EPISODE 7. JRICH ENTERED THE UNIVERSITY

1430 Words
Nakapag enroll na si Jrich, sinamahan niya ito sa pag pila at paga asikaso ng lahat ng requirements. Food technology ang kinuha nitong kurso. 2 years lang. Magaling naman talaga itong magluto. Passion niya. Dahil doon ay lagi na silang nagkikita. Napaka obsessed din nito sa kaniya, walang araw na hindi siya hinahatid niyon at sa tuwing akma sa schedule ay lagi silang sabay kumain. May mga araw naman na wala itong pasok as scheduled at ang nakakasama niya ay ang mga kaibigang sila Irene, Marah, Ephraim, Jasmin, Kristine, Cami, Julie, at Marie. Minsan rin ay kasama na ng kanilang grupo si Jrich pati ang ibang boyfriend ng kanilang grupo na tinawag nilang PEERS. Magkasama sa lahat, sa cafeteria, sa computer shop, sa study tables at sa library. Sa lahat ng dako ay puno sila ng kasiyahan, maiingay ang mga kasama. Siya naman ay pasimpleng tumatawa tawa lamang. Nonchalant sa grupo ika nga at sila ang mga OA. Isang beses sa library, mahigpit na ipinagbabawal ang pag take ng picture sa mga research paper ng mga librarian at mayroon doong cctv na kita ng librarian ang lahat ng nangyayari. Silang dalawa ni Irene ay nakaupo sa dulong bahagi ng silid aklatan na iyon. Nagbubulungan sila at naaasar dahil nasa iisang lugar sila kasama ang mortal enemy ni Irene. Si Precious. Nakaaway nito iyon dahil nagmo moves sa boyfriend nito na isang tourism student, Nang hindi pinapansin ang flirt ng babae ay hindi parin ito tumitigil at post ng post sa f*******: ng kung ano anong paninira sa mag-jowa. Dala dala nila ang ilang thesis paper na magsisilbing reference ng kanilang research paper. Malapit na ang susunod na klase. Hindi na nila matapos pang kopyahin ang mga kinakailangan. Dahil nga may cellphone namang dala ang kaibigan ay binulungan niya ito. “beb, picturan mo na. Hindi naman yan makikita” Tila nagdadalawang isip pa ang kaibigan. Lilinga linga ito bago ilabas ang cellphone at pinagkukunan ang ng litrato ang thesis paper. Maya maya ay narinig nila ang sigaw ng librarian. Lumapit ito at pinabubura ang mga pictures, sa hiya ay dali dali silang umalis. Nagtatawanan rin ang table kung saan nandoon sila Precious. Tinawanan na lamang nilang dalawa ang pangyayaring iyon at pumunta na sa susunod na klase. Mabilis natapos ang academic year 2015-2016 Nagkaroon ng 4 months break ang lahat ng state universities sa Pilipinas, nagpalit na ng academic calendar. Dahil doon ay nakaisip siyang mag apply ng kahit anong part time job. Nagpasa siya sa KFC*, sa ch*wking, Joll*bee at iba pa. She`s very determined. Unang tumawag sa kaniya ang chowking at sinabing magsimula siya agad. Ibinalita niya iyon kay Jrich. “Sure ka ba diyan?” tanong nitong tila may pagdududa. “Oo naman, para makatulong din ako kila mama sa pag-ipon ng tuition ko” dahilan niya. “Bakit ba parang ayaw mo akong pagtrabahuhin?” pangu usisa niya rito. Trabaho lang naman e. Ano ba namang masama dun? “Kung hindi ka maganda, hindi ako mapapaisip. Iba ang workplace, may mga udyukan diyan.. sigurado ka ba na hindi ka magpapa akit sa mga lalaki dun?” tanong nito na may halong inis. Natawa naman siya sa reaction nito. “Magtiwala ka lang sa akin” kumbinsidong sagot niya. Three days ang training at isinabak na agad siya sa cashier. Tila tuwang tuwa ang manager na lalaki sa kaniya. Ewan, bahala siya. Pinag apply nga niya ang kaibigang si Irene, hindi naman ito tumuloy. Sa work na iyon ay marami siyang naging kaibigan. May mga babae at may mga lalaki rin. Isa na doon si Robin, lagi siya nitong binibiro. “Oy Georgy, wag masyadong kaseryoso diyan malapit na matapos ang shift oh” lumapit ito sa kaniya at kinuwento siya ng kinuwento. Hindi niya napansin ang paglapit ni Jrich na hindi maipinta ang mukha. Kinabahan naman siya kahit na walang ginagawang masama “Uuwi na tayo pagkatapos nito honey” bungad niya dito, Tila nabasa naman ni Robin ang sitwasyon. Umalis na lang din ito bigla. Hindi sumagot si Jrich, tiim bagang parin na naupo na lamang ito sa isa sa mga upuan duon. Mataman iyong nakatingin sa kaniya. Siya naman ay hindi mapakali sa pagbibilang ng mga cash at barya. Kailangang mag tally iyon, kung hindi ay mashoshort siya. Nang matapos sa trabaho ay nagpaalam na siya sa mga kasama at lumapit kay Jrich na hindi nagsasalita. Hanggang sa makasakay sila sa motor ay saka lang ito nagsallita. “Huwag ka nang makipagkaibigan sa Robin na yun ha. Alam ko yung mga galawan ng ganoong lalaki. May gusto yun sayo” sermon nito sa kaniya. “Opo hindi na po” pagsang ayon naman niya sabay yakap dito. Kinagabihan ay nakatanggap siya ng friend request. Inistalk niya ang profile ng nag add sa kaniya. Ito iyong head chef sa Ch*wking. Bakit naman siya nito in-add? Baka may kung ano lang na sasabihin tungkol sa trabaho. Kinonfirm niya ang friend request niyon. Maya maya ay nag message ito. Hi Hindi niya iyon nireplyan. Sineen lamang niya. Ay seen lang? Sineen lang niya ulit ito at nagpaalam na lamang kay Jrich upang siya`y makatulog na. Maaga pa bukas ang trabaho. Kinabukasan sa trabaho. Hindi mapigilang hindi siya maintriga kay John kaya nagtanong tanong siya sa mga kasama. “Inadd rin ba kayo nun sa f*******:?” tanong niya sa mga kasama. “Hindi no, ang sungit kaya niyan.” Nagtaka naman siya, bakit kaya siya in-add at chinat pa. Napatingin siya sa gawi nito. Nasa kitchen iyon. Gwapo ito, matangkad, maputi, singkit at masungit ang mukha. Malinis din at mabango itong tingnan. Mysterious type. Naiintriga talaga siya. Nakatingin na rin pala ito sa kaniyang gawi. Hindi niya alam ang kung anong tuwa o kilig na nadama ng ngitian siya nito. Pantay ang mapupiting mga ngipin nito. Lalong sumingkit ang mga mata niyon. Umuwi siyang mag isa ngayon, hindi siya sinundo ni Jrich, May lakad daw kasama ang barkada. Pagkauwi nga ay may kung anong kapilyahan na nagtulak sa kaniya nang mag message ulit sa kaniya si Chef John. Opo. Pareho pa ng pangalan ni John Richard. “Baka magalit ang boyfriend mo” biglang singit nito sa gitna ng kanilang conversation. “Hindi iyon, nagkakalabuan na kami at saka wala siyang time sa akin. Puro siya barkada.” Sagot niya rito kahit hindi naman totoong nagkakalabuan na sila… Simula nga noon ay araw araw na halos silang magkausap. Sa trabaho at lunch break niya, ipinaghahanda siya ni John ng masarap na chao fan at chicken saka siya sasabayang kumain at magkukuwentuhan sila ng magkukuwentuhan. Alam niyang mali. Hindi pa naman sila tuluyang hiwalay ni Jrich. Alam naman iyon ni John kaya pasimple lang silang nagu-usap. Kumakain si Jrich sa ch*owking ng random days and hour within her shift. Walang pasabi iyon. Sinusundo rin siya nito. Para sa kaniya nagiging cold na si Jrich. Lagi lang itong walang emosyon. Isang tanong isang sagot. All the more reasons kung bakit mas lalo pa siyang napalapit kay John, si John na crush ng halos lahat ng babae sa trabaho. His coldness and aloof personality lits up her desire to know him more. Nagsimula na nga ang third year niya sa college, si Jrich ay 2nd year na ngayon. Patapos na ito sa 2 year course na kinukuha, siya naman ay may dalawang taon pang bubunuin sa kursong Education. Nagtatrabaho parin siya sa chowking, nagpa adjust siya ng oras at sa mga araw na maluwag ang schedule lamang siya nagshi shift. Ganun parin ang sistemang patago nila ni John. Si Jrich ay hindi na niya gaanong nabibigyan ng oras. Kasama rin naman nito palagi ang mga barkada na palaging nagbi billiards at kung saan saan pumupunta. One morning before going to the university, nagchat sa kaniya si John. Minsanan na lamang ito mag chat, lagi silang sa trabaho nagu usap. Binawal niya ito mag chat nang mag chat dahil nang minsan ay nagtataka na si Jrich kung bakit may password ang kaniyang cellphone. Maigi at nagdi delete siya ng conversation kaya nakaligtas siya noon ng i-check nito ang cellphone niya. “I love you” Chat ni John. “I love you too” sagot naman niya rito “Baka mabasa ng bf mo ah” paalala naman ng lalaki. Natatawa pa siya dahil napaka imposibleng mangyari niyon. “Hindi naman nun alam ang password ko” sagot niya rito. “Ok see you” Gumayak na nga siya at nagbihis. Nagagalak siya dahil mamaya pagkatapos ng klase ay magi in siya sa trabaho. Makikita nanaman niya ang guwapong guwapong chef.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD