Episode 9. talk

1597 Words
Nakakaramdam siya ng bahid ng insincerety sa boses ng lalaki sa kabilang linya. “Nasaan ka?” tanong niya rito. Kumukulo ang dugo niya sa inis. “Kasama ko lang mga kabarkada ko may billiards 1 game pa kami.” Bago pa siya nakasagot ay putol na ang linya. “sheet!” inis na turan niya saka bumalik sa pakikipag chat kay Querzes. GEORGY: Layuan mo ang boyfriend ko please. Kakatawag ko lang sa kaniya at wala naman daw namamagitan sa inyo QUERZES: Siyempre yan ang sasabihin niya sa iyo, alangan naman na umamin siya diba. GEORGY: Ineng, bata ka pa, marami ka pang makikilala diyan na single. LUMAYO KA SA BOYFRIEND KO!! QUERZES: Patawa ka ateng. Ayaw lang siguro sayo ng jowa mo kasi gurang ka na. sorry pero hindi ko na siya maiiwan. Love ko sya GEORGY: LOVE? Anong alam mo sa love. Mag usap tayo sa sabado kila Jrich. Personal kasama siya. QUERZES: sige ba, nang makita mo nang personal na nagmamahalan kami, sasaktan mo lang ang sarili mo Nangangatog na siya sa gigil na inilapag ang cellphone. Hindi na niya iyon nnireplyan “Oh bakit hindi na maipinta iyang mukha mo?” tanong ng kaibigang si Christine. Malapit lang ang boarding house nito sa school at doon siya tumambay. Busy naman ang kaniyang mga kaklase sa kanilang sandamakmak na projects, reports at exhibits na hindi parin naman niya nagagawa. “Ey paano, si Jrich nanlalandi ng iba. Kausap ko kanina yung girl.” Himutok na sabi niya. “Ah gumaganti” tatawa tawang sagot ni Christine. Sinamaan niya ito ng tingin. “Hindi ka maka-reklamo ng malala ano? Nauna kang nagka-kasalanan e”, pangi inis na dagdag pa nito. Kulang na lang ay batukan niya ang kausap. “Kaibigan ba talaga kita o kakampi ka naman pala ni Jrich?” bahagyang natatawa na rin siya sa mga nangyayari. “Siyempre sa’yo ako ano. Patingin nga ng girl. Husgahan natin ang ganda.” Ibinigay niya ang sss account nito at ilang minuto lamang ay pinapanood niya ang pagkunot kunot noo ng kaibigan at ang pag-tawa. Tila nababasa niya ang naiisip nito. “Ano? Kumusta naman” urirat niya. Christine rolled her eyes and smirk. “Walang base bes. Hipon iyan e.” Natawa naman siya sa sinabi nito. “Bes alam mo naman, daig ng malandi ang maganda” Nagtawanan pa sila at nang makapag pahinga ay napagpasyahan niyang bumalik sa campus. Madadaanan ang bilyaran na puno ng blue boys. Blue boys means mga naka-unipormeng blue. Ang mga iyon ay under ng department ng CIT kung saan kabilang si Jrich. Masusing hinanap niya ito sa dagat ng mga lalaking naroon. Sa amoy ng sigarilyo sa paligid at ng pinipritong kwek-kwek at suka- na hindi naiiba sa amoy ng mga lalaking nandoon na ang iba ay walang pang itaas na damit ay napatakip siya ng ilong. No luck. Wala doon ang pang inis na di Jrich. Sabi niya, sa bilyaran diba? Ibang bilyaran yata ang pinuntahan nito. *** Pumunta siya sa grupo ng mga kababaihan at nagi isang lalaki na nakatayo sa harapan ng isang airconditioned na kuwarto malapit lamang sa entrance ng unibersidad katabi ng registrar office. Ang section nila. Section 3-S. Nagi isa lang talaga ang lalaki sa kanilang section, si Ephraim at treinta silang babae. Time na para sa huling klase nila sa araw na iyon. Linguistics. Sa likod sila nakaupo dahil may katangkaran at isa pang dahilan ay upang makipagdaldalan nang hindi nahahalata. Wala ang professor. Another day of reporting nanaman. Tuturuan nila ang isa`t isa. Sila na`rin ang magbibigay nang assessment at the end of every topic. Kinuha niya ang atensyon ni Irene na kasalukuyang nagdo-drawing lamang naman sa kuwaderno nito sa halip na nagte-take down notes. Ipinabasa niya ang convo nila ni Querzes. Sa likod ng kuwaderno nito ay nagpasahan sila ng mensahe. Who tf is that? She claimed to be Jrich`s gf. Which he confirmed isn`t true. Maybe he`s trying to get even to you Napaisip siya ng nabasa iyon. He said he doesn`t like cheating. Why would he do something he hates himself? Doesn`t make sense. Tiningnan lamang siya ng kaibigan na parang may naiisip ng malalim. He hasn`t moved on from the hurt you`ve caused. You`re making me feel bad. She pouted as she slipped the paper for Irene`s turn. Well you are in the forest. I am outside the forest so I can see every trees there are. I can tell you what`s needed to be cut or what`s need of attending and everything in between. Just like you are to my forest. Right. Maybe he`s trying to get even. By hurting me? Is he desperate to downgrade just like that? She doesn`t like to boast but, c`mon. She`s not even his type. Yes, long hair. Maybe quircky for her age. Opposite to her because she`s more of demure type and managing reposition at all times. Querzes screams of- vitality, rigor, of extreme perverseness that maybe tickled Jrich`s mind into diving into her world out of mere curiosity. While she, her mere demeanor shouts of prosacalness and placidity. What if, Jrich doesn`t find her amusing anymore? Is it the two years that made him dull and in need of new dish to satisfy his dulling appetite? Maybe Querzes is only a confection. And then… he`ll go back to me. He should. Completely. I Fckin hate sharing. Natigil ang kaniyang pagmu-muni muni nang time na ng assessment. Wala siyang naintindihan ni isa sa ni-report ng kaklase kung kaya`t sumipat na lamang siya sa kaliwa`t kanang katabi. Araw ng sabado. Sa bahay nila Jrich. Maaga siyang pumunta roon. Hinarap naman siya ng lolo at lola ni Jrich na ipinagtimpla pa siya ng kape. Nakaupo lamang siya sa sofa. Hinihintay si Querzes na pumayag makipag kita sa kaniya. Buong linggong kinukuliglig niya ang nobyo ngunit tila hindi siya nito sineseryoso at panay lamang ang paglabas kasama ang mga barkada. Nababaliw lamang daw siya. Buwan ngayon ng Oktubre. Malapit na ang birthday ko sa November at kailangan nang maayos ito. Ayaw niya naman maging malungkot ang birthday at magpa pasko pa. Hindi parin nagigising si Jrich. O gising na iyon ngunit ayaw lamang bumaba. Maya maya ay dumating si Querzes. Napaka payat pala nito at mababa. Lalo pang nakita ang kapayatan nito sa suot na fitted ripped jeans. Tila nahiya yata iyon sa presensya niya nang magsalita na siya. Sa chat lang ba ang tapang nito? Sa sss lamang. Kahapon nga nang istalk niya ulit ang profile niyon ay nakapag-post pa ito ng tungkol sa kaniya. Na may butiki na pangit sa Tayak Hill? Iyon ang profile picture niya, naka-suot lamang siya ng long sleeves na pagma may-ari ni Jrich at saka simpleng jeans. Hindi na niya kasi pinagbigyang pansin pa ang itsura niya. Bakit? Yung view naman ang mahalaga doon. Muntik na ngang hindi Makita ang mukha niya sa layo sa kaniya ng camera. Ngayon, siniguro niyang magandang maganda siya at mabango pa. Makikita ng Querzes na iyan na hindi ko siya ka-level. "Neng maigi pang ngayon pa lamang ay layuan mo na ang boyfriend ko. " Nainis siya nang biglang magtaas ng kilay ang dalagita. "Makikipag-break lamang ako sa kaniya kung siya ang magsasabi. Hindi ikaw" Napabuntong hininga siya, bakit kasi hindi pa bumababa si Jrich. "Alam mo ineng hindi siya seryoso sa`yo, ginamit ka lamang niya para inisin ako. Diba nga, pinagpasa pasahan ka na ng barkada nila? " Hindi nakaimik si Querzes. Tumayo siya. Pumunta sa kuwarto ni Jrich. Doon nakita ang boyfriend na nagce cellphone lamang naman. Ngali ngali na niya iyong sipain sa pagka-buwisit. Nakatawa lamang ito sa kaniya. “Oh bakit ganiyan ang hilatsa ng mukha mo? Agang aga” biro pang bungad nito. “Pwede ba Jrich, ano bang gusto mong mangyari? Palalayasin mo itong babaing ito o iiwanan kita ng tuluyan? Hindi ako natutuwa sa mga padali mo huh” Tumayo naman ito at yumakap sa kaniya. Bakas parin sa mga mata ang tila katuwaan sa mga nangyayari. Tse, lumalaki nanaman ang ulo sa atensyon na nakukuha. Pinaga awayan ng dalawang babae. “Honey, sorry na sige na kakausapin ko. Love na love naman kita e” Paglalambing nito. Hindi parin siya kumbinsido. “ade sabihin mo na ng harapan hindi iyong ginagawa mo lamang itong katatawanan”, wika niya saka ito itinaboy papuntang sala. Pinagmasdan niya itong lumapit sa babaeng mukhang hopyang hopya pang ito ang kakampihan, nanonood lamang siya mula sa itaas. Hindi niya marinig kung ano ang naging daloy ng usapan ng mga ito ngunit maya maya lamang ay nagmartsang palabas si Querzes na nakatungo at nagpupunas ng luha. Nagagalak ang mukhang pumunta sa kaniya si Jrich. Yumakap ito sa kaniya. “Okay na honey. Klaro na. Alam mo naman hinding hindi kita ipagpapalit. Alam ko naman na pagsisisihan ko lamang kung ipagpapalit kita” Lumambot naman siya sa sinabi nito. “Sorry den honey sa nagawa ko dati. Alam ko hindi mo pa ako lubos na napapatawad pero gagawin ko ang lahat para tuluyan mo akong patawarin”, nalulungkot na wika niya. “Ganun ba? Then you know what we can do right now”, nakangising wika nito. Nahampas naman niya iyon sa sinabi. Bumulong siya “Anjan sila lola oh” “Tahimik lang tayo” bulong rin nitong nakapagpasabik naman sa kaniya. Inaamoy amoy na nito ngayon ang kaniyang leeg na sinigurado niyang sprayhan ng pabangong paborito ng lalaki. Tila naman nabuhay ang lahat ng selyo sa kaniyang katawan. Isinara nito ang pinto saka marahang hinapit ang kaniyang baywang pahiga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD