chapter 19

1401 Words
Third person pov “Napakatamis ng mga kislap ng iyong mga mata, Ningning nito'y daig pa ang mga tala na sa kalawakan ay nakikita. Hindi man ikaw ang una kung nakilala, Pero sayo ako biglang natulala , Biglang napasulat at napaisip, Pangalan mo'y laging kong isinasaisip. Sa kislap nang iyong mga mata, At sa mga mahinhin mong salita, Ang iyong matamis na mga ngiti, Parang ipinag-isang mga kontenenteng nahati. Di alintana ang singaw ng araw, At maalikabok na usok, ang paliko-likong mga daan, Na kapwa'y parehong di alam ang ating pupuntahan. Sa bawat huni ng mga ibon, ito'y nagpapahiwatig, Na ang pusong wala nang buhay biglang sayo nagkakulay, Na ang pusong matigas noon ay ngayo'y biglang lumambot, Salamat sa sandaling hindi mo ipinagdamot. Ang pag-ibig na ito'y pagkagulo-gulo, Bakit nga ba? kung minsa'y baluktot, kung minsan ay wasto, Huni ng puso, at guni-guni ng isip kailan man ay palaging nagtatalo. Sa darating na mga araw, oras at sandali, Kahit na mag-isa, ikaw ay ngumiti kahit sandali, Huwag kang magreklamo dahil malay mo, Nilagay siya ng Diyos sa susunod na pahina ng iyong libro. Alam kong sa Diyos may tamang panahon ang lahat, Walang may alam kailan ito'y bagamat, Hayaang munang palipasin ang panahon, Hayaang kumalma ang alon, Hayaang Diyos ang magpasya , kung tayo bang dalawa ang nakatadhana.”franco... “Are you ready?”tanong ni Franco kay Anna. “Sigurado ka ba na sasamahan mo ako? You are still a stranger to me, and I don't know your real identity. Hindi ko alam kung bakit bigla kang nagdesisyon na samahan ako. Sino ka bang talaga? Isa ka bang ispiya na inupahan ng aking ama para bantayan ako? Alam kong kayang gawin ng aking ama ang mga impossible para lang protektahan ako. Pero Franco naman may pupuntahan lang ako. Narinig mo naman ang lahat ng sinabi ko di ba. Kung ko siyang makausap, gusto kong kumpirmahin kung anong nangyari sa kanya. Anong dahilan niya kung bakit biglang nawala ang koneksyon namin.”sabi ni Anna “Hindi ako tauhan ng ama mo, hindi ako spy or whatever. Pwedi kitang tulongan Anna, matutulongan kita sa problema mo.”sabi ni Franco kay Anna. Nakausap na ni Franco ang ama ni Anna na si Lucas Ledesma. Pormal niyang hiningi ang pahintulot nito na gusto niyang ligawan ang dalaga. Inamin na rin ni Franco ang kanyang tunay na pagkatao. Pero hiniling na huwag munang ipaalam kay Anna. “Oh sige sayo ko ipagkatiwala ang anak ko Franc-- “Francis Wilson po!”pagputol ni Franco sa sinabi ni Lucas. “Okay Francis balitaan mo ako palagi. Gusto kong may update sa anak ko dahil alam mo naman na siya lang ang meron ako.”saad pa ni Mr. Ledesma. oooOooo Hinatid na namin sila ni boss Lucas sa daungan ng barko. Dahil sasakay sila ng barko papuntang Maynila. Emotional si boss Lucas sa pag-alis ng kanyang anak. Kahit risky ang situation ioinagkatiwala niya si Anna kay Franco. Tol, ingat ka huh, ang mga monay huwag mong pabayaan. “Loko ka tol, kaninong monay ang dapat kong alagaan?”sagot naman ni Nonoy. “Iba naman ang iniisip mo eh. Nga pala kunin mo ito tol, nariyan na ang aking contact sa Canada at sa nanay ko. Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka.”sabi ni Franco sabay abot ng cellphone sa kanyang kaibigan. “Uy g*go bakit kailangan pang may ganito. Sigurado ka ba na ibibigay mo sa akin ito? Ang mahal nito tol, nakakahiya naman. “Mas Mahal kita bilang kaibigan tol, sa ilang taon nating pagsasama nakahanap ako ng tunay na kaibigan at ikaw yon. Tanggapin mo yan para palagi kang may contact sa akin,”si Franco. “Maraming Salamat tol huh, bumalik ka kapag okay na ang lahat."si Nonoy. “Oo babalik ako para patayuan ka ng sarili mong bakery,”sabi pa ni Franco. Sumampa na sila ni Anna sa barko, mga ilang minuto nalang paalis na ito. “F-ranco, pwedi ba akong magtanong?”si Anna. “Sure, go ahead!” “Bakit mo ba ako tinutulungan? Anong purpose mo at talagang buwis buhay ka para samahan ako. M-ma-- “Mahal kita!”agad na sabi ni Franco. “Mahal mo ako?” “Mahal kita!” “Lagi?” “Lagi naman!” "Hindi ito mawawala?" “Hindi.” “Sigurado ka?” "Oo naman! Mas sigurado kaysa kamatayan! …Maraming bagay ang lilipas, ngunit hinding-hindi ito mangyayari." “Paano mo nalaman?” "Dahil sisiguraduhin kong hindi ito kukupas." “Talaga!” Oo naman! dahil ang pag-ibig ay hindi lamang isang pakiramdam. It's not a passive, lazily sprawling experience. Sa pag-ibig ay kailangan na maging mahusay tayo, mahusay sa pagdesisyon. At pagkatapos ay kailangan natin itong pagtatrabahoan hindi para sa ibang tao, ngunit para sa ating sarili. Sa bahagi ng ating sarili may mga pagsubok na kailangan nating labanan. Hindi tayo pweding tumakbo sa malayo upang maiwasan ang sakit. Ang pag-ibig ay hindi isang madali o maliit na bagay lamang, hindi isang walang timbang na salita. Ang pag-ibig ay isang pakikibaka!” “Bago palang naman tayong magkakilala paano ka nakakasiguro sa narararamdaman mo?”tanong ni Anna. “Love at first sight! Iyon ang tanging hawak ko ngayon,”diretsong sagot ni Franco. Ngayong handa na siyang ipakita kay Anna ang kanyang tunay na pagkatao hindi na niya kailangan na magpaligoy-ligoy pa. Habang ini-enjoy nina Franco at Anna ang byahe papuntang Manila sakay ng barko. Marami silang napagkwentohan at naging kampante sa bawat isa. oooOooo Toronto, Canada.... “Welcome to Canada Anna.”si Franco. Dinala ni Franco si Anna sa isang hotel na malapit lang sa airport. Sinadya niya ito para madaling makita ang taong hinahanap nito. Magpahinga ka muna bago ka pumunta sa airlines na pinagtatrabahoan niya. Naibili na kita ng simcard mo dito sa Canada. Tawagan mo nalang ako kapag may kailangan ka, uuwi muna ako sa bahay namin. Babalik nalang ako dito bukas ng umaga. “Salamat Franco sa tulong mo, nang dahil sa'yo mas napadali ang pagpunta ko dito. Sige hihintayin kita bukas para samahan ako na hanapin ang boyfriend ko.”saad ni Anna. Puno ng excitement si Anna, bukas makikita na niya si Albert. Isang malaking surprisa ito para sa kanyang nobyo. Si Franco/Francis naman ay umuwi na sa bahay nila. Sobrang naiyak pa ang kanyang ina nang makita siya. “Mabuti naman at naisipan mong umuwi lalaki ka. Hindi mo ba alam na miss kana ni nanay? Hindi na galit ang tatay, palagi pa nga siynag humihingi ng pasyensya dahil sa maling desisyon niya. Hindi ka daw niya dapat hinihigpitan o kinukontrola.”saad ng ina ni Francis. “Darling, Francis is back! Jezzlyn, Arwin nandito na ang kuya ninyo.”sigaw ng ina ni Franco. Agad na lumabas ang kanyang ama at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ito nagsasalita at tahimik lang na umiiyak. I'm sorry tatay, it takes me more years to come back home. I enjoyed my experience being a monay baker. “What? Ang future CEO ng Wilson Airlines naging panadero?”gulat na saad ng ina ni Franco. “Hi kuya I miss you, you're so mean kuya.”umiiyak na sabi ni jezzlyn ang bunso nilang babae. “Welcome back bro, I hate you for leaving us but I love you because you're here now.”si Arwin. Masaya nilang pinagsaluhan ang kanilang haponan. oooOooo “Cynthia bilisan mo dyan, dalhin mo itong meryenda sa bisita ni sir Lucas.”sigaw ng kasambahay. “Saglit nga lang po nanay Josie inaayos ko pa po ang uniform ko dahil papasok po ako sa school.”sagot ni Cynthia. Nagulat naman si Nonoy nang makita niya ang magandang babae na papalapit sa kanya. Nakasuot ito ng school uniform. Ito ang dalaga na minsan niyang nakita na pumunta sa bilyaran. Napaisip siya kung kaanu-ano ba ito ni boss Lucas. “Kuya heto na po ang meryenda ninyo. Ubusin niyo po ang lahat para walang madadapuan ng langaw. Late na po kasi ako sa school kaya hindi ko maliligpit.”sabi ng dalaga. Natawa nalang si Nonoy dahil nagkanda-ugaga na ito sa pagtakbo. Ang cute naman niya, ang kind ng kutis at ang ganda ng hitsura. Madalas ko na pala siyang makikita dahil dito siya nakatira kina boss Lucas Ledesma. “Noy, tumibok na ulit ang nananahimik mong puso,"kutya ng isip niya. Ayayayyyy pag-ibig.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD