Chapter 03

2260 Words
Muntik na akong mapatalon sa kinatatayuan ko dahil sa pag-angat ko nakita ko ang lalaki sa harap ko na naka pamaywang lang at nakatingin sakin. Kaya linapag ko ang hawak kong lagyanan ng pandilig sa halaman. "Bakit?"sabay tingin sakanya na ngayon pinagmamasadan parin ako. "Pinapasundo ka nila sakin maliligo daw tayo sa camarines sur sa beach kasama ang pamilya nila tine." Sambit nya wala na akong masabi dahil alm ko na iyon na aalis nga daw ang ang pamilya nila tine at tina kasama sya baka kasama sila kaya pinasundo nila ako sa lalaki. "Hindi pa ako nagpapaa-" "Alam na nila tito at lola napaalam na kita kasi sila ang naabotan ko kanila sa labas tinuro nila sakin kung saan ka." Tumango nalang ako at pinunas ang kamay ko sa aking damit,naglakad nalang ako at nakasunod naman sya sa aking likod pero alam kong nakatingin sya sakin kahit hindi ko nakikita pero nararamdaman ko. "Buti naman at magkasama na kayo, levi napaalam kana ni ry kaya naka ayos na ang iyong damit papunta doon." Tumango nalang ako at pumasok sa loob, hindi ko inaasahang sumunod parin sya sakin kaya hinarap ko na. "Hintayin mo nalang ako dito maliligo lang ako." Sambit ko tumango nman sya doon at umupo sa sofa sa likod nya at naka dekwatro pa at linigay ang dalawang kamay sa gilid ng sofa. Tumalikod na lang ako at hindi na ulit sya kinausap at deretsyong umakyat papuntang kwarto. Maganda talaga doon at hindi ko na mapigilan ang pagngiti habang inaayos ang sarili ko. "Tapos kana" Tumango nalang ako at ngumiti sakanya tumayo nman sya at inayos ang kanyang damit at naunang lumabas, ang tagal nya yata naghintay dyan kung kaninang iniwan ko sya ganun parin ang posisyon nya paglabas ko ganun parin. Hindi sya nabangot dun! Lumaki ang mata ko paglabas ng pinto ng bahay dahil nandun ang mga pinsan ko na nakaupo sa may kubo na may mga dalang bag pack, nang makita ako ni el agad naman syang kumakaway sakin kaya ngumiti habang naglalakad pa punta sa pwesto nila. "Tayo nalang ang pagkakasabay, dahil nauna na ang matatanda satin pati ang nakakabangot sumabay sa kanila puro sa negosyo ang kanilang pinag-uusap eh." Mataray na sambit ni tina na simamaan naman ng tingin ni tine umiling nalang ako sa kanyang tinuran ang mga lalaki naman ay seryoso lang. "Tara na" Yaya ni nash at nauna ng maglakad tumayo na din ang magkapatid at sumunod si el nman ay lumapit sakin at kumapit sa braso ko wala na akong nagawa dahil hila hila nya na ako, ang lalaki nman ay nasa likod nman dalawa na seryoso lang nakatingin. "Alam mo cous tine meron na ulit akong bagong crush sa grade 8." Sambit nya kaagad magkapasok naming lahat sa sasakyan lumingon naman ang babae saming dalawang nasa likod nya. "Sus!Sino ba iyan baka naman yung akin yan huh!" Sambit nya habang nakataas ang isang kilay nya. "Bakit anong pangalan naman nung- sayo." Sigaw ng katabi ko napa iling nalang ako dalawa. "Kendrick." Deritsyong sambit ni el,umirap naman itong katabi ko at nagcross arms ng braso sa may dibdib. "Tss! Maghahanap nalang ako ng bago." Sambit nitong katabi ko kaya natawa nalang ako at umiling sa kanila kami lang ata ang nakakarinig dahil ang iba naming kasama may kanya kanyang ginagawa. "Sus!ikaw ba levi Sino crush mo."muntik na akong mamasid sa biglaang tanong nya kaya kumunot naman ang noo ng dalawa nagulat nalang ako ng tinginan ko ang mga ksama namin nakatingin na din pala sakin at kita sa kanilang mga mukha naghihintay sila ng sasabhin ko, kanya ngumiti ako ng mapakla. "Ah-wala pa eh." Na pa oh naman ang dalawang babae at ang dalawang lalaki naman ay napangiti nalang at ang lalaking nasa tabi ko seryoso parin nakatingin satin. "Hep!panong wala cous natural na iyan na magkaroon ng ganun kahit na hahangaan mo lang ganun-wala talaga." Napanguso Naman ako dahil dun,meron ba? Hindi ko din alam eh naguguluhan din ako eh. "Kunyari ganito si kendrick diba isang magandang lalaki ganun parang ganun." Napangiti naman ako dun sa sinabi ni tine kaya tumingala ako parang nag-isip. "Ah-meron yung president namim sa room ang gwapo nya tapos matalino tapos kapag ngumingiti sya ano an-" "Ayieeee oh my god you call that crush sis." Napahalakhak nman ako dahil sa reaksyon ni tine sa sinabi ko at hindi ko na nga natapos dahil sumigaw na sya at pinaghahampas ako. Napangiti naman ang babaeng nasa tabi to. "Kilala mo ba yung sinasabi ni levi na crush nya daw prisedent daw sa room nyo."tanong ni el sa lalaking katabi ko ngumiwi Naman sya at tumango sa sinabi ng babaeng pinsan namin at inayos ang upo nya. "Oo hindi naman gwapo." Deritsyong sambit nya kaya napabaling nalang ako at sa kanya pero nakatingin na sya sa bintana ng sasakyan. "Hayaan mo na judgemental talaga iyan." Sambit ni tine kaya tinuon ko na ulit ang atensyon ko sa kanila. "Isama mo pinsan kapag mag lulunch tayo para makita ko yieeee kinikilig tuloy ako hindi ko yan nakikita pano nalang kaya pagnakita ko na." Nakangiting syang sambit at hinampas ulit ako kaya ngumiti nalang ako sakanya at umiling. "Malay mo sya ang makaatuloyan mo in the future." Lumaki Naman ang mata ko dahil dun kaya natawa Naman ang dalawa. "Future madami pa nyang makikilala noh sa college daw ang marami." Sambit ni tina nakisama na rin umirap Naman ang kaptid nya dahil dun. "Ako nga meron din akong crush sa ibang grade level." Sambit ni tina, umirap Naman ang nakakatandang kapatid sa sinabi nya. "Madami ka namang crush." Pangbabara ni tine sa kapatid "Duh!Natural na iyon basta may makita akong gwapo crush ko na agad kung meron pa pala bakit hindi diba! bakit may limits ba?" Natawa nalang kami dahil sa pagkapatid na nagbabangayan na ngayon. "Kababata mo nya pa eh." Sabat ni manong kaya natawa nalang ako dahil pati ako nahihiya na rin may matanda pala kaming kasama. "Naku manong!natural na po Ito samin-napagdaan nyo naman po to kaya wag nyo po kaming husgahan dyan." Natawa nalang si manong sa sinabi ni tina na walang preno ang bibig. "Alam ko iha pero dahan dahan lang baka maaaga kayong masaktan pasakit iyon naku." Sambit ni manong pero sa kalsada parin ang tingin. "Alam ko po kaya dapat hindi mona ito seneseryoso,sayo parin po iyon." Sabat ko kaya napa weh Naman silang lahat napa iling nalang ako sa reaksyon nila sa sinabi ko. "Oo iha sayo parin ang desisyon." Yung lang sinabi ni manong kaya tumango nalang ang mga kasama ko pero ang lalaking nasa tabi ko tulog ata dahil nakapikit ito, ganun nalang ang gulat ko dahil kaunti nalang mapapatalon na ako sa kinauupuan ko dahil bigla syang nagising at kinunotan ako ng noo kanya umiling ako at umiwas nalang.lagi nalang ako nahuhuli! Ilang oras din ang naging byahe namin kaya nakatulog ako pati na rin ata ang mga kasama ko dahil kita sa kanilang mga mata na bagong gising. "Nandito na ang mga bata." Sigaw agad ni manang ng makita kami subrang lakas ng simoy ng hangin at rinig na rinig ang paghampas ng mga alon kahit hindi pa kami tuluyan nakakapasok at naaininag ang tabing dagat pero rinig na rinig na namin ang mga taong nagsasaya. "Pupunta na kayo sa tutuluyan nyo ang mga babae sa kabilang kwarto at isa naman sa mga lalaki naka reserve na kayo kaya dumeristo nalang kayo." Tumango Naman kaming lahat at at bumalik muna sa mga magulang ni tine at tina tumango nalang sila at ngumiti samin kaya naglakad na kami nauna si nash at Ethan sa likod Naman kaming dalawa ni el at ry. "Tabi Tayo sa isang kama lev." Bumaling Naman ako at tumango sa kanya ngumiti nman sya bilang tugon sakin. "Tabi tabi nalang tayong apat sa isang kama malaki naman iyon ayaw kong kaming dalawang magkapatid lang dahil mababangot lang ako." Saad ni tine umirap naman ang batang kaptid at hindi pinansin ang sinabi ng ate nya. "Pasokan naman sa lunes nakakainis na eh first day school lang masaya eh buti nalang talaga may chikabels eh." Reklamong Saad ni Ethan sinamaan naman sya ng tingin ni el at tumakbo papunta sa lalaki upang batukan ito, kita naman sa lalaki na gulat sya dahil kita sa kanyang mukha at kinamot pa ang kanyang ulo. "Isusumbong kita kay tita iris." Sambit ni el sumama naman ang mukha ng binata sa kanyang tinuran "Ang epal mo." Sambit ng lalaki kaya hinabol Naman ng babae ang lalaki at naghabol sila kaya kami nalang ang nasa likod ng lalaking natira d ko inaasahang magkasabay na pala kaming dalawa sa paglalakad pero hindi ko man lang sya tinaponan ng tingin dahil baka mailang nanaman ako kapag nagkatitigan kaming dalawa. Nang nasa tapat na ako ng aming silid huminto muna ako at tumingin sa lalaking nasa gilid ko dahil nauna ang aming kwarto kasya sa kanila. "Mag sisi swimming ka." Habol nya bumaling muna ako bago deritsyong buksan ang pinto nakawahak pa ako sa doorknob at tumango sa kanya. Tumango nalang sya at tumalikod na hindi muna ako pumasok at pinagmasdan muna sya papalayo. Bakit ganito kakaiba sa iba naman hindi ako ganito sa ibang lalaki na nakausap ko at nakakatitigan ko di kaya kapag malapit hindi naman ganito ang mararamdaman ko.Normal pa baton!! Binalewalang bahala ko nalang iyon at pumasok na sa silid kita ko agad ang tatlong babae na busy sa kanilang mga ginagawa tumuloy nalang ako at hindi na sila pinansin pa. "Anyari sayo." Ganun nalang ang gulat ko ng may sumigaw sa may likod ko at sa banda tainga ko pa kaya pagharap ko sakanya sinamaan ko sya ng tingin ngumisi lang ito. "Wa-la baka pagod lang." Sambit ko tumango nalang sya pero alam kong hindi sya kumbinsi doon kahit tumango sya pero nakita ko sa mga mukha nya na hindi iyon ang gusto nyang ipahiwatig. Pumasok nalang ako sa kwarto at humiga lang basta at tumingin sa kisame at umikot ikot dun. Bakit ganito? Hindi ko na rin kilala ang sarili ko hindi ko narin maintindihan ang pakiramdam na ito daig na nito ang sakit at lagnat eh,dahil ang lumbay ng buhay ko at parang may kulang eh wala naman parang magkakasakit ata ako eh. Kaya kinapa ko naman ang leeg ko at mukha ko wala naman kanya bumangon nalang ako basta at umupo sa kama at humarap sa salamin na nasa gilid ko.baliw na ba ako? "Lev are you ok." napalingon nman ako bigla sa may banda pinto dahil sa boses na iyon sa labas ng kwarto dali dali Naman akong tumayo at binuksan ang pinto ng kwarto ganun nalang ang laki ng mata ko dahil silang lahat ang nandito. "Masama ba pakiramdam mo." Mahinahon na sambit ni el at kinapa ang mukha at leeg ko."wala naman sakit bakit ang tamlay mo ayus ka lang ba-" "Do you have a problem tell us we will listen " sabay sabay naman silang tumango sa pahayag ni tine at lumapit na din sakin at inakay ako palabas ng silid, bumaling namn ako sa lalaki ang dahilan kong bakit ako nagkakaganito nakatitig lang sya sakin at sinosuri akong mabuti umiwas naman ako ng tingin dahil heto nman ang pakiramdam na hindi ko maintindihan kapag nandyn sya. "Baka gutom lang ako." Sabay lingon sa dalawang babae na nakakapit sa aking dalawang braso. "Tara na anong oras na din nga eh sandali naghahanda na ako nasa baba na ang pagkain pinadala nila tita kumain muna daw tayo bago maligo." Tarantang tugon ni nash at deritsyong bumaba ng kwarto tumango naman silang dalawa at sumunod namn si tina sa lalaki ang lalaki ay nakatayo parin at wala atang balak umalis. Tumititig muna ako sakanya bago ako tuluyan higitin ng dalawang babae pababa umiwas naman sya doon at tumingin sa gilid nya humarap nalang ako sa unahan at naglakad na. "Baka naman iniisip mo yung press nyo girl mababaliw ka dyan ka iimagine mo naku." Sambit ni tine pero sa unahan parin nakatingin. "Hindi ko sya iniisip noh."pangatwiran ko dahil hindi Naman talaga iyon dahil iba at ayw ko nito. "Eh ano." Natahimik nalang ako sa sinabi ni el kaya bumaling sya sakin ng seryoso kaya ngumiti nalang ako. "Bakit interesado kang malaman." Sambit ko na may ngiti sa labi upang wag imahalatang kinabahan ako sa tanong na iyon. " Natural alam kong medyo tahimik ka talaga pero ang weird mo na ngayon hindi na kita mabasa." Sambit nya natawa Naman kaming pareho ni tine sa sinabi nya kaya bumaling sya samin at umirap. "Hindi ko alam na manghuhula ka pala makihulaan nga kung magkakatuloyan kami ni kendrick." Sumama naman ang timpla ni el dahil sa sinabi ni tine at tinuro pa sya nito. "Ang kapal mo! Pinaubaya ko na sayo pero kung tutuusin baka ako talaga ang tipo nung tao kung lalaban ako." Sigaw nya sa pag mukha namin.Umirap naman ang nasa kaliwa ko. "Talaga!sige nga magtutuos Tayo." Lumaki Naman ang mata ko sa sinabi ng babae na si tine "No need I have new iyo na." mayabang na pahayag ni el at nauna na samin maglakad "Sus sabihin nya wala syang nanalo sakin sa bulubondukin palang wala na eh." Hinampas ko nman sya dahil sa pinagsasabi nya. "Bilisan nyo na nagugutom ka na diba puro kayo kalandian dyan." Sambit ng lalaki at linagpasan kami sinagi pa ang isang braso ko deritsyong bumababa lang sya at hindi na tumingin pa.sakit ahh! "Yabang mo judgemental mo." Sigaw ng kasama ko umiling nalang kaming dalawa sa inasta ng binata at hindi na iyon pinansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD