Nonoy pov
“Kuya pakisungkit nga ng mangga po.”utos ni Cynthia sa akin.
Ate buntis ka po?
“Ngekkk buntis lang ba ang kumakain ng mangga? May bagoong po si nanay Josie masarap kainin yan.
Ah akala ko buntis ka, hinintay pa naman kita.
“Po?”
Wala po sabi ko kukuhanan na kita ng mangga baka makunan ka pa.
“Pasaway ka kuya Noy, baka may makarinig at maniwala pa. Alam mo naman na maraming Marites sa paligid.”sabi niya habang nakatingala sa puno ng mangga.
Eh di ako ang maging ama, pananagutan kita.
“Tumigil ka nga dyan kuya, ang tanda-tanda mo na eh. Babaero pa naman iyang hitsura mo,"Sabi niya.
Hindi pa ako matanda Uy, malakas pa ako kaysa kalabaw ng tatay mo sa bukid. Pwedi mo pa nga akong maging kalabaw bente kwatro oras.
“Mag-aararo ka po ng bente oras?”inosente niyang tanong.
Oo basta ikaw ang aararuhin ko.
“Po?”tanong pa niya.
Wala nga po ang sabi ko pulutin mo na ang mga nahulog na mangga.
Pag ikaw naglihi Cynthia baka pati puno ng mangga nguyain mo pa yata. Ang lakas mong kumain ng manggang hilaw.
“Ngeeekk! Ano ako patay gutom?”sabi niya.
Hindi patay pero gutom lang Cynthia. Ang cute niya na parang manika at maputi. Ang bata pa nito para pagnasaan ko. Hihintayin ko nalang siya na lumaki ng konti tapos liligawan ko.
“Kuya, naglalaro ka ba ng bilyard?”tanong niya.
Oo bakit? Gusto mo bang magpaturo? Handa akong turuan ka at bukod sa billiards tuturuan rin kita na mahalin ako.
“Hala si kuya ang tanda mo na uy tapos ako ang bata ko pa.”reklamo niya.
Ayon sa kasabihan age doesn't matter Cynthia. Hihintayin ko ang paglaki mo kaya huwag kang manlalaki huh.
“Ngekkk baliw kana kuya Nonoy,”sabi ni Cynthia.
Tara na may practice pa ako, dahil gagalingan ko para sayo. Pwedi na kitang gawing inspiration baby girl.
Ako na ang nagbit-bit ng mga mangga tsaka kami umuwi sa bahay ni boss Lucas Ledesma.
Nagpraktis akong maghapon, ni hindi ko alintana ang pagod. Parang nagkaroon ako ng enerhiya sa tuwing naiisip ko si Cynthia.
oooOooo
Cynthia pov
Ano ba itong nangyari sa akin bakit parang kinikilig ako sa nangyari kanina. Sa tuwing naiisip ko ang mga banat ni kuya Nonoy napapangiti ako. Hayssttt ano bang mapapala ko sa isang gurang na bilyarista. Hay naku mag-aral ka munang mabuti Cynthia bago mo pairalin ang iyong kalandian. Matanda na yon at marami ng karanasan sa buhay. Baka hindi mo alam na kaliwa't kanan ang mga naghahabol at mga karelasyon nun,”kastigo ng isip ko.
oooOooo
My billiard competition begin, mga magagaling ang aking mga nakakatunggali. Kailangan ko talaganh galingan para makapasok ako sa national competition at maging kalahok sa NCR. Panginoon kung ito na ang daan para matupad ang aking pangarap ibigay mo na. Taimtim kong dasal dahil gusto kong matupad ang aking pangarap. Gusto kong makilala bilang manlalaro sa nakahiligan kong laro at makilala sa sarili kong bersyon.
Ang paligsahan ay nag-umpisang magbukas. Nang mga piling kalahok kung sino ang pinakamalakas. Pinagtipon tipon sa labanang may mataas na antas. Ang gantimpala sa mananalo ay ang kapalaran ng bukas.
Wari bang hamon ng buhay na tayong lahat ay kalahok. Sa paligsahang paunahang makarating sa tuktok. Kung sino ba ang makakalagpas sa mga pagsubok. At kung sino ba ang matatag at tunay na di marupok. Kaya wag hayaang tumiklop ang tuhod. Kahit sa panghihina ay dahandahang mapaluhod. Dapat kalimutan ang nararamdamang pagod. Dahil ang laban ay dumarating nang sunod sunod.
Ibigay ang lahat ng makakaya,
Magtiwala sa sarili, may magagawa pa. Huwag mawawalan ng pagasa, manatiling nakamulat ang mga mata. Sabay ibukas ang munting palad. Ano mang oras darating ang hinahangad. Tulad kong manlalarong naghihintay ng pabor. Nakasalalay ang puntos, kapag nahawakan ang cue stick.
Ganun kahalaga ang bawat panahon. Di dapat pinalalagpas ang bawat pagkakataon. Yan ang aral na ipinapaalala nitong kompetisyon
At ang disiplinang nakapaloob sa isang kampeyon.
Sumigaw kahit gaano kaliit ang tinig. Di maglalaon ay tuluyan ka nilang maririnig. Habang ang tao’y may taglay na pagibig. May lakas na di padadaig kahit pang buong daigdig. Bumangon ka lang kahit ilang beses man madapa….
Walang tagumpay sa pagsuko
Kaya laban lang ng buong puso
Ipakita mong ikaw ang nararapat.
Sino man ang makatapat, bumalakid man ang lahat. Ang mundo ay isang parang laro. May panalo at may pagkabigo. Ngunit may karamay na kupunang sumasaiyo. Na magsasabing “Magkasama tayo, sila ikaw at ako”
Pero sa laro ng pag ibig, walang mechanics. Walang rules, walang score. Meron ka lang players na makakalaban pero walang kakampi. Malas mo kung kilala mo yung kalaban pero di mo kayang talunin.
Malas mo kung may gustong kumampi, pero ibang laro na ang gustong laruin. Sa larong 1 on 1
Sinong aasahan? Sarili mong strategy lang, strategy na nakabase sa kalaban.
“Julz Nonoy Buenvenida maghanda kana dahil ikaw na ang susunod na lalaban. Anong nangyari sayo at bakit napakalalim ng iniisip mo. Kinakabahan ka ba? Magpakatatag ka at sanayin mo ang iyong sarili. Sa oras na masasanay mo na ito mas gaganahan ka at mas lalo lang magpupursige sa paglalaro. Level up your ability Noy, huwag kang matakot. Laruin mo lang ang bola at maging focus sa pagbitaw ng cue stick para matamaan mo ang target at makapasok sa hole.”payo ni boss Lucas Ledesma.
Salamat sa payo mo boss, asahan mong gagawin ko ang aking makakaya para manalo. Ito na ang umpisa ng aking pangarap. Salamat sa pagkakataon na ibinigay mo sa akin.
“Walang anuman Noy, basta magtiwala ka lang sa iyong sarili.”tapik ni boss sa aking balikat tsaka umalis.
Tinitingnan kong maige ang naglalaro. Inaral ko na rin ang mga strategies nila para may matutunan naman ako. Bawat manlalaro hindi nagsasabi ng kanilang mga taktika. Pinapakita nila ito sa oras ng competition. Minsan masusurprisa ka nalang sa mga kakayahan nila sa oras ng laro.
Minsan naman hindi mo maiiwasan ang yayabangan ka nang iyong kalaban para mawala ang focus mo sa laro. Karaniwan sa mga dirty tricks ng mga players ay ang galitin ang opponent para mawalan nang focus ang kalaban. Lalo na kapag nasa ganitong competition lang. Maraming nanggugulo para mawalan ng focus ang manlalaro lalo na kapag nagpupustahan sila.
Tinawag na ang aking pangalan, kaya tumayo na ako para ihanda ang sarili.
“Magaling ang makakalaro mo Noy, alam kong baguhan ka pa lang pero huwag kang kabahan. Maging focus ka lang sa paglalaro mo. Huwag mong pakinggan ang mga nanggugulo sa paligid.”saad ni boss Lucas.
Kailangan kong maging focus at kay Cynthia ko ibibigay ang trophy hahaha my naughty mind alert. Nauna nang bumwelo ang aking kalaban at talagang magaling siya sa larong ito. Tinitingnan ko lang ang kanyang mga taktika sa laro para maisagawa ko rin ang sarili kong paraan para makalamang sa kanya. Nang ako na ang may hawak ng cue stick sa una kinabahan pa ako. Kalaunan naging gamay ko na ang laro at umaayon na sa aking galaw ang stick at bola.
At the end of the game ako ang nanalo. Tuwang-tuwa naman ang aking coach dahil naipanalo ko ang laban. Walang imposible kapag buo lang ang tiwala sa sarili. Isa ako sa magiging kalahok sa NCR competition. Ito na ang umpisa ng bakbakan at naway maging katuparan ng aking pangarap.