Chapter 02

3097 Words
"levi nasa labas na ang mga pinsan mo bilisan mo na dyan iha." Sigaw ni lola sa labas ng pinto ng kwarto ko, lumabas naman ako para ipakita na handa na ako tumango lang sya at ngumiti sakin. "Napapadalas na ang punta nila dito at pagsundo nila sayo mga tito mo ay nagtataka hindi ka na daw nagpapahatid."sabay halakhak ni lola "La hindi na po ako bata." Kumunot naman ang noo nya dahil dun kaya natawa ako. "Anong hindi bata ka parin hindi kapa sa tamang edad ineng naku wag ako baka naman ay may nobya kna." Ngumiwi naman ako agad sa sinabi nya tumawa nman sya sakin. "Wala ho la!ahh pati wala pa iyan sa isip ko noh." Napa isus na nalang sya sa sinabi ko kaya napangiti nalang ako. "Naku napagdaan ko na iyan iha, sa mga ganyan edad ay malalaman na ang paghanga kaya wag mo akong mawala wala sa isip ko jusko." Pahayag na sambit ni lola kaya natawa nalang. Lumapit naman sya sakin at kinuha ang suklay sa kamay ko para sya ang magsuklay ngumiti nalang ako. "Sa ganyan edad iha wag mo munang seryosohin ang bagay na iyan dahil kapag naging totoo ka malaking sakit ang dulot nito,hindi lang basta sakit iha pagdurusa na din habang buhay." Natahimik nalang ako dahil wala akong masagot sa sinabi ni lola sakin kita ko ang repleksyon nya sa salamin habang sinusuklay nya ang aking buhok. Hindi ko alam pero lumakas lang ang pintig ng puso ko hindi ko maintindihan pero kanakabahan at natatakot ako sa sinabi nya. Pano nga kapag nangyari iyon? Anong gagawin ko? "O sya sige pumunta kana doon dahil kanina pa ang mga iyon naghihintay sayo." Tumango nalang ako at hinarap si lola at nagmano,at ngumiti at kinuha na ang bag ko at lumabas ng bahay nakita ko ang mga pinsan kong nababangot na dahil kita sa kanilang mga mukha napa ngiti nalang ako umirap naman ang mga babae sakin. "yung isa kasi dyan subrang aga yan tuloy hindi na ako fresh kakainis." Sabay irap ni el at nag flying hair pa sa mukha ko at tinarayan si ry na naka tingin pala sakin, ngumiti ako dito pero hindi man lang ako ginawadan at diretsong pumasok sa loob ng sasakyan na kung saan sya naka tayo at nakasandal. " Ang tagal mo daig mo pa ang vip veine." Sambit sakin ni nash kaya natawa nalang ako sa sinabi nya at sumunod sa kanila upang sumakay na. Hindi ko inaasahang magkakatabi pala kaming dalawa kaya nagulat ako dahil ngayon lang kami magkatabi sa sasakyan dahil isang beses palang ito sumabay kila tine. "Yung isa din dyan nakakagulat at sumabay hindi naman nya gawain ito pero tingnan mo naman himala talaga ."Parinig ng katabi kong si tina habang inaayos ang headset nya. "There's busy." Tipid na sagot nya at tumingin sakin nagulat naman ako dahil baka nalaman nyang kanina pa ako nakatingin sa kanya, tinaas nya naman ako ng kilay kaya umiwas ako, bakit ganito kakaiba naiilang ako! "Tapos muna assignment mo lev."ry Lumaki Naman ang mata ko ng humarap ako sa kanya napangiti sya dahil dun,yung dalawa naman babae ay nakuha yata namin ang atensyon nila dahil ngayon nakatingin na din sila samin. "Ah oo ka gabi pa."normal kong sabi upang ipakita na wala syang epekto sa sistema ko umiling iling naman ako habang umiwas ng tingin sa kanya. Tumango nalang sya at tumingin na lang ulit sa bintana. Dapat ko bang syang tanungin din kong tapos na rin nya ang kanyang gawain o wag nalang baka isipin nya masyado akong kuryosidad sa kanya, umiling nalang ulit ako at tumingin nalang sa unahan. Nakakainis nman ano ba itong naiisip ko at nararamdaman ko parang sira ehh, may sakit na ata ako sa puso naalala nato mukhang hindi na normal ehh pati ata utak ko ganun nadin ehh! " Nagiging magugulatin ka na levi."si el Kumunot naman ang noo ko pagkaharap ko sa kanya kaya natawa sya sa reaksyon ko umirap nalang ako sa kawalan at umiwas ng tingin sa kanya dahil hindi na mawala ang ngiti nya sa labi dahil sa pang-aasar sakin. "Mahilig daw Kasi yan sa kape." Sabat ni Ethan. Pinagdilatan ko naman sya ng mata kaya lalo syang natawa, hahampasin ko sana sya kaso gumalaw ang katabi ko at binigay sa kandungan ko ang bag nya kanya nakuha nya ang atensyon ko dahil dun naka tingin samin ang mga pinsan namin. " Pahawak muna baka kasi malaglag matutulog Kasi ako saglit gisingin mo ako kapag nandyn na." Hindi nya na ako hinintay na pagsalita dahil sumandal na sya sa upuan at naglagay ng headset sa kanyang tainga at pumikit, nagulat naman ako dahil may pumitik sa hangin sa harap ko kaya bumaling ako. " Arte nyan talaga pagpasensyahan mo na ayaw nya nga ipahawak man lang ang bag nya sakin pero sayo kaunti nalang ibigay na sabi ko sakanya magpalitan kami saglit-napaka oa." Sambit ni tine sa gilid ko subrang lapit ng mukha sya sa mukha ko pero hindi ako napaharap sa kanya dahil kundi maghahalikan na kami kung tuluyan akong tumingin sa babae. " Ahmm hayaan mo na." Sambit ko Sabay layo ng mukha nya sakin at tumango nalang. Hindi na nakiusisa pa ang iba at nakatingin nalang sa kalsada, gusto kong bumaling sakanya kahit saglit kaso baka mahuli nya naman ako at ano naman ang isipin ko at dagdag iisip ko naman iyon. Hindi ko na sya nagising dahil gising na sya nagulat ko ata sya dahil lumaki ang mata nya at kaunti nalang mauuntog na sya sa may bubung ng sasakyan dahil sa pagkagulat kaya nag peace sign nalang ako at ngumiti sakanya. Umayos naman sya ng umupo at hinilamos ang dalawang kamay nya sa kanyang mukha. Kung titingin mo sya kahit hindi pa sya masyadong binata pero makikita na ang magandang pagkalalaki nya.perfect na! Kahit sino sigurong babae hahabol to ehh lalo na ata kapag nasa tamang edad na ito.lalo itong gwagwapo! Umiling nalang ako sa naiisip ko. "Ayus ka lang kanina kapa ahh, kanina pa kita nakikitang umiling iling dyan para kang sira eh." Lumaki namn ang mata dahil sa sinabi nya inabot ko na ang bag nya tumaas naman ang kilay nya doon at ngumiti sakin ang lalong nag pairita at ang sama na ng timpla ko. "Sayo muna isabay mo na pagpasok mo may dadaan pa kasi ako eh." Wala na akong sinabi pa at tumango nalang at hinawakan nalang ulit ang kanyang bag. "Asan na sila." Tinuro ko nman kung saan ang mga pinsan naming nakatayo sa labas na kanya kanya ang ginagawa. Tumango nalang sya at tumingin sakin alam kong ano iyon kaya lumabas na ako at ganun na rin sya sa kabilang pintuan. "Buti naman at lumabas na kayo nohh pa vip talaga ang dalawang to bagay kayong magsama eh no."Sigaw ni el kahit medyo malayo ang distansya nya saming dalawa. Naglakad nalang ako palapit sa kanila at ganun na din ang ginawa ng lalaki at sabay kaming nakarating sa kanilang pwesto tumayo nman ang dalawang babae. " Mauna na kayo tine may dadaan pa kaming tatlo." Sambit ni nash. Kaya nagulat naman ang dalawa hindi na ako nagulat dahil baka ito yung sinasabi kanina ng lalaki sa akin nung nasa loob kami ng sasakyan. "Saan naman punta nyo." Dudang tanong ni tine at nag cross arms pa ng dalawang kamay sa dibdib. "Boys to wag na kayong mag-usisa." Sabat naman ni Ethan at tumayo na rin sa pagkakaupo. Tumango lang si Ian doon at ngumiti sakin kaya ngumiti ako pabalik! "Baka hindi kayo pumasok at mangbabae lang kayo isusumbong ko kayo kila tita at tito." Sagot naman ni tina nakisama na rin. Hindi na ako sumagot pa at inayos nalang ang paghawak sa bag ng lalaki at sinabit ito sa unahan ko dahil ang isa kong bag ay nasa likod. "Ngayon tanggap mo na dalawa talaga ang likod mo." Mapang-asar na sambit ni el. Sisipain ko sana sya kaso tumakbo ang gaga natawa nman ang mga kasama ko pati na rin ang lalaki dahil nakatingin na ako sa kanya ngayon, inirapan ko nalang kaya napahalakhak naman sya doon kaya ang sama na ng mukha ko dahil don at hindi na sila pinansin. "O sya sige una na kami may importante lang kaming gagawin." Tumango nalang kaming lahat tumingin nalang ako sa lalaki na ngayon nakatingin din pala sakin na naka ngiti umirap nalang ako at tinuro ang bag nya tumango nalang sya kumaway samin o sakin.assuming! Sabay kaming mga babaeng pumasok sa campus at tuluyan na silang nagpaalam na magkapatid kaya kami na nalang ni el ang natira dahil parehas kami ng floor. "Buti nalang at unti unti nagpapansinan na kayong dalawa." Sambit nya pero hindi nakatingin sakin tumango nalang ako sakanya."kayong dalawa lang kasi ang hindi nagpapansinan sa lahat eh parang nagkakailangan kayo, pero maintindihan ko naman dahil hindi naman talaga close simula ng mga bata pa tayo minsan ka lang kasi noon makisama samin eh si Elaine lang ang close mo samin ang kaptid ko." Natawa nalang ako sa sinabi nya kaya natawa nalang din sya sakin. "Mataray ka kasi tinarayan mo ako noon eh." Sambit ko na nakangiti natawa nalang lalo ako dahil ang sama na ng tingin nya sakin ngayon. "Hindi ako mataray ganito talaga ako-kapal nito akala mo sakin subrang sama ko na,ako kaya ang pinakamabait sa pagpipinsan." Natawa nalang ako at umiling sa kanya,na pa weh Naman ako dun kaya hinampas nya ako sa braso. "Sige na mamaya nalang ulit." Sambit nya at kumalas na sa braso ko dahil nauna ang room ko sakanya tumango nalang ako at kumaway na rin sa kanya, binati naman ako ng mga kaklase kaya ganun na lang ang ginawa ko ngumiti nalang din at umupo sa silid ko para iayos mamaya ang attendance hindi pa naman time kaya mamaya na lang hinanda ko lang. "Bakit dala mo yang bag ng pinsan mo lev." Sabay hila nya sa upuan na nasa harapan ko at umupo dun na na baliktad ang upuan at umupo sya sabay sandal sa sandalan ng upuan. "May dadaan pa daw eh."sambit ko at umupo na kaya pagkaharap kami ngayon. "Sabay sabay kayong magpipinsan pumasok."tumango nalang ako dahil ang daldal ata ng lalaking ito. Kiel "Lev." Medyo nagulat nman ako dahil sa boses na iyon na tumatawag sakin kaya dali dali akong bumaling sa kanya na ang sama ata ng timpla dahil kita sa kanyang mukha.hindi ko iyon pinansin! Tumango nalang ako at tinuro ang bag nya na nakalagay na sa upuan nya ngayon,pero ganun nalang kalakas ang gulat ko at hindi ko mapahayag na kung bakit ganito kalakas ang pintig ng puso na lagi nman kaming magkakalapit pero kakaiba ang nararamdaman ko,ng tuluyan syang nakakalapit. Tumingin muna sya sa lalaking kaharap ko ngayon at walang bakas na reaksyon eh. Nginitian naman sya ng lalaki pero hindi nya ito pinansin at tumingin sakin na parang may nagawa akong mali eh alam ko naman sa aking sarili na wala naman. "Pahirap ng ballpen." Na pa nganga nalang ako dahil sa sinabi nya at tinaasan ako ng kilay kaya na pa tango nalang ako at kinalkal ang bag ko upang kunin ang extra ballpen ko. "Oh heto kulay ano ba itim o blue." Sambit ko bumaling uli sya sakin at kinuha ang itim na ballpen at tumingin muna sa lalaki bago umalis at hindi na ulit tumingin sakin at umupo na sa upuan nya at tumingin sa harap pero tumingin ulit sakin at umiling iling kaya kumunot ang noo ko dahil dun. "May problema ata pinsan mo." Nakuha naman ng lalaking nasa harap ko ang atensyon ko kaya tumingin ako sa kanya at nagkabit balikat nalang dahil pati ako hindi ko din alam.mukhang malaki ang problema nito lumabas lang. "Levi."bigla nalang ulit ako humarap sa kanya at tinaasan ng dalawang kilay.bakit nanaman! "Yung blue na rin baka mawalaan ng tinta ito mamaya. " Sigaw nya dahil nasa upuan pa sya. Wala na akong nagawa at kinuha nalang ulit ang ballpen sa loob ng bag ko kaya nakita ko naman na pati rin ang lalaki nasa harap ko ay na wiwierduhan na din sa inaakto ng lalaking pinsan ko dahil kanina pa ito, ngumiti nalang ako sa kanya at tumayo na para hinatid ang ballpen na hinihiram nya kinuha nya naman ito at pinagikot ikot lang sa kamay. "Bago lang yang itim."sambit ko na sa ballpen na itim nakatingin sa kung saan nka lapag ang ballpen, hindi nya ako sinagot at kinuha ang ballpen at linagay sa bulsa nya. "Sino iyong kausap mo." Napangiwi nalang ako dahil hindi nya kilala ang prisedent ng silid. Bumaling naman ako sa lalaki nasa pwesto ko nakatingin na din pala sakin kaya ngumiti ako at tumango at binalingan ang lalaking ito. "Si pres hindi mo kilala ang tagal na natin ahh hindi mo parin kilala yung nag nominate sa akin nung-" "Ok."Yun lang sinabi nya at kinuha na ang cellphone nya sa bulsa at binuksan iyon at hindi na ko pinansin kaya nainis ako. bastos! "Sige alis na ako." Sambit ko Hihintayin ko sana na bumaling sya sakin at tumango pero wala man lang syang sinasabi at naka tuon lang ang atensyon sa cellphone nya kaya hindi ko nalang sya hinintay at umalis na hindi pa man ako nakakalayo kaso "Sabi ni el hindi sya makakasabay satin." Bumalik naman ako sa kanya. "Bakit daw." Tanong ko nakatayo parin sa gilid nya. "Bumalik kana sa upuan mo."Sagot nya kaya nairita ako kaya tumalikod nalang ako at nakita kong wala na doon ang lalaki kanina na kausap ko dahil nasa unahan na ito kausap ang teacher sa ibang section. Umupo nalang ako at linabas na ang attendance dahil time na wala ata wala pa ang aming guro baka malalate lang ng kaunti kany ganun. Naglinga linga naman ako sa mga kaklase ko na may kanya kanyang mundo at sabay tingin sa papel at sabay tingin ulit para tingnan kung nandito ba yung taong nasa listahan. "Sino ang secretary nyo." Napabaling nalang ako sa may pintuan ng room namin at nakita ang lalaking nakatayo doon nasa tansya ko ay nasa third year High na ata tinuro naman ako ng mga kaklase ko tumingin ako sa dala nya kaya lumapit ako. "Ikaw ba si Lenniana."Tanong nya sakin. Tumango nalang ako at pinakita nya ang libro na hawak nya. "Sabi ni ma'am mag sulat muna daw ng lecture dahil busy sila ngayon pati pahirap ng attendance para makita daw ni ma'am." Tumango nalang ako at kinuha ang libro tinuro nya yung mga susulatin namin kaya bumalik ako sa aking upuan upang kunin ang attendance sheet para ibigay. Nag thank you lang sya kaya ngumiti lang ako. Pagkaharap ko hindi ko alam na nakatingin pala sakin ang lalaki at tinaasan ako ng kilay kanya umiwas nalang ako at inayos na ang libro sa kamay ko at kinuha ang choke para magsulat na nakita ko naman kung pano gumalaw at kumuha ng mga notebook ang kaklase ko para din mag sulat.Ang daming susulatin kaya minsan ayaw ko talaga maging secretary dahil sa daming pinapasulat lalo na kapag may meeting ang mga teacher at mag iiwan ng tambak na susulatin. Tapos minsan lang magbigay ng copy para sayo kapag wala mag susulat ka pa sakin. "Alyana naman ang ulo mo kaya?" "Ano paki mo sa ulo ko?"Sigaw ni alyana. Hindi ko naman maiwasan na bumaling sa kanila. Umirap lang si alyana at nakita ko naman na tumayo si Rafael at naghanap ng bagong upuan at sa unahan ng pwesto. "Levi marami ba yan?" Sigaw ni kath. "Oo madami!" Sigaw ko nalang at pinagpatuloy ang pagsulat ko. "Levi pahiram muna ng ballpen mo?" Kahit hindi ako lumingon alam kong kaninong boses iyon hindi na ako humarap at tumango nalang. "Hindi ko mahanap!Ikaw na ang kumuha sa bag mo?" Sigaw ni ry. Papansin? Wala akong nagawa kundi ang lumapit doon at binababa ang hawak na libro at kinalkal ang aking bag. "Oh!" Sabay abot ko sa kanya ng ballpen basta nya lang ito kinuha at tiningnan lang ako at hindi nagpasalamat. Grabe your welcome? Salubong ng kilay ng naglakad ako pa punta ulit sa sa blackboard at nagsulat doon. "May attendance ba levi kapag nagsulat?" "Meron?" Tipid kong tugon. "Ipapasa ba?" "Oo for attendance daw?" Ani ko nalng at nagsulat ulit. "Galit ka-" "Oo-ay hindi puta?" Sigaw ko. Narinig ko naman ang tawanan nila doon. Bumaling naman ako kung sino ang nagsabi pero kahit hindi ko alam pero ang mata ko ay deritsyo agad kay ry na nakangising nakatingin sakin at kinagat pa ang ibabang labi nya. Yabang! Rinig ko parin ang tawanan pero hindi ko nalang iyon pinansin at nagsulat nalang. Bwisit talaga? Kaya minsan ayaw kong magsulat dito sa blackboard eh dahil napag tritripan ako. Nakabukaka pa na naka-upo at bukas ang dalawang butones ng pulo nya at ang necktie ng uniform ay hindi na ayus at ang coat ng uniform ay nakasuot na sa upuan sa likod. Anong klaseng istudyante ito. Pero kahit magulo ang buhok at hambog kong nakaupo na akala mo tambay baka hilingin pa ng lahat na sya nalang ang tambay dahil sa gandang lalaki namin. Umiling nalang ko doon dahil sa mga pinag-iisip ng utak ko at pinagpatuloy nalang ang pagsusulat kahit ang puti na ng kamay ko dahil sa pulbos ng choke na ito. Ito pa ang malaking problema dahil nakakadudumi sa aking uniform at sa aking kamay minsan pa ang kati. "Ang haba naman?" "Ng alin lecia?" "Bastos?" "Hahahha anong bastos dun nagtatanong lang kong anong mahaba eh? Naku ika-" "Hoy haze tumigil ka nga ang bunganga mo?" Sigaw ni Sandra. Natawa nalang doon ang mga lalaki at si sandra narinig ko din ang halakhak dahil sa sinabi nya. "Ayaw ko ng mag-aral aasawahin ko nalang si jenny?" "Sana all hahaha?" "Asa ka naman hindi ako pumapatol sa supot?" Sigaw ni jenny. Hindi ko alam pero natawa ako doon at kinagat nalanag ang labi ko dahil sa pagpipigil na halakhak pero rinig na rinig ko ang halakhakan ng mga kaklase ko ganun na din si jenny.Natawa din sa sariling sinabi. "Anong supot nakita mo?" Hamon ni Lance "Supot reveal naman hahahaha?" Sigaw nila Elizabeth? Kaya napuno lang na tawa ang classroom. "Wag na baka madidispoint ka lang?" Sigaw ni ry kaya nagtawanan. Hindi naman ako makatingin sa kanila at nanatili ang paningin sa blackboard dahil ayaw kong makita ang mukha ni Lance dahil baka matawa lang ako lalo. "Kunyari I'm busy?" Paringi ni Xyrie "Sorry inosente ako!Wala akong alam dyan huh! Ano ba ang supot?" Sigaw na ani ni carol. Mga siraulo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD