Episode 5. Si kagandahan

1097 Words
Nakaramdam naman siya ng awa dito. Siguro naman titino ito sa kaniya. Gagawin niya ang lahat. To turn this bad boy to a man she deserves. She can do it. Kinuha niya ang pansin nito at kusang hinawakan na rin ang kamay ni binata. Natigilan naman ito. "Oo na." Nahihiyang sagot niya rito. Nakita naman niya ang pagsilay ng malawak na ngiti niyon. tila hindi makapaniwalang nagtanong pa ito. "Payag ka talaga? maging girlfriend ko?" tumango lamang siya at kiming sumagot. "Ayaw mo ba, pwede pa naman nating bawiin" biro niya rito. "Hindi! ano ka ba, masaya ako!" Sa tuwa nito ay bigla siya niyong niyakap. Ang kaninang malungkot na naramdaman ay nasidlan ng tuwa at pag asang magiging masaya ang kanilang pagsasama. "I date to marry, you should know that" wika niya rito. "Huwag mo na akong ingles inglesin pa diyan, magagamit lang ang utak ko. Papakasalan kita siyempre" nauna na siyang kumalas sa pagkakayakap at kinabig siya nito palapit at hinalikan ang kaniyang noo. ********** Simula noon ay araw araw walang palya ang kanilang komunikasyon. Lagi itong naga update sa trabaho nito sa shop ng ama na gawaan ng medalya, tropeo at mga name plates. Siya ay ganoon rin tuwing papasok sa eskwela, sa lahat ng ginagawa ay naka update ito. Bumibisita ito ilang beses sa isang buwan at sinusulit naman nila ang mga panahon na umuuwi ito. "Hon, ano oras out mo today?" tanong nito. "1 pm out na ako" sagot naman niya. "Ok, sunduin kita" pagkalabas nga ng classroom ay tumawag na siya dito. Nandoon na iyon naghihintay sa kaniya. Malawak ang ngiti at may hawak na chocolate para sa kaniya. May jowa na pala yun, wala na tayo pag asa tol naririnig pa niyang usap usapan ng isang grupo ng engineering students. Wala naman siyang pakialam, si Jrich ay tiim bagang na tinitigan nang masama ang mga ito na umalis din agad. "Hindi na ako makapag hintay na pumasok rin para mabakuran na kita" "Ano?" tanong niya, hindi kasi niya marinig ng maayos ang sinabi nito dahil sa angkas siya ng motor at mabilis magpatakbo ang lalaki. Pumunta sila ng Ultimart, sa arcade na lagi nilang pinupuntahan. Gusto ko talaga makuha iyang stuff toy na stitch! naka- pouth na bulong niya sa sarili. Hindi niya iyon makuha kuha. Naglaro sila ng basketball at natuon ang atensyon niya sa pagbabaril ng mga isda. Nang maubos ang kaniyang token ay hinanaap niya si Jrich. Napamulagat siya nang inaalog alog nito ang claw machine at maya maya nga ay nakita niyang may kinukuha ito sa ilalim at lumawak ang ngiti. Lumapit siya dito ng mabilis at tinanong kung anong ginagawa ng lalaki. Hinila naman siya nito palabas at saka duon ay ibinigay ang stuffed toy na stitch na kangina pa niyang gustong makuha. "Sira ka talaga! nakuha mo ito!" sabay hampas dito ngunit hindi niya napigilan ang kilig. "Ang dami ko nang token na nagastos diyan kaya deserve ko na makuha iyan no" pagtatanggol nito sa sarili. "Ay paano pala kung may makakita sa iyo?" sagot niya habang itinatabi sa bag si stitch. "Sasabihin ko sa kanila, f*ck u!" Kinutusan niya ito."Bad boy ka talaga!" "Bad boy pero mahal mo naman" Pilyong saad nito na masiglang inaya siya sa third floor ng ultimart. Naka heels man at paldang hindi aabot sa tuhod ay game na game siyang sumama dito. Somehow she felt safe whenever he`s around. May poon sa third floor, may upuan doon at glass ang dingding na kapag dumungaw ka ay kitang kita ang paligid. Tuma tama ang liwanag ng haring araw sa glass wall na ito. Nakaupo lamang silang dalawa. Walang ibang tao duon, isa itong sinehan dati na nagsara na. "Kapag daw nagsulat ka at hinulog mo diyan sa poon magkakatotoo iyonng wish mo" "Pengeng papel hon" seryosong hiling ni Jrich. Hindi siya makapaniwala sa narinig. "Totoo ba? naniniwala ka? ikaw?" tatawa tawang comment niya habang naghahanap ng papel sa loob ng bag. Ngumiti muna ito bago tumugon sa kaniya."Bakit hindi?" Nagsulat muna siya ng wish niya bago inabot ang ballpen kay Jrich. Please don`t let us be apart no matter what she wrote. Ihinulog niya iyon sa poon. Maya maya ay naghulog din duon si JRich. nawala ang cool nito, wika niya sa isipan. "Anong isinulat mo?" tanong niya. "Hindi ko pwedeng sabihin baka hindi magkatotoo" nakatawang sagot nito. Ilang minuto pa silang nanatili duon at umalis lamang ng nakakaramdam na siya ng gutom. Mayroong mCD**nalds` ice cream stand sa ibaba ng ultimart. isang mc dip lang ay ok na siya. Mabilis na lumipas ang first year, dalawang semestre rin ang natapos niya. Maraming school works, challenging subjects na required niyang itake kahit ayaw niya. Nandiyan ang Maths at Physical Education. Which is nagagamit niya ang charm niya. For instance, may final demo na kailangan lahat ng first year ay makikilahok. Matagal siyang lumiban sa klase, kasama ang kaibigang si Irene, hindi sila umaattend. Nang kausapin ng guro ay kani kaniya sila ng dahilan. " Eh sir ina asthma po kasi ako e" palusot niya saka pasimpleng nag bat ng eyes sa teacher. Nahalata naman niya ang tila pagbigay nito. Tapos na, I got him. "Oh sige, mag pasa ka na lamang sa akin ng history ng volleyball at tennis, research paper. Naka portfolio ah" wika nito saka tinanong ang kasamang si Irene kung bakit ito ay hindi sumasali sa sayaw. "Ay sir busy po sa varsity ng football" sagot naman ng kaibigan na sinusubukan ring lumusot. "Ah kasali ka baga, ay siya sige" sukong sabi ng instructor. Nang nawala na ito ay tila nabunutan naman silang dalawa ng tinik at naghagikgikan. "Grabe ang charm mo beb ligtas ka nanaman" nakatawang sabi nito. Sa tuwing may practice nga ang buong section ay lagi lang silang tumatakas na dalawa. Nasa taas ng gym at nagchi chickahan habang ang mga kaklase ay sayaw ng sayaw sa field at namamawis. Sa culminating activity ay ganun rin ang ginawa nila, papaano ay kailangang pintahan ang mga mukha ng parang tigre at kinakailangan ding mag costume ng pang tigre. Tunog pa lang nito ay ayaw na nila, "Ay sir busy po kami ngayon sa praktis ng football for intercampus" dahilan ni Irene. "Sir taga document po ako, kasali naman po ako sa university news writers. Ako na lang po ang mag cocover ng event at magpipicture. Lagi po kasi akong ina-asthma" may pag-sapo pa sa dibdib na dahilan niya. Nakatitig lang naman ang professor sa kaniya na animo`y natutuwa pa sa nakikitang drama. "Oh siya kagandahan. Aasahan ko iyan ha" sukong nasabi nalang ng professor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD