Chapter 04

2900 Words
"tapos kana maligo."tanong sakin ng lalaki hindi ko alam na lumapit pala sa may tabi ko humarap naman ako sa kanya upang sagutin ang tanong nya na iyon. "Oo balik na ako sa villa."mahinahon kong tugon pero nasa kanya parin ang atensyon, tumango lang sya at umupo sa may banda buhangin sa kinatatayuan nya kanina. Umalis nalang ako at hindi na sya liningon pa ulit dahil umupo lang sya doon at tumingin sa dagat sa harap nya kaya umalis nalang ako dahil hindi maganda ang nangyayari saakin. "Lev bakit humahon kana na agad?"salubong ni tita sakin mama nila tine,"-sumunod sayo si ry ahh."Nakita nya ata na nagulat ako kaya kumunot naman ang kanyang noo."hindi ba kayo nagkita iha kanina ka pa nun hinahanap nag-alala ata sayo ang pinsan mo." Sambit nya ngumiti naman ako ng mapakla dahil sa sinabi nya hindi ko alam pero may parte sakin nasaktan na parang binubogbog ako at hindi ko kayang maglaban at tanging pagtahimik at indahin nalang ang sakit ng nararamdaman dahil hindi ko kayang sumigaw. "Nagkita na po kami kanina iniwan ko po sa may dalampasigan kasi po nilalamig na ako." Katwiran ko mukhang sumang-ayon naman sya sinabi ko at naniwala kaya tumango sya sakin. "O sya sige mag-anlaw kana?Sabay na tayo umakyat sa taas kasi may kukunin rin ako sa iyong tinutuluyan."tumango nalang ako at ngumiti sakanya dahil wala nman akong masagot. "Buti naman lumalapit na ang loob nyong dalawa ni ry dahil noon hindi man lang kayo nagpapansinan kaya nagtataka kami dahil ngayong dalawa lang ang nagkakailangan dahil sa iba naman ayus lang akala namin tuloy magka-away kayo." Sambit ni tita habang naglalakad kami papuntang silid namin. "Hindi naman tita baka po naninibago lang po kami dahil hindi naman po talaga kami malapit sa isa't jsa simula noon po." tugon ko pero nasa daan parin ang tingin ko napagtango naman sya doon kahit hindi ako nakatingin sakanya pero nakita ko sa gilid ng mata ko. "Sabagay mga bata pa naman kayo-pero ngayon may isip na din kayo kaya mabuti nman gusto lang namin na nagkakasundo kayong magpipinsan para saatin na din baka sabihin ng iba may matinding alitan na nagaganap sa pamilya natin." Natawa nalang kaming pareho at napatango nalang ako sa sinabi nya. Hindi ko din alam dahil simula ng mga bata kami noon sa elementarya at ayaw ko na talagang mapalapit sa kanya dahil hindi ako komportable sa presensya nya at bawat galaw nya ay nangamgamba ako at kinakabahan ako hindi ko alam, ngayon namn lalong lumalala ito dahil nagiging malapit na kami baka nga tama rin ang sinabi ko kanina na naninibago lang ako, pero iba parin eh hindi ganito ang pakikitungo ko sa iba lalo sa ibang naming pinsan na lalaki sakanya ko lang talaga nararamdaman to. pano kaya kami naging magpinsan!Baka si tine lang ang pinsan nya at hindi naman kami o ako kasi magka-apeliyedo sila syempre kapatid ng ama ni tine ang ama ni ry tapos! Baka ako lang ako nag-iisip ng ganito!Anong klaseng utak to. Hindi ko alam dahil pati ako naguguluhan din eh ang hirap naman bakit iniisip ko yun sabi na rin nila tita na pinsan ko nga raw ang lalaki at magpipinsan kami pero bakit nagdududa parin ako. Bakit gusto kong komuntra na baka hindi kami pagminsan o mag relatives man lang. Kung magpinsan man kami Sana hindi nalang.umiling iling nalang ako at pinagpatuloy ang pagligo ko kahit ano nalang ang nasa isip ko argh! Ang Bata mo pa 13 ayus ka palang ganyan na iniisip mo gaga! "Gurl omg!."Ganun nalang ang gulat dahil sa paglabas ko ng kwarto bigla nalang ako niyakap ni tine at yinugyog ang dalawang balikat ko."-omg talaga alam mo pinadalahan ako ng love letter ni kendrick omg binigyan nya rin ako sa wakas dahil nman ilang beses na akong nagpapadala ng love sa kaklase nyang lalaki ngayon tumugon na kyahhhh." Subrang lakas ng bunganga nya at pagkaksigaw nya kaya lumabas din ang dalawang babaeng nasa likod ko. "Arte mo basahin mo na pakita din kami noh ang ingay ingay mo." Irap na tugon ni el na ngayun nagsusuklay ng kanyang buhok na basa pa dahil bagong ligo lang sya. "Sus!sabihin mo bitter ka lang dahil ako ang pinadalahan ikaw dinedma ka lang." Hinampas naman ni el si tine ng suklay buti nalang at umilag ito kaya hindi sya natamaan man lang at dumila pa,umirap naman ang babae at pinagdilatan sya ng mata. "Ang kapal mo naman!kung tutuusin kong pinagpatuloy ko di dana wala kang love letter ngayon noh yabang nito." Sambit ni el Dumila lang babae at linabas ang piraso ng papel na wholehole sheet of paper lang naman at pinainggit sa babaeng nasa likod ko pinagayway pa ito sa harap naman at pakimbot kembot pumasok ng silid at umupo ng naka dekwatro sa sofa at naka ngiting hinawakan ng maayos ang papel at yinakap pa ito at hinalikan. Napangiwi nalang itong nasa tabi ko umiling nalang ako at ngumiti sa babae na tudo ang kilig sa pirasong papel. Na bigay ng gusto nya! Umirap lang ang kaptid nya at umupo na din sa malaking sofa at naghihintay din sa kanyang ate wala na din akong nagawa dahil pati ako gusto ko rin marinig ang sinulat ng lalaki sa babaeng pinsan ko na walang tigil ang pagngiti na akala mo nasisiraan na ng ulo at kulang nalang papunit ang kanyang mga labi doon. "Ano na babasahin mo nyan o tititigan nalang nyan hanggang sa dulo ng iyong buhay."Sambit ni el kaya ngumiti nalang ako dahil naiinip na sya. Umirap naman ang babae at umayos ng upo at kinuha ang unan at kinadong sa kanyang hita. "Smile before open." panimula nya. Muntik ko na ako masamid sa sariling lamay dahil sa binasa nya. Korny! hindi ko alam pero ganun na lang din ang ngiti dahil sa reaksyon nya dahil sa papel, ngumiwi nalang itong mga kasama ko dahil mukhang ayaw nila sa unang pahayag. " Dear: Cristine Pasesnya kana kung ngayon ko lang natugonan ang iyong mga sulat sa pinapabigay mo palagi kay excell dahil hindi ko kaagad nababasa at minsan nakakaligtaan ko na dahil sa training ko at pag uwi ko naman ng bahay ay nakakatulog na din ako kung pagpapadala ka ulit ng sulat wag mo ng ipadala pa sana deritsyong mo ng ibigay sakin upang makapag-usp na din. Maraming salamat! From: Kendric Putangina? "Kyahhhh omg subrang saya ko talaga sa isang buwan na pagpapansin ko napansin nya rin ako." Sigaw nya ulit at may pasipa sipa pa sa hangin, nakita naman ang sulat na binasa nya natawa nalang ako dahil kahit kaunting ganun ay masaya na sya kung ako rin kapag binigyan ako ng taong crush ko baka sumabog din ako jusko! "Matanda na sya ate 15 years old na iyon 13 ka palang."Katwiran ni tina sabay abot ulit sakin ng papel hinablot naman ito ni tine at tinupi ng maayos ang papel at hinaplos haplos pa ito na akala mo ay mamahalin at masisira ito kong hindi mo iningatan at baka mabasag ito kong hindi mo iingatan. "Eh ano naman bakit may age limit ba ang pagmamahal ahh." Mataray na pahayag ni Tine at inayos ang paghawak sa papel. Wag ka ng sumabay? Umirap nalang ang kapatid nya at umiling nalang. "Ang Bata mo pa ate para isipin ang pagmamahal na iyan." Sagot nya ulit sa tugon ng ate nya sa kanilang dalawa ang atensyon namin ni el. War to? "Bakit ba hayaan mo nalang ako bitter to." Sambit ni tine at padabog na umalis sa amin. "Hayaan mo na ang ate mo kanya parin ang desisyon." Tugon nitong katabi ko tumango nalang ako dahil wala naman masama kung naramdaman nya iyon ng maaga pero parin sakin matatawag na iyong pagmamahal o tanging paghanga palang ang dapat para samin dahil para sakin malaking palaisipan ang salitang pagmamahal sa isang tao. Dahil iba ito sa pagmamahal sa pamilya sa kaibigan at kapamilya dahil sabi ni lola ito ang pinakamabigat sa lahat dahil hindi mo malalaman kong bakit kailan natin ng kasama sa buhay at masyado pa kaming bata para doon at marami pa kaming makakasalamuha at nakakasama sa aming tatahaking buhay sa makalipas na mga taon. Hindi sa lahat ng nakakasama at nagiging kaibigan natin ay makakasama pa natin sa ilang taon dahil lahat tayo may kanya kanyang buhay na tatahakin. "Ako nga cous eh nagpadala akong love letter kay nathan sa second year High school,nag tratraning sa varsity player hayys! ang gwapo nya talaga." sambit ng isa at tumingin sa kisame na akala mo nag iimagine sya na kasama nya ang lalaking nabanggit nya. "Ikaw ba magbigay ka rin para mapansin ka ng crush mo." Suggestion nya sakin umiling na lang ako dahil hindi ko naman sya kayang bigyan ng ganun para saan naman wala naman akong sasabihin eh."bakit naman ano yun hanggang tingin ka nalang ganun naku habang maypagkakataon pa galaw galaw na kung matatagalin mo pa baka magsisi ka lang naku mahirap na bata pa tayo dapat alam mo yan dapat maramihan tayo." Mahabang pahayag nya sa akin. Kailan ba yun? Mabubuhay ba ako non? "Wala tinatamad ako hindi ko naman hilig iyon." Sambit ko. "Tine ano itong nababalitaan kong kumakaring-king kana daw sa school mo ha iha." Nagulat naman lahat dahil sa biglaang pagpasok ni tita sa silid na nagsisisgaw pa."Asan si tine." Bungad nya samin ng makita kaming nasa sofa. "Why mom?" Sigaw sa may bandang likod namin sa may hagdanan at pababa ito ganun nalang ang gulat ko dahil hanggang ngayon hawak parin ang papel sa kanyang kamay, nagpamaywang naman si tita at tinaas ang kilay ang anak at tinuro ito kaya lumapit naman ang babae at hinila nito ang tainga. Patay ka? "Mo-mom a-aray naman a-ano ba." Sigaw nya kitang kita sa mata nya kaunti nalang iiyak na sya kaya kaming dalawa ni el ang mukha namin para kaming natatae dahil sa paghila ng tainga ni tita kay tine. Nadadamay pa ata kami? "Aray pala huh! Anong pinaggagawa mo sa iskwelahan at nagsumbong sakin si Stefanie na nagpapadala ka daw palagi ng letter sa lalaki na nasa third year High school huh." Lumaki naman ang kanyang mata at kinamot ang kanyang ulo na akala mo may kuto sya. "Bakit ma bawal ba magkacrush." Napa atras naman ang leeg namin ni El at sabay titigan dahil sa sinabi ng pinsan naman na akala mo hindi natatakot sa kanyang ina. ako ang kinakabahan sa sagot nya eh. "Jusmaryusip ka!Anong crush crush ikaw pag-aral at 13 ayus ka palang may pa crush crush kana hindi kapa pa nga marunong maglaba ng reneglahan mo eh." Sarcastic na sabi tita. Napa ngisi naman kami sa sinabi ni tita kaya bumaling sya samin at pinagdilatan kami ng mata ni el kaya napawi ang aming ngiti at ang atensyon ay saming tatlo dahil pinaupo ni tita sa tabi namin si tine. Sabi na eh? "Wag nyo akong ngitingitian dyan huh kayong mag-aral muna at wag nyong munang isipin ang mga ganun dahil mga bata pa kayo kahit ano ano ang nasa isip nyo huh." Sigaw ni tita sa pagmumukha namin. bakit kami nadamay ito ng ba sinasabi ko eh! "Hayaan mo na! At natural na iyan parang namang hindi mo iyan naranasan noon napaka bitter mo naman crush palang iyan." Nagulat nalang kami dahil sa biglaang pagsulpot ni lola sa likod ni tita kaya humarap naman si tita upang salubongin ng tingin ang matanda. "Kahit na po ma ganun na rin iyon dyan nagsisimula ang lahat iniiwas ko lang baka magsisihan din nila iyan balang araw." Sambit ni tita kay lola natawa naman si lola dahil sa sinabi ng aming antie. "Isus! Sabihin mo bitter ka dahil hindi ka crinashback noon ni lorence." Lola Napataas naman kami ng kilay doon at nagkatitigan na mag pipinsan! Pigil tawa naming tatlo na nasa likod kaya bumaling si tita samin at pinagdilatan kami ulit kaya umayos kami at tumingin sa kanila. "Mama naman eh, ewan ko sainyo atleast naging mag-asawa parin kami ngayun." Sambit ni tita na nasa mataray na tono at naglakad pa puntang pintuan. "Pero Ilan taon ka din nagpapadala sa kanya ng love letter noon alam na alam ko iyan anak dahil naging saksi ako sa pagiging patay na patay mo sa tatay nila tine kaya wag kang magtaka kung bakit naging ganyan ang naging resulta sa anak mo manang mana sayo hahahaha." Ngising sambit ni lola. Padabog naman sinara ni tita ang pintuan ng kwarto at lumabas. Bumaling nman si lola samin ng nakangiti kaya napangiti nalang ako sya ang lola nila tine sa mother side dahil ina sya ng mama ni tina at tine pero tumatawag na din naming syang lola dahil na din sa kabaitan nya at ginagalang na namin sya. "Hayaan mo na ang iyong ina tine nag-alala lang iyon sayo." Tumango nalang ang babae naming pinsan dahil doon. "patay na patay mo si mommy kay dad lola." Sambit ni tine kaya umayos naman ako ng upo dahil pti ako na curious din, natawa naman ang matanda dahil doon. "Oo naman iha sa kapal ba naman ng mukha ng iyon ina ay sya ang nanligaw sabi nya pa sakin noon,sabagay makapal lang naman ang mukha ko bakit hindi natin pakinabangan diba yan ang sinabi nya noon at ang kanyang kasabihan hahahaha." Natawa nalang kaming tatlo dahil doon ang tapang naman ni tita kung ganun. "Pero wag madalos dalos sa desisyon huh!Hindi ko kayo pipigilan dyan dahil pati ako naranasan ko din pero sinasabi ko sainyo na dapat lahat ng gusto hindi nyo agad makukuha dahil lahat ng ito ay may malaking pasakit at paghihirap na dulot hindi bagay na nabibili lang at makukuha nyo agad dahil ito ay isang malaking pagsubok sa buhay na kahit buhay mo ay pwedeng ialay kapag dumating ka sa puntong wala ka na palang natira sa sarili mo."Mahabang lintanya nya saamin tumango nalang kami. "Opo la dahil lahat ng bagay ay may limitasyon tatandaan ko po iyan." Masayang tugon ni tine lumapit sa kanyang lola napangiti naman kaming dalawa at nakisama na din. Ngumiti nalang ako ng tipid doon. "Hindi ako nagkulang sa pangaral sainyo huh isipin yung mabuti ang mga desisyon nyo malayo pa ang lalakbayin nyo, nagsisimula palang kayo." Saad nya kaya napatango nalang kaming tatlo at kumalas na sa yakap. Parehas sila ni lola palaging sinasabi saakin, pero minsan natatakot ako sa mga sinasabi nila na parang may bumabangabag sakin na parang hindi ko ma kokontrol ang limitasyon na sinasabi nila dahil ganun palagi ang aking pakiramdam kapag sinasabi nila iyon. Kinakabahan ako sa mga katagang iyon. Hindi ko mapaliwanag na may halong lungkot ang bawat salita na iyon saakin at kirot hindi ko maintindihan baka balang araw malalaman ko rin ito hindi pa ata sa ngayon pero dadating iyon. pero masakit at ngumingiti nalang ako kapag sinasabi ang mga katagang iyon saamin. Pero ganun hindi mo parin maitatago ito sa iyong kaloob. Dapat may limitasyon ang lahat. Pero pano kung sa punto na hindi mo na pala mamalayan na walang wala ka dahil sa babad na babad kana sa gusto mong makuha at hindi mo na kayang kontrolin pa. Anong gagawin mo? Oo hawak natin ang buhay natin pero para sakin hindi natin hawak ang nararamdaman natin kung ano ang magagawa natin ng hindi na natin namamalayan ang lahat. "Kapag may crush ka na share naman dyan?" Sabay siko sakin ni el. Tumango naman si tine doon at ngumisi pa sakin. Ngumiwi nalang ako doon. "Ayaw ko baka traydorin ninyo ako?" Mayabang kong sambit at nag cross arms pa. "Kapal mo ah?" Sabay siko sakin ni tine. Ngumiti nalang ko doon at umiling nalang. "-Pano mo nasabi?" "Feeling ko lang?" Ani ko Binato naman ako ng dalawa ng unan pero nasalo ko iyon at yinakap nalang kaya sumandal nalang si tine sa couch at humiga naman si El at ginawang unan ang hita ni tine at ang paa nya ay nasa hita ko. "Sino kaya ang magiging future husband ko?" Napabaling naman ako kaagad kay tine kaya natawa sya sa reaksyon naming dalawa ni el dahil napabango ito at tumingin sa kanya. Na akala mo nag-iisip talaga. "Isusumbong kita?" Manakot na tuno ni el natawa naman kaming dalawa doon. "Gagaya ka kay stafanie hindi ka naman dapat pagkatiwalaan?" Ani ni tine. "- diba levi?" Tumango nalang ako pero may ngisi parin sa labi. "Tsk!Naniwala naman kayo dapat nga ako ang magsabi nyan eh kasi mas malandi ako sa inyo?" "Malandi lang?" "Gago ka?" El Natawa nalang ako doon. "Sabi sakin ni aling sonya maaga daw akong mabubuntis dahil pabago bago ako ng lalaki,bakit lahat ba ng talong tinikman ko bobo ba sya?" Binatukan naman namin sya dahil walang preno ang bibig nya. Luminga pa kaming parehas ni el sa kabuuan ng sala. "Bastos nito?" "Talong lang?" Ani nya pa. Saraulo? Pinsan talaga hindi ko naiintindihan ang sinasabi nila. Charr! Umiling nalang ako at nagsalin nalang ng juice na nasa tapat lang namin sinalinan ko na din ang baso nila at inabot sa kanilang dalawa. "Thanks?" "Love you?" "Ahmm!" Tugon ko. Umiling naman ang dalawa dahil sa sinabi ko at inirapan ako pero umimom nalang ako. Anong naman ang problema ng dalawa to binigyan ko na nga eh ako pa masama. "Ang tamis?" Ani ko. "Sana all sweet yun isa kasi ang bitter at ang manhid?" Umiling nalang ko sa turan ni el at pinagpatuloy nalang ang pag-inom ko at nagsalin ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD