Chapter 01

3079 Words
"Cous!Tara sabay kana samin. Umiiwas ka ba?" Sigaw ni cristine sa labas ng bakuran namin, naka uniforme na silang magkapatid. Si cristina na ngumiti sakin at nagyaya na rin kaya natawa nalang at ngumiti na rin at nag wait sign sa kanila sabay naman silang tumango sa pinahayag ko. Bakit naman ako iiwas? Mga saraulo talaga? "La sabay po ako kila tine."Sigaw ko pagkapasok ko sa bahay! Bumaling naman si lola sakin at naglakad papalit sa pwesto na may dalang baonan. "O sya sige mag-ingat kayo,oo nga pala heto ang baon mo baka nakalimutan mo nanaman."Sambit nya at binuksan ang bag ko na nakapatong sa mesa sa sala."Ay oo nga pala magpapasundo kaba o sasabay ka ulit sa mga pinsan mo iha." Nag-isip muna ako bago nagsalita. "Baka sumabayan nalang ako la." Tango tango naman sya sa sinabi ko at tuluyan ng sinara ang bag ko at inabot sakin kinuha ko naman ito at ngumiti ng kay tamis sakanya, ngumiti naman ito pabalik sakin. "Salamat la." Tumango nalang sya at ngumiti sakin. "Unang araw mo sa high school iha huh,iba na ang mga nakakasalamuha mo doon kilatisin mo ng mga kakaibiganin mo at ang iba sa kanila ay hindi totoo jusko." Natawa nalang sa pahayag nya na parang ang laki ng problema nya sa buhay. "Anong hindi totoo la."Natatawa kong sambit kumunot naman ang noo nya dahil don at nagpamaywang sa harap ko. "Jusko mga plastic ba alam mo na." Humalakhak nalang ako sa tugon nya at umiling iling tinuro nya pa ako ng walis tambo at tinaasan ng kilay kaya lalo lang ako natawa sa reaksyon nya. "Mauna na ho ako la." Lumapit ako sa kanya at nagmano pinagdilatan nya pa ako ng mata kaya tumawa nalang ako dahil alam ko na ang reaksyon na iyan, kilalang kilala kita la. "Mag-ingat huh." Tumango nalang ako at kumaway bago lumabas sa bahay at pagkalabas ko palang ng pinto nakita ko na kaagad ang dalawang kong pinsan na babae sa harap ng gate namin na kumakaway, ngumiti nalang ako dun. "Ano tara na." Bungad sakin ni cristina magkarating. "Hoy! Hinta-yin nyo ko sasa-bay din ako." nagulat naman kami dahil sa sigaw na iyon sabay kaming tumawa ni cristine dahil don dahil patakbo itong papunta samin, umirap nalang itong si cristina sa kawalan. "Ang haba kasi ng takong." mataray na pahayag ni tina kaya hinampas naman sya ng ate nya dahil doon. Ngumiti nalang ako sa kanya. "Buti nalang naabotan ko pa kayo mga cous."Bungad nya samin pagkadating.Hinihingal pa! "Buti nalang hindi nalang."Sabay irap ni tina at sabay sumakay sa loob ng van. Lumaki nalang ang mata ng babae at tinaas ang isang kamay upang pansampal sana sabay irap, at humarap samin. "Sasampalin ko na talaga ang kapatid mo na yan tine." Natawa nalang ang katabi ko at umiling iling, ngumiwi nalang ako at ngumiti tss! At sumunod na magkatabi kaming tatlo sa ginta ako dahil si tina sa tabi ng driver seat at naka headseat lang ito. "Naku feeling ko talaga maraming gwapo dun Mamaya eyy nakaka excite naman ang unang araw na to wala pang lesson nyan ehh." Tiling ani ni El. Ang gaslaw na akala mo kinikiliti sya! "Yan puro ka ka landian dyan mag-aral ka naman kaya ka nababatukan araw araw ni tita eh."Tine Natawa nalang ako sa sinabi ni tine sa kanya umirap naman itong isa at kinalkal ang bag nya upang kunin ang foundation.arte! "Atleast cous naka graduate ako noh." Mayabang na sambit ni el. Humalakhak naman itong katabi ko kaya natawa narin ako hahampasin nya sana kami ng salamin pero hindi nya tinuloy dahil mahal nya iyon. Mahal na mahal nya! "Baka naman naawa sayo si Sir Reyes ehh." natatawang pahayag ni tine kaya nakitawa nalang ako. "Hoy ang bully nyo pinsan ko ba talaga kayo."Sigaw nya sa pag mumukha namin. "Malay ko baka ampon ka?" Tine "Gago."El Natawa nalang ako dahil don sa sagot nya. "Nagtaka ka pa te." Sabat ni tina na nakatingin sa salamin, kaya lalo lang kaming tumawa ni tine dito pinaglakihan naman nya kami ng mata. "Epal."sagot nya sa nakababatang pinsan,kaya natawa na nalang kaming tatlo makisama na rin si manong samin, umiling iling nalang si tina at linagay ulit sa tainga nya ang headset. Hindi ko parin mawala ang ngiti kaya nung humarap ako sa kanya nagpanggap ako na wala na tinarayan nya lang ako kaya ngumiti ako ng tipid. "Anong oras ko kayo susunduin tine." Tanong ni manong sa pinsan kong babae kinalkal nya naman ang bag nya at may kinuhang maliit na notebook at binuklat iyon. "Alas 4 po sakto ang uwian namin." Sagot nya tumango naman kaming mga babae tumango nalang si manong. " Sige Mamaya na mga 3:40 dito na ako." Sambit nya nagulat naman kami dahil ang aga nya naman kung ganun. "Ayus lang po manong kahit mga lagpas na alas kwatro kasi baka titingin tingin din po kami dyan sa may park po."Sagot ni tine sakanya tumango nalang ang lalaki. "Sige kung yan ang gusto nyo." Tumango nalang kami at kumaway na bago umalis. "Tagal nyo ahh." Bungad samin ng nakakatandang pinsan na lalaki naka abang na pala silang apat dito nakatingin lang sila samin. "Syempre yung isa kasi dyan ang haba pa ng takong." Parinig ulit ni tina sa katabi ko umirap nalang Ito at ngumiwi. Hindi maka get over sa takong ni el. "Ikaw lev anong section ka." Tanong ni nash,ngumiti muna ako bago magsalita. "One kayo." Tumawa nalang sya bilang sagot sa tanong ko. "Parehas pala kayo nitong si ry eh." Sagot nya bumaling nman ako sa katabi nyang lalaki. "-Kayong dalawa lang ata ang one sainyo eh sumabay kana sa kanya para may kasama ka."Sambit ni nash sakin at binalingan kami ng tingin. Wala na akong nagawa kundi tumango nalang. Hindi kami close! "Mamaya sabay sabay tayong mag lulunch para masaya." Tugon ni tine kaya tumango nalang kami lahat. "Oh ano mamaya nalang ahh." sagot ni nash Tumango nalang si Ian bilang sagot at ngumiti sakin kaya ngumiti nalang ako pabalik. Nag nagtama ang mata namin ng lalaki hindi ko mapigilan ang kabahan alam kong naka titig lang sya sakin pero sabagay l,kaya ganito ang mararamdam ko dahil sya lang sa lahat ang hindi ko masyadong close sa lahat ng pinsan ko. Kahit magbatiin man lang noon nasa elementary kami wala man lang daan daanan lang, at hanggang tingin lang kami.. Wala kaming pakialaman sa isa't isa na parang nagkakailangan lang.hindi ko alam kung bakit! Hindi katulad ng iba kong pinsan na lalaki na normal lang kapag nakakasama ko sila pero sa kanya kakaiba natatakot ako at ang lakas ng pangamba ko at kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit ganito ang mararamdaman ko kapag nakakasama ko sya at pagkalapit kaming dalawa. Masyado din syang tahimik pero kapag wala naman ako at nakikita ko sya sa malayo,nakikita kong madaldal din sya at nakikitawa sa kanila kapag nandyan ako wala syang reaksyon minsan ang lamig nyang tumititig na parang ayaw nya sa presensya ko. "Mauna na ako." sambit ko dahil kami nalang ang natira dito dahil nauna na ang mga pinsan namin. Tumingin lang sya sakin kaya tumingin nalang ako at ipakita na wala akong pakiramdam na ganun sakanya at normal lang. Sige kumbinsihin mo sarili mo levi? Hindi sya sumagot at nakatingin lang sakin kaya lalo lang lumakas ang pangamba ko. Tumango lang sya sa sinabi ko at tumingin sakin at tuluyan akong iniwan dito bumaling ako sa likod nyang papalayo na sakin at hindi man lang nag atubiling bumaling ulit wala na akong nagawa kong hindi ayusin ang bag ko at sumunod na rin sa tinatahak nya dahil parehas kami ng patutunguhan na silid medyo malayo sya sakin, ang dami kong nakakasalubong na mga kapwa ko istudyante at nakakasabay may sa unahan ko kaya medyo na tatakluban ang lalaki dahil sa dalawang nauna sakin. Parang hindi kami magkakilala kung tutuusin. "Good morning class!I'm your adviser for this school year,I'm Rafael Fernandez."Bungad ng teacher pagkapasok nya sa aming silid nagsitanguan naman ang mga kaklase ako ganun na din ako. Ganun lang tango lang! Hindi magbabati ng good morning sir tulad sa elementary? Lumingon ako sa ibang upuan, sa hindi ko inaasahang dumapo ang tingin ko sa kanya na seryosong nakatingin din pala sakin, dali dali naman akong umiwas at hindi na ulit binalingan ng tingin ang lalaki. "Introduce yourself muna tayo tapos mag re-elect tayo ng magiging class officers dahil wala pa namang klase ngayon."Tumango nalang ako bilang pag sang ayon dun. Isa Isa na nagpakilala hindi ko na matandaan ang iba dahil hindi naman ako interesado hanggang sa lalaki na nakita ko syang tumayo sa silid nya at hindi na pumunta sa harap upang mag pakilala "Raige Yohan Aranjuez"Lalo lang ako kinabahan ng marinig ko ang boses nya naririnig ko naman ito minsan dahil kapag sa hindi inaasahang pagkakataon kapag kausap nya ang iba kong pinsan pero hindi ko alam kung bakit laging ganito ang aking mararamdaman ko. tumango nalang ang aming guro sa kanyang pahayag at umupo sya ulit hindi ako bumaling ng nagsalita sya dahil baka kung ano pa ang isipin nun. "Lenniana Vienne Salazar." Pahayag ko sa unahan nakita kong pano ngumiti ang ibang kong kaklaseng lalaki sakin hindi na ako ngumiti pa at nagpatuloy na sa upuan ko. Nakakahiya! "Ok let's proceed sa class officers." Sagot ng teacher namin maraming ng nominate na maging prisedent tumataas nalang ako ng kamay kapag bubuto kahit hindi ko alam kong tama ba silang butihin. "Ok secretary." Sigaw ni sir kanya kanya nman tumaas ng kamay ang mga kaklase ko hindi na ako nakinig pa at tumingin nalang sa bintana. "Miss Salazar diba?"Nagulat naman ako at kita kita ko kung pano ngumiti si sir sakin dahil yata sa naging reaksyon ko. Pinapahiya ko ang sarili ko sa unang araw ng pasok? Tumango nalang ako dahil dun. "Gusto nilang ikaw ang maging secretary ikaw ang nanalo sa butuhan."Kinabahan naman ako don oo alam kong nong nasa elementarya ako alam kong lagi na ako ang secretarya pero kasi dito ang dami namang maganda ang sulat eh nakita na ba nila ang sulat ko para nalaman na ako ang gusto nilang maging secretary. "Sir sya nalang po maganda na po tapos maganda din ang sulat nya nakita ko kanina yung nahulog yung notebook nya po,bagay na bagay sya." Sagot ng lalaki sa likod ko humarap aman ako sa kanya at ngumiti ito sakin hindi ko sya nginitian pabalik dahil ang akward naman. sure ka dyan! " lSigurado ka dyan?"He answered coldly. Rage Yohan? Dahil sa boses na iyon lalo lang ako na wala sa sarili dahil sa kakaunting pahayag na iyon ay lalo lang ako kinabahan at parang anong oras ay aatakihin ako sa puso dahil sa lakas ng pintig nito. Nakatingin na pala si sir sakin kaya ngumiti nalang ako at tumango na dahil ayaw kong mapahiya ang lalaki na pinupuri ako. Hindi ko maiwasan na tumingin sa lalaking nasa likod ko ngumiti sya ulit sakin kaya ngumiti ako pabalik sa kanya. Close na tayo? Pero sa hindi ko nman inaasahan ay nahagip ko ng tingin ang lalaki ang dahilan kung bakit ako palagi nalang aatakihin hindi nya ako pinansin at tumingin nalang sa unahan. Sungit? Kaya tumingin nalang ulit ako sa unahan. "Ikaw na ang secretary Ms. Salazar ikaw na ang mag sulat dito sa unahan kapag natapos na pakilista ng mga ito at binigyan kita ng notebook para sa mga attendance ayus ba?" Tumango nalang ako at lumapit na doon at kinuha ang choke para magsulat na. Tumawa ako kapag nagbubutuhan at nakikisama sa rin dahil ang iba ayaw at napipilitan lang dahil sa sila ang na nominate at nanalo wala silang magagawa. "Ok class see you tomorrow." Sabi ni sir pero bago iyon. "-Miss Salazar halika samahan mo muna ako sa aking office para maibigay ko na sayo ang notebook para sa attendance ng mga kaklase mo." Pahayag nya tumango naman ko at kinuha ang ballpen. "Sabay na tayo."Pahayag ng lalaki na nasa likod ko ngumiti nalang ako at tumango sakanya sya pala ang prisedent namin. "Anong pwede itawag sayo?Ang haba kasi ng pangalan mo eh." Sambit nya habang nagliligpit din ng gamit nya. "Kahit levi na din yun ang tawag sakin eh." Tumango nalang sya at ngumiti sakin kanya ngumiti ako pabalik. "Sige ako naman Kiel nalang." Tumango nalang ako sa sinabi nya. Di ko tinatanong? Char! Sabay kaming lumabas ng room pero hindi pa ako nakakalabas. "Levinsabay ka samin mag lunch sabi nila nash,sasabay na ako sainyo." ry Nakita nya ata na nagulat ako kanya tumaas ang kilay nya tumango nalng ako bilang pagsang-ayon nakita kong naka kunot noo ang kasama ko. "Pinsan ko."Sambit ko ngumiti nalang sya at tumango sakin. "Pagpinsan pala kayo hindi halata ahh hindi kayo close." Umiling nalang ako bilang pagsang-ayon ulit sakanya natawa nalang sya sakin. Pati na rin ako ehh sabay naman kaming lumaki pero hindi ko alam kung pano kami naging mag pinsan dahil hindi ko maman sya ka apelyido at hindi rin ako nagtatanong sa buhay nya kapag family reunion hindi ko naman sya nakikita pati na rin ang kanyang pamilya pero ksama namin sya kapag minsan sila tina at tine ang ka apelyido nya dahil daw ang tatay ni tine at nitong lalaki ay magkapatid, kaya magka apelyido silang dalawa. Pero sabi ni lola pinsan ko raw sila kaya magpipinsan kami sa laki ba naman ng angkan namin at kilala kami dito sa probinsya namin hindi na ako magtataka kung marami akong pinsan na hindi ko kilala dahil pati ako naguguluhan din masyadong misteryoso ang aming mga angkan ehh. Sa dami kasi? Sabay sabay kaming tatlo na naglakad patungong office ni sir ako nga lang ang pumasok sa loob nagpaalam naman ako sa dalawa yung isa lang ang ngumiti at yun isa nakaupo lang dun sa may upuan sa tabi ng maliit na puno at naka taas pa ang paa sa mesa nito, ngumiti ako dito pero hindi naman nya ako pinansin at linabas nalang ang kanyang cellphone. sungit! Pagkalabas ko hinanap ko kaagad yung lalaki na nakilala ko palang kanina pero wala na sya kaya luminga linga ako sa paligid pero hindi ko na sya nahagilap. "Wala na sya." Napatalon naman ako dahil sa gulat dahil sa lalaking sumulpot sa likod ko nakahawak parin ako sa aking dibdib dahil sa kaba. Kinunotan nya maman ako ng noo dahil dun at inalis na ang kamay ko sa aking dibdib. Tumango nalang ako bilang tugon sa kanya wala na din syang sinabi at naglakad na pauna. Ngayon ko lang nakita ang kabuuan nyang katawan medyo nag iiba na nakikita kong pa unti unti na syang nag mamature dahil alam kong matangkad na sya noon lalo na ngayon lalo syang tumangkad dati mas matangkad ako dito nong nasa grade 2 ata kami tapos nung grade 5 na abotan nya n ako hanggang sa ng grade 6 na tumangkad na sya sakin lalo hanggang leeg nya nalang ako noon ngayon napansin kong taga balikat nya nalang ko. Tumatangkad ba ako parang hindi ehh! Sumunod nalang ako sa kanya hindi gaano kalayo ang agwat naming dalawa naka pa pulsa pa sya. "Mabuti nman at nandito na kayong dalawa kanina pa kayo ahh."Bungad samin ni el magkarating namin hindi ba sumasakit ang paa nya sa takong na iyan. Hindi na ako sumagot pa dahil wala naman ako sasabahin pati hindi na din sila nagtanong yung kasama ko tumabi na sa nakakatandang lalaki naming pinsan. At tumayo tatayo na rin Sana ako kaso- "Ako na ang bibili." Sambit nya sakin at tinaponan ako ng tingin tumango nalang ako at ilalabas nasa ang wallet ko pero umalis na sya at hindi na ako hinintay na kuhanin ang pera ko. Hinila nalang ako ni El at pinaupo na lang. "Hayaan mo na libre ka daw nya."El Tumango naman ang mga ksama namin.Wala akong nagawa kong hindi hintayin sya. "Buti naman at nagkakasundo na kayo parang hindi kayo magkadugo ahh walang pansinan noon ko pa yan na papansin noong mga bata pa tayo nag kakailangan kayong dalawa."mahabang pahayag ni tina samin. Sure ka? Tumango naman ang lahat bilang pagsang-ayon sa sinabi ng babae. "Sabagay si ry yun,ganun talaga iyon masungit talaga sa iba walang pakialaman sa iba ehh pero kapag nakasundo mo nmn siraulo." Sarcastic na sambit ni nash. Sabay kuha ng fries ni tine hinampas naman nya ito kaya natawa kami. paraparaan din ehh!! "Pero gurl,I'm super gulat talaga sya ang nag persmode noh?Ang sungit pa naman nyan!" tine Ngumiwi nalang ako dahil dun dahil alam kong akong nauna na kinausap ko sya. Hindi naman big deal yun? "Ako! Ako pa ang nangulit dyan snobber parang hindi ka dugo amputa."Sambit ni Tina natawa nalang kami sa sinabi nya. Pero tama nagulat nga ako kanina dahil kinausap nya ako nung nasa gate pa kami hindi man lang nya ako kinausap at tumango lang at tumingin at iniwan ako! Pero kanina sa room nagulat ako na sasabay sakin pero sabagay natural na iyon dahil yun naman ang usapan namin magpipinsan. Pero hindi ko alam na hinintay nya pa ako sa labas ng office at ngayon nman linibre ako. "Basketball tayo bukas bro."Ian Kumakain na ako dahil sa binigay nyang burger at fries at may kasama pang juice nagulat nga ako at may isang pang dairy milk na chocolate pano nya nalaman na gusto ko nito. "Dayo tayo para maganda."Sabat naman ni Ethan tumango nalang ang lalaki at tumingin sakin umiwas nalang ako at kumain nalang. "Ahmm what time ba?" Ry Bumaling na sa mga kausap nya. Englishero? Tahimik lang kaming mga babae dahil tungkol sa basketball ang pinag uusap nila,si El na dampot na dampot lang ng fries sakin kaya minsan napapatingin ang lalaki sa gawi naming dalawa na nakakunot ang noo,tumawa lang ang babae sa reaksyon nya at pinagpagpag ang kamay sabay punas ng tissue. "Naghihingi lang may favoritism na dito."Sambit ni el Kumunot nman ang noo ko dahil dun kaya lalo lang natawa ang babae sakin at umiling si tina at umirap nalang at kumain si tine na naka bungisngis lang. "Bumili ka kasi ang dami mo ng nakain eh!kung hindi dito sakin sa kapatid ko di kaya dito kay nash at Ethan ngayon naman kay levi puro ka dampot bili bili din kasi,sige nga sinong hindi magagalit dun sya ang bumili nyan para kay levi." Pahayag ni tine at umiling pa sakin. Umirap nalang ang babae sa tabi ko at ngumiti at binuksan ang maliit na wallet nya upang mag alcohol. arte
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD