga magulang.
mababago ba niya ang bad boy na ito?
Siguro nga ako yung babae na tanga na akala ko e kaya kong mapagbago ang bad boy na katulad ni Jrich.