Nonoy pov
Maganda ang naging takbo ng laro, at pinalad na mapasama sa kalahok na lalaban sa NCR competition. Tama ang aking hinala na pati si Anna ay sumali sa women's billiard competition. Katulad ng kanyang ama na magaling gumamit ng taco at tagalang focus sa punterya ng bola para i-shoot.
Napaka angas gumalaw ng isang Anna Ledesma. Kapag babae talaga ang naglalaro ng billiard hindi maiiwasan ng mga kalalakihan na napahanga ng husto. Siguro dahil ang billiard ay sport ng mga kalalakihan.
Mabuti nalang at nauna kong natapos ang aking laro kaya heto ako ngayon at nakinuod sa laro ni Anna.
“Tol, alam mo bang crush ko yan. Nainggit nga ako eh sa closeness ninyo. Kaso lupa ako at langit siya kagaya ng aking binuong tula.
“Langit at lupa ang aming pagitan,
Ako ay mahirap at siya ay mayaman.
At kamang malambot ang kanyang higahan,
Ngunit ang akin ay banig na gawa sa kawayan.
Kayat di kami bagay sa isat isa,
Dahil ang mundo nmin ay magka iba.
Mayaman siya at maraming pera,
At akoy dukha at walang kwarta.
At ang kanyang ganda ay sadyang kakaiba,
Lahat ng lalake nabibighani sa kanya.
Dahil kasing wangis ng anghel ang kanyang itsura,
At nakaka akit ang singkit niyang mata.
At dalawang buwan nalang aalis na siya,
Mangingibang bansa siya'y magpakasaya.
Kayat lungkot ang aking nadarama,
At iniisip kung makikita ko paba siya.
At masisilayan ang mala anghel nyang itsura,
Na nakatayo sa pintuan na malapit ng maisara.
Pinangako ko na hihintayin ko siya,
Na kahit pumuti buhok ko at tumanda na.
Dahil di siya mapapalitan ng kahit sino pa,
Dahil sa puso ko siya ay nag iisa.”mahabang litanya ni Franco.
Ang nasa likuran namin ay biglang nagsipalakpakan.
“Napakagaling mo pare sana mapansin ka nang irog mo. Napakaganda ng pagkahabi ng Tula mo. Kung hindi ka maglakas loob na ipaalam sa kanya paano niya malalaman ang nilalaman ng iyong puso.”sabi ng may kaedaran ng lalaki.
Natawa tuloy ako dahil hindi nakaimik ang aking kaibigan. Hindi yata niya inaasahan na sa likod ng banayad niyang mga tula may isang nakakarinig at kanyang napapahanga.
Torpe ang kaibigan ko boss, mahinang gumalaw. Pinangungunahan ng takot kaya walang lakas ng loob na nagsasabinh kanyang tunay na nararamdaman para sa babaeng kanyang iniirog.
“Hindi pwedi yan, hindi na uso ngayon ang torpehan lalo na at ang mga kababaihan ay hindi na galaw Maria Clara. Kung sino ang mas madiskarte at mas may confident sa sarili siya ang makakasungkit ng matamis na OO.
“Bago siya umalis aminin mo ang totoo bata. Malay mo babagabag sa kanyang diwa ang iyong pagtatapat. Mula sa malayong lugar na kanyang pupuntahan ikaw ang kanyang isaisip. Malay natin dahil sa pagtatapat mo, balang araw uuwi siya na ikaw hahanapin at Sa kanyang matamis na pagpunta ikaw ang kanyang aalayan.”sabi pa ng lalaki.
Ayan na tol, binigyan kana ng lakas ni sir para maging matapang sa magtapat ng iyong pag-ibig para kay Anna.
“Ikaw yata ang napusuan ni Anna tol dahil sayo palaging nakadikit. Pero kung ikaw man ang magustuhan niya handa akong magparaya para sa aking kaibigan.”saad ni Franco.
Baliw ka ba? Inaasar ko lang naman si Anna. Aaminin ko humahanga ako sa galing niya sa billiard, maganda, matalino, maldita. Pero hindi ko naman naramdaman ang spark na tinatawag nila kapag nagustuhan ang isang babae. Kaya huwag mo akong alalahanin tol dahil kaibigan ko lang si Anna.
“Yes, yes, I did it! Yooohoooo daddy nanalo ako.”sigaw ni Anna.
Tol, panalo ang manok mo oh, mamaya ilibre mo kami ng bar-b-que.
“Noy, mang inasal tayo mamaya."sabi ni Anna.
Sige ba limang piraso huh, gutom na gutom na kami eh. Okay na tol, libre na ang haponan natin haha. Diskartihan mo na mamaya para hindi ka mahuli sa byahe. Pero dapat yata na magpaalam ka ng maayos sa daddy niya. Nag-iisang anak na babae pa naman yan Kaya dapat una mong respitohin ang kanyang ama.
“Oo nga noh! Dapat kay boss Lucas Ledesma muna ako magpaalam. Kapag tanggap niya na ganito lang ang aking trabaho eh di mabuti. Ngunit kung ayaw niya eh di tatanggapin ko nalang ang aking pagkatalo.”sabi ng aking kaibigan.
Tinamaan ka na nga ng palaso ni kupido tol.
Pagkatapos ng award ay niyaya na kami ng ama ni Anna para ilibre ng haponan. Siya na ang nanlibre dahil walong player daw ang nanalo sa kanyang team.
Boss, paano maglalaro si Ate Anna Kung mangingibang bansa na siya?
“Hoy daig mo pa ang mga maretes, kanino mo nalaman?”sabat ni Anna.
Binulong sa aking tainga ng hangin. Huwag ka nang umangal dyan dahil malakas ang radar ko. Bakit kailangan mo pang isekreto? Wala namang sasabay sa malditang kagaya mo.
“Ang OA mo huh, nag-sorry na nga yung tao eh. Hanggang ngayon hindi ka parin makaka-move on?”sabi pa niya.
Kailan ka ba naging tao ate Anna?
“Hoy! Anong palagay mo sa akin panabong? Mukha ba akong manok?”sabi niya.
Ikaw ang nagsabi niyan hindi ako.
“Ang alin?”tanong pa niya.
Panabong kamo eh!
“Grrrrr Dad just say something, itong mga alaga mo ako nalang ang nakikita.
“Ikaw ang nakikita, ika ang nasisisi
Ikaw ang laging may kasalanan
Paggising sa umaga, sermon ang almusal
Bago pumasok sa eskuwela
Kapag nangangat'wiran, ika'y pagagalitan
'Di mo alam ang gagawin
Ika'y sunod-sunuran, ayaw man lang pakinggan
Nasasaktan ang damdamin
Ika'y walang kalayaan
Sunod sa utos lamang.”kanta ni Franco.
Na amazed yata si Anna dahil biglang natulala. Ayownn nakabwelo ang aking kaibigan.
“Ang galing mo palang kumanta, pero bakit parang ako yung pinatamaan mo? May galit ka ba sa akin?”sabi ni Anna.
Galit wala, pero pagmamahal meron. Ikaw ang tala na sa kaibigan ko ay nagpatulala. Sa iyong ngiti siya'y nadadala. Sa iyong kilos siya'y nabibighani. Kaya inaasam niya na ikaw ay maging honey.
“Ang gwapo sana ninyo pero ang pangit ninyo ka bonding dahil ako lang ang palagi ninyong inaasar. Hindi nyo na ginalang ang daddy ko.”sabi niya.
Seryoso ba siya?
“Naku anak masanay kana sa mga yan at tsaka mga mababait naman sila. Matagal na silang kilala ni mommy Rosa mo at pinagkatiwalaan.”sabi ng ama ni Anna.
Pagkatapos naming kumain kanina ay niyaya na kami ni boss Lucas na umuwi. Ang sarap pala sa pakiramdam na pag-uwi mo may premyo kang maiuwi.
Marami na akong maruming mga damit kaya heto bago matulog nilalabhan ko muna.
Nang tumingin ako sa mga punong mangga may nakita akong parang bulto ng tao na nakaputi.
Uso pa ba ang mga engkantada ngayon dito sa syudad? Sa mga tahimik na lugar baka oo uso pa katulad nung nadaanan namin noon. Katakot-takot ang inabot namin ng panahon na yon.
“Bakit ka nagsasalita ng mag-isa dyan may problema na ba Sa turnilyo ng utak mo?”sabi ng babae na may malalim na boses.
“Sino ka?”tanong ko sa kanya.
“Hindi ako sinuka ng nanay ko, enire niya ako.”sagot niya.
Aba pati multo taklisa na pala noh? Kapag hindi ka umuwi sa inyo babatuhin na kita.
“Dito ako nakatira bakit mo ako pauuwiin sa ibang bahay? Sasamahan kita para hindi ka matakot.”sabi pa nito.
Ikaw nga ang kinatakutan ko eh kaya pinapauwi na kita. Hindi ko kailangan ng kasama sagabal lang yan sa buhay ko. Teka bakit nga ba kita kinakausap?
“Ayaw mo kasi sa tao baka gusto mo sa multo.”sagot niya.
Parang pamilyar sa akin ang sagot niya. Hoy ate Anna ikaw ba yan? Ngayon nga at humahalakhak na, tuwang-tuwa pa talaga. Ano naman ang makain mo at dyan ka pa talaga tumambay. Gabi na oh hindi ka ba natatakot?
“Nawala na ang takot ko Noy nang iwanan nya ako. May nakakatakot pa ba sa multo ng nakaraan? Yung paaasahin ka tapos bigla nalang mawala na walang paliwanag kung ano ang kanyang dahilan.”sagot niya.
Pwedi ko ba marinig ang kwento mo ate Anna? Kung kaya mo lang naman na ikwento, pero kung hindi okay lang kahit huwag mo nang ikwento....