Nonoy pov
The tournament!
This is it pansit ang araw ng pakikipagtunggali. Nakahanda na ako para sa unang laban na gaganapin. Maaga akong gumising at naligo para maging fresh ang aking pakiramdam. Medyo kinakabahan ako dahil una ko itong laban.
“Gwapo natin ah, halatang excited sa competition mamaya,"si Anna.
Duda na ako sayo te, crush mo yata ako eh. Sabihin mo lang para maituloy na natin sa ligawan available pa naman ako.
“Hoy ang kapal ng mukha mo payatot ka. Pinupuri ka lang eh, tinataas ka lang iihian mo na ako sa ulo.”
Hoy ka rin te, bakit naman kita iihian sa ulo? Mukha ba akong bangag at pagkamalan na iniduro iyang ulo mo.
“Buang ka Noy, ang aga-aga binubwesit mo na ako. Natuwa pa naman ako dahil maganda ang gising ko.”sabi pa niya.
Ah kaya pala nagwagwapuhan ka sa akin dahil dumaan pala alo sa panaginip mo. Dahan-dahan lang ate dahil baka mahulog ka at hindi pa kita masalo.
“Ay kabwesit ka ngang impakto ka kasalanan ko talaga kung bakit nakipagbati pa ako sa'yo. Naku naku Noy, may sademonyo ka pala. At huwag mo akong ma-ate ate uy dahil dalawang taon lang naman ang agwat ko sayo”sabi ni Anna.
At bakit hindi aber? Bakit yung kambal na isinilang sa parehong araw kung sino ang naunang lumabas tinuturuan na ate o kuya ang itawag. Tayo pa kaya na ang laki ng agwat, di biro ang dalawang taon ate Anna. Masarap pa lang bwesitin ang babaeng ito.
“Errrrrr nakakainis ka talaga, daku man ulo mo pero tubig man sulod haw,"inis niyang sabi sabay alis.
Napahalakhak nalang ako sa kanyang reaksyon.
“Ang aga naman tol, binubwesit mo bossing natin. Naglaro lang kayo ng bilyar kahapon close na kaagad kayo. Lingonin mo ex mo selos na selos na sa ginagawa mo. Umarangkada na ang mapagmahal na bilyarista. Good luck nga pala sa pinaka-unang tournament mo ngayon tol. Manunuod talaga ako para may taga-cheer sayo. Huwag kang kabahan para makuha mo ang premyo. Balita ko ang magiging champion ay ilalaban sa NCR tol. Mukhang ito na ang daan para sa iyong tagumpay. Huwag mo akong kalimutan huh, kahit maging alalay mo lang ako ay sapat na.
Tol, sanlibong salita man ang dumaan,
Saandaang liko man aking turan.
Sampung ulit man itong dulaan,
Iisa man ang maging kalabasan.
Sana huwag mo akong kalimutan,
Kahit sa malayo lang naririyan.
Kahit bulong na lamang ang lahat,
Kahit bago pa lang ang mga sugat.
Patuloy akong magiging masaya para sa iyo,
Para sa akin patuloy akong magiging masaya.
Para sa dulong ating naatim.
Sana huwag mo akong kalimutan,
Dahil sobra ang kalungukutan.
Sa'yo binuhos sobrang pag-ibig,
Ngunit di naging sapat upang
di maghilig.
Patuloy akong magyayabong,
Sa iyong ala-ala at pag-ibig.
Patuloy akong magyayabong,
Kahit binuhos sa apoy ang tubig.
Nakamit man ating pangarap,
Ngunit patalikod at 'di paharap.
Tatandaang sobra kang minahal,
Na hihingi pa ako ng tiyansa
sa maykapal.
Patawad sa lahat ng kakulangan,
Sa larangang ito'y wala pang
muwang.
Di pa naman huli ang lahat
sinta,
Ngunit sa ngayon ay 'di muna.”baliw na sabi ni Franco.
“Hala ka Franco ano yong narinig ko? May lihim pala kayong dalawa? LGBT community team pala kayo?”sabat ni Anna.
Oh nanghihinayang kana naman dahil wala kanang pag-asang ligawan ako dahil hindi tayo talo dear. Huwag kang mag-alala dahil pagkatapos ng unos may bahaghari. Ipagdasal mong manalo ako, ipapanalo din kita dito sa aking puso.
“Pinagsasabi mo Buenvenida? Bangag ka ba? Diyos ko po mabuang na akon sa inyong gipanghambal.”sabi pa ni Anna.
Kapag nabaliw ka sa akin ka lang mabaliw. Pangako sasamahan kitang maglakad habang may kayang kinaladkad.
“Errrrr Ayoko na sa earth!”gigil na sabi ni Anna sabay alis.
Kami naman ni Franco ay sabay na napabulanghit sa pagtawa. Talagang napipikon siya sa kalokohan na ginawa namin.
“Delikado ako nito tol, baka bukas wala na akong trabaho dahil pinagkaisahan natin si Ma'am Anna.”nag-aalalang sabi ni Franco.
Huwag mong isipin ang pagsesante niya sayo sa trabaho. Hindi naman ganun kasama ang malditang yan. Napipikon lang siya dahil pinagtulungan natin.
Sige na maghanda na ako para sa tournament mamaya. May ibinigay sa akin na bagong taco si boss Lucas. Ito daw ang aking gagamitin sa una kong laban mamaya. Sana palarin ako panginoon at mapabilang sa maging kalahok na lalaban sa NCR.
Sana ito na ang umpisa ng akin pangarap. Sana matupad ko na ang matagal kong inaasam na tagumpay. Sana ito na ang daan para maiahon ko sa kahirapan ang aking pamilya.
“Puro ka nalang sana, sana, sana kaloka ka Noy,”biglang sabat ni Anna.
Maniniwala na talaga ako na crush mo na ako te. Para kang kaboteng pabigla-bigla nalang sumusulpot. Huwag mo akong pagsamatalahan te, sige ka marupok pa naman ako.
“Ogag, nasa linya daddy ko kakausapin ka daw,”sabi niya sabay sapak sa batok ko.
Ang sakit noon ah, para ka talagang boksingera ang bigat ng kamay mo te. Hello boss, paki enroll nga sa boxing arena itong prinsesa ninyo. Bugbog sarado kami kapag napalapit sa kanya eh.
“Hahaha pagtyagaan mo yan Noy, sayo lang yan komportable kaya hayaan mong maglambing sayo.”sabi ni boss Lucas.
Ah matigasang lambing pala ito boss?
“Nga pala magbihis kana at nang madaanan na kita dyan. Sabay na tayong pupunta sa lugar kung saan dinadaraos ang bilyar.”sabi ni boss.
“Okay boss areglado!
Madam heto na po ang phone nyo, salamat.
“Pinag-ready ka na ni daddy ko? Wait sasama ako eh, maghahanda na rin ako. Huwag nyo akong iiwan kundi malalagot kayo sa akin.”banta pa niya.
Hindi kita iiwan te, hindi baling malagutan ng hininga basta ikaw ang dahilan. Nandito lang ako at mag-aabang sayo, nakahandang ialay ang aking puso. Ate, gusto kong humigop muna ng kape. Pwedi po bang nakahingi ng isang tasa?
“Sa malamig na umaga,
At nag yeyelong gabi.
Nais ko sanang humigop ng mainit na kape.
Sa nag babagang tanghali,
At mainit na hapon.
Kape namang malamig dulot ng yelo.
Asukal , gatas o kahit pa barako
Nag iiba ang lasa kapag ikaw ang kasama ko.
Sa malamig na umaga o kahit mainit na hapon,
Habang nag kukuwento ka kasabay ng pag halo.
May kasamang saya kapeng ihaharap mo.
Kagaya ng buhay natin pareho,
May matamis , mapakla at kahit pa mapait.
Basta mula ito sa iyong puso,
Ay lugod kong tatanggapin.
Tanggapin mo sana itong kape ng buhay,
Sapagkat itong ihahandog ay may tunay na timpla.
May kapaitan mang taglay,
Hindi mawawalan ng tamis ang isang tasang kape ng buhay.
Kaya sinta, nawa'y samahan mo ako,
Sa umaga , tanghali , dapit hapon at gabi.
Dahil ang kapeng iaalay ay kape ng buhay,
Na may saya , lumbay at sakit
Ngunit pinatamis at hinalo ng tunay na pag-ibig.
“Areeee vahhhhh bravahhhh Nonoy Buenvenida is that you? Ang galing mo naman palang gumawa ng tula. Sana all!!!!!
Huwag ka nang mangisay dyan sa kilig te. Bilisan mo na ang pag-aayos baka mapagalitan pa tayo ng ama mo senyora.
“Ang oa mo Noy, bakit ka pa kasi bumanat ng tula. Pakidala nga din ng gamit ko, kapag may tyansa sasali ako sa competition ng women's division.”sabi ni Anna.
Wowww may balak palang sumali kaya atat na makapunta sa billiard competition. Akala ko ichi-cheer mo lang ako tapos may sariling hidden agenda ka rin pala.
“Hahaha huwag ka kasing masyadong umasa sa maling akala Noy, hehehe joke lang.”sabi niya sabay alis.
Siguradong mananalo ito mamaya dahil may angkin na talento naman kasi si Anna.
Okay na ang mga dadalhin ko, binitbit ko na rin ang gamit ni Anna at inilabas sa balcony. Hinihintay ko nalang ang pagdating ni boss Lucas.
“Tol, hahabol nalang ako hindi naman siguro mag-uumpisa kaagad di ba? Tatapusin ko muna ang tatlong order.”sigaw ng aking kaibigan na si Franco.
Okay tol, ikaw ang bahala basta mag-iingat ka lang sa byahe.
Peppp, peeeppp....
Madam bumaba kana dyan nandito na ang daddy mo. Huwag kanang mag make-up pa dahil hindi pageant ang sasalihan natin.
“Kabwesit mo Noy, hindi naman ako nag-make up eh. Hinanap ko ang wallet ko dahil nakalimutan ko Kung saan ko nailagay.”sabi niya.
Ayownn ililibre pala kami mamaya kaya hindi pweding kalimutan ang wallet. Ano te nahanap mo wallet mo?
“Nahanap ko na, kaya arat na!”sagot pa niya.
Ang sama ng ugali oh, lumabas ng bahay na hindi binitbit ang gamit niya....