Episode 8. Suyo at Ganti

1324 Words
Sunod sunod na video call at chat mula kay Jrich ang natanggap niya habang nasa sasakyan patungo sa unibersidad. Maya maya nagsend ito ng screenshots ng convo nila ni John. Nakalog in na pala ito sa kaniyang sss account. Napakagaling mo, akala mo ba hindi ko kayo mahuhuli? Grabeng kalandian mo p*ta. T*angna Ito ang unang beses na murahin siya nito. Tila binagsakan siya ng langit at lupa. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Parang lumalaki ang ulo niya sa pagka bigla. Nanlalamig ang mga pawis niyang tumatagaktak. Hindi siya makapag isip ng maayos. Anong uunahin? Mag dahilan kay Jrich ? Ramdam niya ang paghapdi ng gilid ng mga mata. She`s bombarded with messages. Pareho sila ni Jrich na naka sign in sa kanyang account. Lalo pa siyang nagimbal ng makitang nag send ang account niya ng screenshots ng convo nila sa kaniyang mga kaibigan, pamilya, at pati na rin sa gc ng kanilang klase. Maraming nakakita niyon. Sunod sunod din ang chats na narecieve niya sa mga kakilala. Wala pa namang option para ma unsend ang mga messages na ito. Wala siyang maapuhap sabihin. Hindi na muna siya tumuloy sa eskuwelahan. Tumigil siya sa bayan. Sa simbahan. Duon siya nagpa kalma. Naupo muna siya. Walang maisip na rason upang pagtakpan ang kasalanang nagawa niya. Tanging sorry lamang ang naireply niya kay Jrich. Nasabunutan niya ang sarili sa inis na nararamdaman. Sirang sira siya ngayon sa lahat. Ano pang mukha ang ipapakita niya. Sinagot niya ang tawag ni Jrich. Galit na galit itong nagsisigaw sa kabilang linya. Hinayaan niya iyon. Tanging sorry at hindi na niya uulitin ang naisagot niya rito. Sinabi rin niyang wala namang sila, one time fling lang yun at wala silang opisyal na relasyon. Of course, Jrich doesn`t buy it. She made up her mind. Sumakay siya ng trike papunta sa bahay ng katipan. Pinagbuksan siya ng lola nito. “Nandyan po ba si Jrich?” tanong niya sa nanginginig na boses. “Oo iha nandun sa taas, nag away ba kayo?” tanong nito. Mabuti naman hindi pa nasabi ni jrich sa lola nito. “Opo e may kasalanan po ako sa kanya. Gusto ko lang po makipag ayos at makausap ko siya” pakiusap niya sa matanda. Agad naman itong tumalima papunta sa kuwarto ni Jrich sa itaas. Hindi na niya narinig ang mga sinasabi nito. Naghahanda na siya ng sasabihin pag hinarap siya ng nobyo. “Ineng” pag tawag ng atensyon ng matanda sa kaniya. Luminga naman siya dito. “Pasensya na ineng, ayaw ka daw makausap ng apo ko e… siguro sa susunod na lamang ineng” tumango na lamang siya at nagpasalamat. Wala na siyang magagawa kung ganoon. Chinat niya ito, Nagmaka awa siya. Nag-sorry ng paulit ulit at sinabing mahal na mahal ang lalaki. Puros masasamang salita lamang ang nakuha niya pabalik. Nagtricycle uli siya papunta sa bayan. Buo na ang loob niya. Tatapusin na niya ang kung ano man ang mayroon sa kanila ni John. Dumiretso siya sa kitchen. Sinenyasan si John na lumapit. Nakita naman niyang nagmamadali ito sa pagluluto at nang matapos ay agad na pumunta sa kaniya. “Akala ko ba hindi mababasa ng jowa mo? Pinagbabantaan na ako at pinagmumura” bulong na wika nito. “`yun na nga eh, akala ko hindi alam ang password ko.” Sagot niya. Iiling iling iyon, hinawakan ang kamay niya na agad naman niyang iniiwas, “Sorry John, ayoko nang dagdagan pa ang kasalanan ko” Rinig niya ang malakas na buntong hininga ng lalaki. Pagtingin sa mga mata nito ay kita niya ang pangingilid ng luha nito. “Bakit hindi ka nalang mag stay sa akin. Galit naman na siya sa iyo, sa akin ka na. Ibreak mo na iyon” Pangungumbinsi parin ng lalaki. Hinarap niya ito, umiling iling. Sa bugso ng damdamin ay tuluyan na siyang umiyak. Niyakap siya nito. “I can`t. I love him so much” sa gitna ng pag iyak ay nawika niya. Makailang minuto pa ay kinompose niya ang sarili. Nagpaalam dito. Kinausap rin niya ang manager at sinabing magreresign sa trabaho. She can`t work like this. Tutal lagi rin naman siyang tulog sa klase kada may shift ng panggabi at totoo naman naaapektuhan na ang study at pati na rin ang relasyon niya. Pumunta siya sa school. Wala siyang pakialam kahit pagtinginan ng mga kaklase. Hindi naman umiimik ang mga ito. Tumabi siya kay Irene. Ikinuwento niya ang lahat. Pagkatapos nga ng lahat ng klase ng araw na iyon ay magkasama silang naupo sa study table. Ngayon ay naka block na siya kay Jrich. Kasabay ng pagtulo ng luha niya ang pag patak ng tubig ulan. Nakikiayon ang panahon. Tila pinagagalitan rin siya sa matinding kasalanan na nagawa. Nagdrama siya ng nagdrama sa kaibigan na walang imik at hinahayaan lamang siyang magsalita. Bandang huli, ang nawika na lamang nito ay, “Beb, kasalanan mo rin kasi.” Totoo. It was all my fault. I accept that. Siguro hindi ko rin mapatawad ang sarili ko. Broken family na nga sila Jrich, ngayon pinasakitan ko pa siya. Unang beses na pinuntahan ko siya sa classroom nila ay may ibinigay siyang box. Ang mga laman ng box? Lahat ng pictures namin, letters ko, gifts, mga gamit ko na nasa kaniya. Isinauli niyang lahat. Ilang araw, linggo ring hindi ako kinakausap ni Jrich. Ni `ha` ni `ho` wala talaga. Sa tuwing pupuntahan ko siya sa kanilang department compound upang kausapin ng personal ay mga mapanghusgang mga mata lamang ang humaharap sa akin. Kinapalan ko ang mukha ko. Wala na rin naman akong mukhang ihaharap. Lahat sila cheater ang tingin sa akin. Parang hangin lamang ako kapag sinusubukan ko siyang kausapin. Gabi gabi akong umiiyak, nananalangin na sana ay dumating na ang araw na mapatawad na niya ako. Nakakamiss. Yung routine namin na araw araw may I love you, Good morning, Good night. Bakit ko ipinagpalit iyon sa panandaliang saya? Isang buwan na yata ang nakalipas nang makatanggap ako ng chat mula sa kaniya. Inunblock na niya ako. “punta ka sa amin hon” tila liparin niya ang kanilang barangay patungo sa barangay nila Jrich. Nakatayo ito sa labasan ng bahay nila. Nang makita ito ay agad siyang yumakap at umiyak sa dibdib ng lalaki, inalo naman siya nito at maya maya pa ay napansin niya ang pag galaw ng balikat nito. Umiiyak na rin si Jrich. “Hindi ko kaya hon. Hindi ko kaya na wala ka” bulong nito. “I`m sorry, hinding hindi ko na uulitin. Honey, promise ko hindi na mangyayari ulit `yun” pangako niya. ______________ Nagkaayos na nga sila. Bumalik ang dating routine na namiss niya. Alam niyang may nabago ngunit kung dati ay hindi na niya nabibigyan ng panahon at oras ang lalaki, ngayon naman ay lagi niya itong sinasamahan. Sa tuwing monthsary nila ay binibigyan niya ng letters at simple gifts pati narin pumupunta sa iba`t ibang lugar. Buong akala niya ay ayos lamang sila. One time nagi scroll siya sa sss, nangunot ang noo niya ng sa post ni jrich. May comment duon, Querzes: nice >.Excuse me miss, what`s your relationship with Jrich? Saglit lang ay nag reply ito. Girlfriend niya, bakit? Natigagal siya sa nabasa. The audacity of this girl. Agad niyang tinawagan si Jrich. “hello honey?” sagot sa kabilang linya. “Sino si Querzes?” malakas ang boses na tanong niya. Sumisikip na ang dibdib niya sa mga oras na iyon. “Ah nirereto lang iyan ng mga barkada ko, pa-walk yan” sagot nito. “Seryoso ka ba? Walang namamagitan sa inyo?” paninigurado niya. “Wala `no”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD