Third person pov
Sabi ng iba mag-ingat pag nagmahal.
Wag padalos-dalos para sa huli ay hindi mabigo.
Kilalanin ang bawat isa.
Intindihin ang mga intensyon.
Minsan sa bigla ng iyong pagdating;
madudulas, masusugatan, at masasaktan.
Dahil ang puso ang unang pinairal at isip ay saglit nalimutan.
Dahil minsan ay mas madaling mag bulag bulagan.
Kahit ang dumi ay bumubungad sa mga mata.
Para lang hindi sya mawala kahit hindi na masaya ang pagsasama.
Nakasanayan na ikaw ay laging katabi sa kama.
Pero malaking pagbabago ang nasa gitna.
Ang pagmamahalan na sobrang tamis noon,
Pumalit ay asim at pait ng damdamin ngayon.
Paano at kailan nag simula mawala ang tamis ng iyong halik?
Dahil ba iba na ang nagpapatibok ng iyong puso?
Ang haplos na inaasam sa iba na dumadapo?
At dahil siya na ang dahilan ng kislap ng iyong mga mata?
Gusto ko man itigil ang kirot ng damdamin,
pero bakit hindi ko kayanin na ikaw ay mawala sa akin?
Minahal ka ng lubusan at buong puso ko'y inalay.
Pero ito ay unti-unti mong tinapakan at binali wala ang halaga.
Ngayon ako ay huling nagsisisi dahil hindi nakinig sa payo ng iba.
Handa na nga ba akong ikwento sayo ang aking masakit na karanasan sa ngalan ng pag-ibig Noy? Isa kang istranghero maari mo akong husgahan. Ngunit anong magagawa ko kung dahil sa lintik na pag-ibig umandar ang aking katangahan.
“We are a college sweetheart, pareho ng kurso aviation. Masaya naman kami at nagtutulongan sa paggawa ng mga projects. Bread winner siya ng pamilya nila kaya pinagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho bilang merchandiser sa isang mall. Dahil kailangan niyang padalhan ng pera ang pamilya niya buwan-buwan. Kaya kapag may mga projects kami ako ang gumagastos at tsaka two years na kaming live in sa unit ko.”kwento ni Anna.
Okay lang sayo na nakikitita na nga siya sa bahay mo. Ikaw pa ang gumastos sa mga projects niya.
“Okay lang kasi nangako naman siya na babayaran niya ako kapag mag-asawa na kami.”sagot ni Anna.
Nag-apply siya ng trabaho sa Canada at natanggap kaagad siya dahil mataas naman ang mga grades niya. Mula sa savings ko pa ang placement pay niya. Pati pa nga pagproseso ng passport niya pera konang ginamit.
Nang makapagtrabaho na siya three to four months okay naman ang communication namin. Pero nitong nagdaan na dalawang buwan bigla nalang siyang nawala. Kahit overseas call hindi na niya gamit ang dati niyang simcard.
Na declined pa ang application ko sa company na pinagtatrabahoan niya. Hindi ko rin alam kung ano ang kulang sa mga papeles ko.
Sa Canada ka pupunta para mapuntahan mo siya?
“Oo sana dahil gusto kong malaman kung ano ang kalagayan niya. Baka may masamang nangyari sa kanya baka naaksidente siya kaya hindi na niya ako makontak.”saad pa ni Anna.
Sa tingin mo ganun ang nangyayari? Hindi niya memoryado ang cellphone number niyo sa dalawang taon ninyong pagsasama?
“Hindi ko alam Noy, ang gulo na ng utak ko. Halos hindi na ako nakakatulog sa pag-aalala sa kanya. Tinanong ko ang pamilya niya Kung may communication ba sila. Ang sabi wala daw silang balita at hindi daw sila tinawagan ng anak nila. Gusto kong malaman ang kasagutan sa bumabagabag ng aking isipan.”umiiyak na sabi ni Anna.
Ramdam ko kung gaano ito nasaktan sa ginawa ng kanyang nobyo. Nakakatawa talaga ang tadhana dahil noon ako ang mahirap at inalipusta ng mayaman. Ginamit lang ako ni lheen para sa sarili niyang kapakanan. Ngayon si Anna ay mayaman at ibinuhos ang lahat ng suporta sa kanyang kasintahan. Heto umiiyak dahil nangangapa ng kasagutan sa lahat ng mga katanungan na naglalaro sa kanyang isipan.
“Kailan ang flight mo ma'am Anna?”singit ni Franco.
Nagulat tuloy ako sa bigla niyang pagsabat. Walanghiya ka tol, bigla ka lang sumusulpot. Bakit ka napatanong? Ihahatid mo ba siya doon?
“Why not! I have my source and I can assist her. Pwedi nating sabihin na kaya ko siyang tulongan sa kanyang pupuntahan. Kailan mo gustong lumipad Ma'am Anna?”sabi ni Franco.
Nagulat ako sa kanyang sinabi. Biglang nag English at may accent pa. Wewww sino ka ba Franco?
Si Anna man din ay natulala, malamang ay hindi rin makapaniwala sa kanyang narinig.
“Sorry tol, naglihim lang ng konti. Ngunit para sa kanya kaya kong muling gamitin ang aking mga source. Wilson Airlines captain Francis Chavez Wilson. Ang taong itinakwil ng ama dahil hindi sumang-ayon sa kagustuhan niyang ipakasal ako sa anak ng kanyang kaibigan.”bulong sa akin ni Franco.
Ano? Sigurado ka? Ilang taon na? Simula ng tayo ba ay nagkakilala? Alam ko gwapo ka at lamang ng tatlong paligo sa akin pero hindi ko nalahata na may mali sayo. Paano nangyari yon? Ilang taon ka na ba? Ang solid mo namang magsinungaling tol at talagang hindi napaghalataan.
“Anong ganap? Anong pinagsasabi ni Franco?”takang tanong ni Anna.
Itanong mo sa kanya teh baka yung ganap sa buhay niya maintindihan mo. May nililihim pala ang taong iyan.
Tumayo na ako at ipinagnatuloy ang aking paglalaba. Buhay nga naman parang life, isang simpling bilyonaryo pala. Piniling maging panadero para huwag mahanap ng pamilya. Takot sa multo pero kapitan pala, nakakapanliit naman ng sarili dahil muli na naman akong sinampal ng kahirapan.
oooOooo
“Tol, galit ka ba?”tanong ni Franco.
Hindi tol, nahihiya nga ako eh dahil mayaman ka pala. Kumbaga kalabaw ka at kuto lang ako. Ang galing mong magtagalog saan ka ba natuto?
“Grabeh ka tol kuto talaga. Filipina ang mama ko actually ilongga din kaya na adopt ko ang accent ng mga ilonggo. Hindi nagsasalita ng english si mama kapag nasa bahay. Ang sabi kasi niya kapag bumisita ako ng Pilipinas kailangan tagalog at ilonggo ang gamitin kong salita para hindi maloko.”sabi ni Franco.
Hindi ka nga naloko kami naman ang niloko mo. Kapitan ng eroplano naging panadero at nakikitulog pa sa masikip na kwarto. Tol, paano mo na adjust ang iyong sarili? Nakakahanga ang iyong ginawa, nagtatago ka pero dito sa bakery pa talaga ang iyong napili. Pwedi ka namang magtago na umuupa ng magandang lugar o maghanap ng matinong trabaho dahil may pinag-aralan ka naman.
“Isang experience tol, memorable experience na mababaon ko sa aking hinaharap. Nakilala kita at nakilala konang babaeng nagpapatibok ng aking puso.”saad ni Franco.
Sigurado ka na ba? Babalik ka ng Canada na kasama si Anna Ledesma. Paano kung hindi ikaw ang pipiliin niya. Paano kung naaksidente o nagkaaberya lang pala ang boyfriend niya sa ibang bansa. Ipaglalaban mo pa rin ba iyang narararamdaman mo?
“Bahala na tol, kung ano man ang maging resulta tatanggapin ko. Oras na rin siguro para bumalik sa pamilya ko. Ilang taon na ang lumipas siguro nakalimutan na ng ama ko ang aking paglabag sa kanyang utos.”sabi pa ni Franco.
Paano ba yan, mawawalan na ako ng partner.
“Ipagpatuloy mo lang ang iyong pangarap tol. Alam kung malayo ang iyong mararating. Ipagpatuloy ko ang scholarship na ibinigay ko sa iyong mga kapatid. Sabihin mo lang sa kanila na dapat magpursige at pagbutihan nila ang kanilang pag-aaral. Makakaahon rin kayo sa kahirapan. Konti nalang at matatapos na rin ang ipinatayong bahay ng iyong mga magulang.
“Ano? Magpatayo ng bahay sina mama at papa? Hindi ko alam yon ah. Pandadag lang naman nila ang perang ibinigay ko. Alam kong kulang pa yon sa dami ng aking mga kapatid. Kaya nga hindi nalang ako umuwi para makaagpadala ako ng maayos.
“Hahaha sinadya ko rin na huwag kang umuwi para hindi mo makita ang aking surpresa sayo.
Ngayong napagdesisyonan ko nang umuwi sa Canada, oras na para ipagtapat sayo ang lahat. Napakabuti mong kaibigan kaya palihim kitang tinutulungan. Alam ko ang mga paghihirap mong pinagdaanan. Kaya huwag kang bumitiw tol, umpisa na ito. Nabuksan na ang access ng iyong kapalaran. Matutupad na ang iyong mga pinapangarap. Balang araw kakilalanin ka ng mga tao.”saad pa ni Franco.
Ogag ka Francis Chavez Wilson matagal mo na pala akong niloloko hayop ka. Maraming salamat sa lahat ng tulong na ibinigay mo tol. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan. Teka iyang pagkabungal mo totoo ba yan?
“Hahaha naaksidente kasi ako noon kaya natanggal ang ngipin ko sa harapan. May artificial ngipin naman ako, hayaan mo isusuot ko na ito.”natatawa niyang sabi.
Oo isusuot mo na talaga hindi para Sa Amin kundi para kay Anna. Ingatan mo ang anak ni Boss Lucas Ledesma dahil nag-iisa niya lang na prinsesa yan. Mas maganda na rin siguro kung magkatuloyan kayo para patuloy parin tayong may koneksyon. Si Anna na asawa mo at si boss na coach ko.
“Don't worry tol, kapag may tournament sa Canada ipapalista kita. Bibisitahin mo ako at maglalaro ka rin para sa karangalan ng Pilipinas.”sabi ni Franco.
“Asahan ko yan tol, gagalingan ko talaga ang aking paglalaro. Grabeh totoo ba Ito o sadyang panaginip lamang? Hindi talaga ako makakapaniwala sa tagpong ito. Parang napaka-imposible naman. Paki sapak mo nga ang ulo ko tol. Ang taba ng utak mo eh, kaibigan mo ako pero ang dami mong inilihim. Tinulungan mo ang aking pamilya at mga kapatid na wala akong kaalam-alam. Salamat tol!, maraming, maraming salamat...