chapter 15

1598 Words
Third person pov Hiyang-hiya si Anna kay Nonoy dahil sa ginawa niyang pamamaliit dito. Buong gabi ay halos hindi siya makatulog dahil sa pag-alala. Iniisip niya kung paano humingi ng tawad sa lalaki. Nauna pa si Nonoy kaysa sa kanyang mga kasamahan. Sa mabilisang paraan ginagawa niya ang kanyang mga trabaho. Sa dalawang oras nakagawa na siya ng 2,000 monay. Ganun katulin ang kanyang mga kamay. Basta oras ng trabaho focus lang sa trabaho. Kapag oras naman ng laro dapat oras lang ng laro. Kapag oras ng babae, focus lang sa babae haha joke lang. Natawa tuloy siya sa kanyang mga naisip. "Noy, good morning! Pwedi ba kitang isturbohin saglit?"mahinang sabi ng amo ni Nonoy. "Oras ng trabaho ma'am, hindi ko ugali ang nakipag maretesan kapag nasa oras ako ng trabaho. Kapag tapos na ang oras ko saka nyo nalang po ako kausapin."prangkang sabi ni Nonoy at hindi man lang tumingin sa kausap. Kung ang isang Buenvenida ang nagalit o nagtampo asahan mong daig pa niya ang may menopausal syndrome. Hindi mo makakausap kahit gaano mo ipagpilitan na kausapin. Patuloy parin si nonoy sa paggawa ng monay. "Good morning tol, ako talaga ay sobra nang naumay sa mga monay. Naisipan kong sa dagat naman kaya ako mag-aapply ng trabaho. Para manisid naman ako ng kabibi at tahong. Umay na umay na talaga ako sa kakahimas ng mga monay. Alam mo bang natakot na akong mag-asawa Tol, baka kasi maging sanhi ng aming hiwalayan ang pagkaumay ko sa monay. Baka hindi na ako kiligin sa monay ng magiging asawa ko. Baka nandidiri na akong himasin ang kanyang monay."sabi ng pasaway na Franco. "Aray! Grabeh ka naman tol nahiya ka pa talagang batuhin ako ng tray. Sayang yung monay oh nalaglag sa sahig."hirit parin ni Franco. "Tumahimik ka kasi, hindi ko alam kung kulang ka satulog ug kulang ka sa almusal. Nang ako lang ang mag-isa dito ang dami ko nang na bake. Ngayong narito kana ay tiyak na magiging mabagal na ang kilos ko dahil sa kadaldalan mo. Puro ka kuda wala ka sa gawa,"sabi ni Nonoy. "Ouccchhh ang sakit naman ng mga sinabi mo Tol. Masakit pa sa break-up. Masakit sa damdamin na ako ay hindi mo na kakailanganin. Almusal tayo kaibigan kong tunay, Sa malamig na Umaga mainit na kape't monay. Ito'y gawa ni Nonoy, At hindi gawa ni nanay. Loob mo'y mapapalagay, At tiyak na nakakawala ng lumbay. Mamaya pa magkakanin, Ngayon pa lang magsasaing ng kanin. Wala pa ring uulamin, Dahil bilhin pa ang lulutuin. Kape ko'y may cream at gatas, Naisip kong pampalakas. Bago man tayo lumabas, Sa gutom ay di manigas. Kape't monay sa Umaga, Palaman ay kwentohan pa. Bago sa trabaho mag-umpisa, Tara at mag-aalmusal muna kakusa."kape't monay na tula ni Franco. "Tol, bago mag-init ang ulo ko dumestansya ka muna. Tumataas ang pressure ng dugo ko sayo eh. Maglinis ka muna ng mga kagamitan o di kaya'y mag repack ka nalang ng mga monay para mai-deliver na ng driver natin yan."saad ni Nonoy. Mabuti naman at nakinig ang kaibigan. Doon naman ito sa mga nag repack nanggugulo. Nakakawala ng pagod ang kakulitan ni Franco. Wala lang talaga sa mood si Nonoy para makipagsabayan sa asaran. Makalipas pa ng isang oras ay natapos na rin ni Nonoy ang kanyang trabaho. Umupo muna siya sa Mesa para kumain ng kanyang almusal. Nasanay na siya na kapag tapos na niyang gawin ang unang order. Mag-aalmusal muna siya bago babalik sa paggawa ng second order. "Kanin at adobo ang nakahain sa lamesa. Natatakam siya sa kanyang nakita dahil napaka ganda ng kulay nito. Agad siyang maghugas ng kamay at nagsandok ng kanin. Nagsalin siya ng mainit na sabaw at kumuha siya ng tatlong pirasong adobo. Ang mga natira pa ay sa mga kasamahan na niya iyon. Ninanamnam niya ang sarap ng adobo. "Magaling na tagapagluto ang bagluto nito"anas ng kanyang isip. Pagkatàpos niyang kumain ay hinugasan niya ang kanyang platong ginamit. "Masarap ba ang adobo Noy?"sabi ng babae na nakatayo sa hamba ng pinto. Nagulat pa siya sa biglang pagsulpot nito. Itong malditang amo niya ay naghintay talaga para makausap siya. "Kayo po ang nagluto ng adobo? Masarap ang pagkaluto ninyo, yung iba tinira ko para sa mga kasamahan ko para matikman din nila."sabi ni Nonoy. "Peace offering ko sayo yan. Sorry sa mga maling nasabi ko sayo. Sorry kong naging mapanghusga ako. Nakakahiya pala ang ugali ko, the whole night I realized na sumusobra na pala ako. Ipagpaumanhin mo sana Noy kung naging harsh ako sayo."sabi ni Anna. "Okay lang ma'am at least alam nyo na nagkamali kayo. Ang pagpakumbaba ninyo ay nagpapakita ng katapangan. Pasyensya na rin po kayo sa aking mga nasabi. Prangkang tao lang po ako at hindi sanay sa paligoy-ligoy na sagot."sagot naman ni Nonoy. "Oo nga nakita ko kung gaano ka katapang sumagot. Ano friends na tayo?"nakangiting sabi ni Anna. "Sige po ma'am!"sang-ayon ni Nonoy. "Since friends na tayo huwag mo na akong i-ma'am huh,"reklamo ni Anna. “Okay po ma'am ay este mahal, este Anna pala.”biro ni Nonoy. “Ikaw talaga pilyo ka pala,”si Anna. “Sige tatapusin ko na trabaho ko dahil may praktis ako mamayang hapon. Malapit na ang tournament kaya kailangan na puspusan ang insayo.”saad pa ni Nonoy “Si daddy ko ba ang couch mo? Magaling din ako sa bilyar gusto mo one on one tayo?”aya nito Kay Nonoy. Mahilig sa bilyar ang ama kaya malamang magaling din sa bilyar ang anak. Mukhang interesting ang laro ng dalawa. Tinanggap naman ni Nonoy ang hamon ni Anna. A good player plays well in his own conditions - a great player plays well in all conditions. Mistakes are part of the game. It's how well you recover from them, that's the mark of a great player. A good player is defined by their commitment, work ethic, and ability to perform consistently. They may also possess the qualities of a good sport, demonstrating grace under pressure and handling losses with dignity. oooOooo Kinahaponan sabay na sina Nonoy at Anna na pumunta sa bilyaran. Excited na silang makalaban ang bawat isa. “Oh anak nandito ka pala! Kumusta ang pamamahala mo sa bakery ng mommy Rosa mo.”Tanong ng ama ni Anna. “Hi dad, Bilyarista mo magaling na chef ko kaya maayos ang takbo ng bakery.”sagot ni Anna sa kanyang ama. “Huwag mong sungitan yan hija dahil may nakalapit kaming tournament. Si congressman ang sponsor kaya kailangan naka-focus ang mga bata ko. Kilala kita sa pagiging maldita mo.”si Lucas. Nailing nalang si Anna sa sinabi ng kanyang ama. Isa sa dahilan na hindi ito makapag-asawa dahil sa katarayan ng anak. Kapag may ipinakilala ang ama ni Anna sa kanya hindi matigil ang kanyang tantrum. Masaya naman si Lucas sa pamamahala ng kanyang negosyo kaya di na nito namalayan na nagdadalaga na pala ang kanyang nag-iisang anak na babae. Minsan kapag nami-miss niya ang s****l life nag-rerenta nalang siya ng babae pero pinili niya ang malinis. Hindi naman siya nababahala na baka maanakan ang mga ito dahil siya mismo ang nag-iingat. Uminom siya ng gamot para hindi makaabala pa sa sino mang babae. “Dad, mabait naman ako, natauhan na,”sabi ni Anna. “Oo boss dati namaligno siya kaya masama ang ugali. Nauntog yata sa panaginip kaya naisipang magbago.”biro ni Nonoy. Sabay na nagtawanan ang mag-ama sa banat ni Nonoy. Inumpisahan na nila ang laro, hanga si Nonoy sa babae dahil may potential ito sa larangan ng larong billiard. “Boss tatalonin ko na ba ang iyong prinsesa? Baka umiyak at maglupasay pa ito dito sa bilyaran,”biro ni Nonoy. “Hoy boknoy! Aba sumusobra kana po. Huwag mo akong minamaliit dahil-- “Oo na madam di kita pweding maliitin dahil malaki kana.”putol ni Nonoy sa nais sabihin ni Anna. “Dad, napakayabang talaga nitong bagong recruit mo. Kapag nanalo ito sa tournament ninyo. Bibigyan ko ng scholarship mga kapatid nito,”challenge ni Anna. “Ayos madam, kapag naipanalo ko ang tournament Ilan ba bibigyan mo ng scholarship? May pitong kapatid pa naman akong sinusuportahan madam.”sabi kaagad ni Nonoy. “Hoy huwag ka namang abuso, dalawa lang full scholarship ko kapag naipanalo mo. With trophy huh t-r-o-p-h-y,”saad pa ng babae. “Ahhh t-r-o-p-h-y, di ba pwedi bata nalang gawing trophy?”pang-aasar pa ni Nonoy. “Umayos ka Buenvenida, alalahanin mong nasa harapan ka ng ama ko,”kontra ni Anna. “May mali ba sa sinabi ko? Boss mali po ba yung sinabi ko?"tanong ni Nonoy sa ama ni Anna. Nakangiti lang ito habang pinapanuod ang dalawang nagpaligsahan kung sino ang mananalo sa bilyar. Natutuwa si Lucas dahil nakikita niyang comfortable si Anna kay Nonoy. Hindi kasi ito nakikihalubilo sa mga lalaki kapag umuwi ng probinsya. “Pag-igihan mo ang insayo Noy, alam mo naman na next week na lalaban sa tournament ang ating kuponan. Inaasahan ko ang iyong performance dahil ikaw ang bagong member sa aking team this year.”paalala ng ama ni Anna kay Nonoy. “Areglado boss!” “Ayusin mo ang laro Noy, kapag natalo ka tatanggalan kita ng trabaho.”nakangiting sabi ni Anna. “Anak ng pating Anaconda, pinag-iinitan mo na naman ang trabaho ko. Sige ka sino ba ang mawawalan ng gwapong panadero? Mawawalan ka ng best chef ng monay,”sagot ni Nonoy. “Pag-asawahin mo na itong prinsesa mo boss. Mainitin ang ulo eh, malapit na yata mag- menopause,”dagdag pa ni Nonoy. “Alangya ka Noy!”si Anna...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD